BL12

213 11 0
                                    

LUCKY POV.


Magkahawak ang kamay na naglalakad kami ni Barnabas. Pauwi na kami galing sa date namin kanina, kumakain pa ako ng ice cream dahil parang nagcrave ako nito ngayon.

Ihahatid na naman ako ni Barnabas kaya ito ngayon. Nagenjoy ako sobra sa date namin ngayon kaya nakangiti ako habang kumakain ng ice cream.

Simpleng park ang pinuntahan namin, pinanood lang namin ang mga taong may sariling ginagawa sa park, lalo na ang sunset. Habang pinapanood namin ang paglubog ng araw ay nag-usap kami tungkol sa future naming dalawa na magkasama.

Napadaan pa kami sa mga kapitbahay kong chismosa.

"Mare diba Yan si Lucky? Yung malas na tao kaya mag-isa nalang?" Natigilan naman ako dahil ako ang laman ng chismisan nila, pero nagpatuloy rin ako sa paglalakad kalaunan.

"Oo, tapos yung kasama niya naman ay ang poging construction worker doon malapit sa kanto" sagot naman nong isang mosang.

"Balita ko ay lumalabas ang dalawang yan, nagdedate kung baga" Sabi naman nong nagbabantay sa tindahan.

Bumagal ang lakad ko at pinakinggan silang pinagchichismisan ako.

"Nako, kung ako sa lalaking yan ay hindi si lucky ang aanyayahin kong maging jowa. Baka malasin pa ako" Sabi nong isa habang may hawak na pamaypay.

"Oo nga, ang malas na niya nga,bumagsak pa siya sa hamak na construction worker lang" pumintig ang tenga ko sa narinig ko.

Is she degrading a construction worker?

Napakuyom ang kamao ko at galit na tinapos ang ice cream ko bago ako nagpapadyak na nilapitan sila.

"Excuse me ho mga marites. Pero anong masama sa pagiging construction worker?" Nakangiting sabi ko.

"Lucky hija Ikaw pala" Saad nong nasa tindahan.

"Hija maganda ka naman, bakit hindi ka maghanap ng mayaman? Para naman umunlad ang buhay mo" Saad nong may paypay.

Nandidilim na ang paningin ko sa kanila pero nakangiti parin akong humarap sa kanila. "Pero marangal naman hong trabaho ang pagiging construction worker". Sagot ko.

"Ay nako hija, bata ka pa kaya wala ka pang alam sa mga bagay-bagay. Wala iyan sa rangal ng trabaho hija. Aanhin mo naman yung marangal na trabaho kung hindi mo naman ito ikauunlad?" Natatawang sabi nito, sumang-ayon naman ang iba.


"Wala naman ho yan sa yaman, ang importante po ay kung masaya ka ba sa taong kasama mo" sagot ko rito.

Lalo namang lumakas ang tawa nila. "Hija hindi ka mapapakain ng kasiyahang sinasabi mo, mas mabuti pang maghanap ng amerikanong mapapangasawa kesa naman magtyaga sa isang hamak na construction worker"

"Tama" sang-ayon nong iba.


"Kayo ho ba, ayaw niyo maghanap ng amerikano kesa naman ho mag  chismisan nalang ng buhay ng may buhay para umunlad naman ang buhay niyo?" Saad ko sa kanila.

Sumosobra na sila. Porket matanda na sila kala nila tama na lahat ng sinasabi nila.

"Bastos ka ah!" Tumayo na sa upuan yung may pamaypay at dinuro ako.



"Eh, kayo rin naman ho. Nangengealam sa buhay ng iba. Anong masama sa pagiging construction worker? Buti nga at may trabaho Siya at pinagkikitaan. Kayo ho ba? Bukod sa pagtsitsismisan at Pag aabang sa sahod ng mga asawa niyo may iba pa po ba kayong ginagawa?" Inis na sabi ko sa kanila.


"Puro kayo "kung ako sa inyo ganito ganiyan" eh bakit hindi kayo ang gumawa? At tsaka hindi rin naman kayo ako kaya wag niyo akong pakialaman! Mamahalin ko ang gusto kong mahalin. Kahit ano pa ang trabaho niya! Kung hindi sila si Barnabas wag nalang!" Galit kong sigaw at iniwan sila doon.

Nilapitan ko naman ang nakatunganga pero namumulang  si Barnabas at hinila na ito paalis doon sa tindahan.



Mga bwesit sinira nila ang gabi ko!.

B: LUCKY MEWhere stories live. Discover now