BL9

240 9 1
                                    



LUCKY POV.



Pagkatapos ng sigawan nila ay ito na kami at umiinom nalang ng kape. Pero patuloy parin ang kwentuhan nila.

Agad naman silang naging close dahil na rin parehong maiingay kaya ayan. Kung ano-ano ang pinagchichismisan. Nakikisali rin naman ako paminsan-minsan pero hinahayaan ko lang silang magusap-usap.

Iniisip ko parin kasi ang sinabi kanina ni BB. Pansin ko rin ang panaka-naka niyang tingin sa akin. Ikinuyom ko nalang ang kamay ko para pigilan ang pagngiti at ang pagpula ng pisngi ko.

Kunwari ay wala akong nararamdamang kakaiba, kunwari wala lang yung pagconfess niya. Pero kunwari lang yun.

Nong magmadaling araw na ay naisipan na naming umuwi, as usual ay ihahatid ako ni Barnabas.

Kaya ito kami ngayon at naglalakad. Tahimik lang kami, kumukuha kasi ako ng lakas ng loob para tanongin siya. Ayaw ko rin naman kasing mapahiya at umasa. Tapos wala naman palang talaga diba.

Tumikhim muna ako bago nagsalita. "T-Tungkol sa s-sinabi mo kanina, t-totoo ba y-yun?" Nauutal na saad ko.



"No" deritsong saad niya kaya bumagsak lahat ng pag-asa ko na gusto niya rin ako.

Bagsak ang balikat ko at tumango-tango bago mas naunang maglakad sa kanya.


"Hindi Kita gusto-" Saad nito kaya pinutol ko agad ito.

Oo na hindi mo na ako gusto. Uulitin pa eh!.


"Alam ko Barnabas kaya tumahimik kan–"



"Hindi Kita gusto, dahil Mahal Kita!" Mabilis na Saad nito kaya natigilan ako.


"W-What?" Naiusal ko nalang sa gulat.


"Tsk, wala na hindi ko na uulitin" Sabi niya at nilagpasan ako.

Agad ko naman siyang hinabol. "Ano ulit yun?! Pakiulit nga!" Pangungulit ko.


"Ayoko nga, tama na yun" Saad niya. Kaya hinarap ko siya at nagpacute. Hindi ko alam kung effect dahil ngayon ko pa lang to nasusubukan sa tanang buhay ko.

"Please?" Narinig ko naman ang pagbuntong-hininga niya tanda ng pagsuko.


"Oo na, oo na pasalamat ka at cute ka!" Sabi nito at pinisil pa ang pisngi ko. Napangiti naman ako, ayos effective pala yun.


"Mahal Kita. Alam kong, sobrang bilis dahil kakakilala palang natin pero handa akong patunayan sayo yun. Kaya Lucky please, hayaan mo akong ligawan ka." Sinseryong saad niya habang nakatitig sa mga mata ko. Tinitigan ko rin siya pabalik.


"Lucky? Magsalita ka naman oh, kinakabahan ako sayo eh" Saad niya kaya napatawa ako.


"Gusto din kita. Kaya oo payag akong ligawan mo ako" Sabi ko at nagsimula ulit ako sa paglalakad.


"Ano? Gusto mo ako? Pakiulit nga" Sabi nito pero mas binilisan ko lang ang paglalakad ko.


"Lucky!" Tawag niya sa akin.


"Walang ulitan sa bingi" pang-aasar ko dito at tumakbo na para makalayo sa kanya. 



"Lucky antay!" Sabi nito pero hindi ako nakinig at tumakbo hanggang sa may mabangga ako.


Kaya napaangat ang tingin ko. Bumungad sa akin ang tatlong lalaki na malalaki ang katawan kaya napaatras ako.


"Miss? Mukhang mag-isa ka lang ata. Naliligaw ka ba?" Tanong nong nasa kaliwa.


"Ah, hindi po kuya. Diyan lang po ako" Saad ko at akmang lalampasan na sila.


"Samahan kana namin" Sabi ng isa at hinawakan pa ako sa bewang.

Umilag naman ako bago umiling sa kanila.


Lord huhuhuhu pagkatapos ng nakakakilig na aminan ano naman to?

B: LUCKY MEWhere stories live. Discover now