BL15

262 8 3
                                    

LUCKY POV.



Nandito ako sa balkonahe ng bahay nila Barnabas at nagpapahangin. Kakatapos lang namin mag-usap at maghapunan.

Ang bait ng nanay niya grabe, kala ko talaga lalaitin ako dahil galing ako sa mahirap na pamilya. Okay lang rin sa akin ang tatay niya kaya ang saya-saya ko.

Kala ko nga dati kaapilyedo lang ni Barnabas ang mayaman na pamilya ng Benitez pero siya pala talaga ang tagapag-mana ng mga ito. Sikat ang mga Benitez dahil kilala ito bilang may-ari ng isang multi-million company sa buong bansa at sa ibang parte ng mundo. 

Hindi ako makapaniwala na jowa ko ang tagapag-mana nila. Ang swerte ko na talaga pagdating sa kanya.

Napatigil ako sa pag-iisip ng may yumakap sa akin kaya nilingon ko siya. "Aprobado ka ng pamilya ko, pakasal na tayo luv" nakangusong sabi nito, nagpapacute ata. Kala mo naman cute, ang laki-laki nga ng katawan niya eh.


"Magtigil ka, mashado pang maaga para magpakasal tayo, next month mo nalang ako tanongin" biro ko. Pero hindi ata siya tumatanggap ng biro.

Isang buwan makalipas non ay niyaya nga niya ako ng kasal. Biro lang yun eh pero kung seryoso siya sure why not naman diba. Sino ba naman ako para tanggihan ang isang Barnabas Benjamin Benitez.

Kaya ayon naging mag fiance kaming dalawa. Tuwang-tuwa naman ang nanay niya pero nagrequest ito na kung pwede ba daw eh next year na gawin ang kasalan dahil gusto daw nito na bongga ang kasal.

Pumayag naman ako pero ang boyfriend ko ang may ayaw, kaya nakipagtalo ako. Syempre ako ang nanalo kaya ayon dalawang buwan na nagtampo sa akin.

Dalawang buwan ko rin sinuyo, at pinagsabihan na hayaan nalang ang nanay niya sa gusto nitong gawin. Kahit tutol parin siya ay hindi nalang siya nagsalita at magiintay nalang daw siya ng isang taon kahit labag sa loob niya.


Lumipas ang isang taon ay excited na excited si Barnabas sa kasal namin. Ang tagal daw niyang nag-antay yun. Natatawa nalang ako tuwing naaalala ko ang kaatatan niyang makasal kami.

Pati yung pari pinagmamadali niya dahil excited siyang maging Mrs. Benitez niya ako. Syempre excited at kinikilig din ako, Hindi ko lang pinapahalata para maangas parin ako.



Napatigil ako sa pagmuni-muni ng umiyak ang anak namin sa bisig ko. Pinadede ko naman ito dahil kanina pa ito na tutulog at ngayon lang makakadede.


"LUCKY ANDITO NA KAMI!" sigaw ni Lee. Nagsipasok na rin ang iba pa naming mga kaibigan sa bahay. Bahay na pinagawa ni Barnabas, ang laki nga eh, at ang ganda. Sabi ko nga sa kanya na dapat simple lang pero hindi siya nakinig.


Pinapunta namin ngayon ang mga kaibigan namin para mag bonding kami, dahil minsan nalang kaming magkita dahil busy ang buhay mag-asawa namin at hindi pa kami nakakapagadjust mashado.



"Ay napakacute jud nitong anak niyo lucky" Sabi ni Irma. At pinanggigilan ang anak kong dumedede.

Naramdaman ata niya na may bisita kaya huminto Ito sa pagdede at nilingon si Irma.

"Adto ka kay ninang? Lika!" Sabi nito. Punta ka Kay ninang?. Agad namang kinuha ni Irma sa akin si Nalu.

Si Irma kasi ay bisaya kaya medyo napaghahalo niya ang Tagalog at bisaya buti nalang at naiintindihan namin siya dahil matagal niya na kaming tinuruan nito.

"Andito na ang banal!" Sigaw ni Dakota. Banal ang tawag niya sa magkakaibigan na sina Barnabas dahil daw pag kinuha mo ang first letters ng name nila ay BANAL ang kinakalabasan. Kaya ayon kahit kami ay banal na ang tawag sa kanila kahit na napakalayo ng ugali nila sa pagiging banal.

Hindi naman nagpahuli ang mga lalaki dahil umisip din sila ng itatawag sa amin. "DEVIL!" sigaw nila.

Yan, Yan ang tawag nila sa amin. Devil dahil rin sa pagkuha ng first letters ng name namin at tsaka daw tugma Ang tawag nila sa ugali namin nakinagalit namin ng husto kaya hindi namin sila pinansin.

Ayon suyo sila ng suyo sa amin. Tuwing na aalala ko yun ay hindi ko mapigilang mainis pero matawa na rin.

"Wife,what are you thinking?"  Tanong ni Barnabas at yumakap sa akin. Hinalikan rin niya ako sa noo kaya napapikit ako.

"Wala naman, inaalala ko lang na kung hindi dahil sa mikmik hindi tayo magkikita tapos wala sa atin ngayon si Nalu".

Nalu Jasmine Benitez is our daughter. Ang ganda niya mana sa nanay.

"Stop thinking about those wife, just focus on our future hmmm?" Sabi niya at hinalikan naman ako sa pisngi. "Speaking of future, sundan na natin si Nalu? Sounds good yeah?"

"Tumigil ka! Hindi pa nga malaki si Nalu eh gusto mo na agad sundan?! Kailan ba?" Saad ko dito kaya nagtawanan kaming dalawa.

"Mamaya wife, I love you" Sabi nito.

"Hmm, I love you too" sagot ko dito.

"Tara na, samahan na natin sila baka malamog na yung pisngi ng anak ko kawawa naman" Sabi nito at hinila niya ako papalapit sa mga kaibigan namin.

Pagkatapos ay binitawan niya ang kamay ko at naglakad para kunin si Nalu na hawak-hawak ni Luke.


No matter how unlucky I am before I met him. I felt very lucky when he came together with our daughter. Kung bibigyan ulit ako ng pagkakataon at papiliin kung swertehin ako o malasin. Ang pipiliin ko ay ang malasin nalang kung ang kapalit parin nito ay si Barnabas. I'll always choose my lucky charm over everything.

My lucky charm named Barnabas Benjamin Benitez.



THE END.






All rights reserved 2022©





So ayon ilang araw akong kinulit ni Barnabas kaya ko siya nasulat agad. Pasensya na kayo kung mashadong mabilis, babawi nalang sa TRAPB. I hope you'll like it. Pinaghirapan ko ito ng 6 hours mahigit. Another book is closing, but I hope to see you in the next one. Thank you for reading. I hope you did enjoy it kahit short lang siya. Have a great day or night. I love you always Rainedrops ❤️❤️❤️.





B: LUCKY MEWhere stories live. Discover now