BL3

350 11 3
                                    

LUCKY POV.


"Mikmik miss, hindi mo alam?" Tanong nito. Ngumiwi naman ako.

"Alam ko naman kuya, Ang ibig ko hong sabihin ay bakit niyo ako binibigyan ng mikmik" Saad ko dito.

"I asked you if do you smoke mikmik" page-english nito.

Taray nasa kanto humihithit ng mikmik english speaking! Hope all.


"Oo naman kuya, basic! Ako ang pinakamagaling na smoker ng mikmik sa amin eh!" Pagmamayabang ko bago kinuha sa pagkakahawak niya ang isang straw ng mikmik at isang pakete nito na chocolate flavored.

"Watch and learn" Sabi ko at nagpabida sa pagpapausok ng mikmik.

"Wow! Ang galing! Turuan mo naman kami miss!" Sabi ng mga kasama niya at pumapalakpak pa.

"Thank you, thank you?" Sabi ko dito at kumaway na parang beauty queen.



Tinuruan ko sila sa tamang pagpapausok ng mikmik. Ilang beses pa silang nabulunan at nagkanda ubo-ubo kaya tawa ako ng tawa.

"Putangina pre, nakakamatay pala ito!" Sambit nong isa.

"Oo nga eh! Nakakahiya pa naman kung ang ilalagay na cause of death natin ay mikmik!" Pagsasang ayon nong isa.


Umiling naman ako at umupo sa gilid ng kalsada kung saan sila nakapwesto kanina. May latag naman na plywood kaya kahit papaano ay malinis dito.

"Upo kayo dito mga kuya. Tuturuan ko kayo ng tricks!" Pagaanyaya ko sa kanila. Mabilis naman silang naki-upo kaya pwumesto kami ng pabilog at sa gitna namin ang kabundok na rami ng mikmik.


"Ganito yun..." Pag uumpisa ko at tinuruan sila. Mabilis naman silang natuto kaya tuwang-tuwa ako.


Pero mas tuwang-tuwa sila at nagyayabangan na sa harap ko. Kaya may pagkakataon akong pagmasdan ang kanilang mga itsura.

Doon ko napagtanto na mga construction workers pala ang mga ito. Tan ang mga balat nila dahil siguro sa init ng araw at nakababad pa sila rito.

Batak din ang mga muscle, parang ang sarap pisilin pero nakakatakot baka isang suntok mo lang lumipad ka agad.

Lahat din sila ay gwapo! Walang tapon!

Ang swerte ko naman! Sana ito na Ang simula ng swerte ko!

Nakangiti na rin akong kumuha ng mikmik at humithit nito. Saktong napatingin ako sa relo ko kaya wala sa sariling nabilaukan ako sa mikmik.



Ubo ako ng ubo na parang wala ng hininga dahil sa rami ng power na pumasok na ata sa baga ko.

"Miss ayos ka lang?!" Tanong nong isa kaya sinamaan ko siya ng tingin.

Mukha bang okay yung mamamatay na sa kakaubo dahil sa mikmik??


"Bobo! Kita mo naman na umuubo na tapos magtatanong ka pa! Mukha na nga siyang malalagutan ng hininga eh!" Saad nong isa at binatukan ang nagtanong kung ayos lang ba ako.

"Pareho lang kayo! Alam niyo ng hindi siya okay pero wala kayong ginagawa!" Nakatanggap naman ang dalawa ng tig-iisang batok mula rito.


Naramdaman ko namang may humimas sa likod ko kaya napatigil ako sa pag-ubo at lumingon dito.

Yung poging unang kumausap sa akin!


Namula naman ang mukha ko dahil ramdam ko ang init ng palad niya sa likod ko, idagdag mo pa ang parang may kuryente na dumadaloy sa katawan ko.

"A-Ayos n-na a-ako" nagkandautal-utal na saad ko. Tumikhim pa ako para tuluyang umayos ang paghinga ko.


Kala ko naman ang swerte ko na, jusko muntik ko ng ikamatay yung mikmik!

B: LUCKY MEWhere stories live. Discover now