BL8

237 9 5
                                    

LUCKY POV.



Kumakain lang kami ni Barnabas ng dragon seed habang naghihintay na lumapit sila Asher sa amin.

Habang naghihintay ay may tumawa sa pangalan ko. "Lucky? Hoi lucky Ikaw nga" Saad ng pamilyar na tinig.

Nilingon ko ito at nakita ko sila Dakota. Ang mga kaibigan ko. "Bakit kayo nandito?" Tanong ko sa kanila.

Umupo naman sila sa lamesa namin habang kinukuha ang upuan at isa panglamesa para idugtong sa amin.

"Coffee date, Ikaw ba?" Saad ni Dakota.

Mga walang hiya! Dito rin nagcoffee date amp. At hindi pa talaga ako sinabihan ah.

"Sino tong kasama mo luck?" Tanong naman ni Rai.

"Wow, coffee date din kayo? Ang galing naman!" Sabi ni Lee at pumalakpak pa.

"Si BB–" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil sumigaw sila.

"BB?! MAY JOWA KA?"

"AT HINDI MO MAN LANG KAMI SINABIHAN?!"

"ABA LUCKY ARITZA KAILAN KA PA NATUTONG MAGLIHIM SA AMIN?!"

Sigaw nilang lahat kaya napalingon ang ibang tao sa amin. Yumuko naman ako dahil sa hiya.

Hindi ko kilala ang mga Yan!

"BB, pangalan niya yun ano ba kayo. Siya si Barnabas Benjamin" Sabi ko at napa'ah' naman sila kaya inirapan ko sila.

"Benjamin, ako pala si Dakota. May jowa kana?" Sabi ni Dakota at nagpapacute pa. Dakotin ko kaya mata mo? Akin Siya.

Sinamaan ko naman siya ng tingin at sinipa kaya napalingon siya sa akin. Mukhang nakuha naman kaagad niya ang ibig kong sabihin dahil ngumisi Siya.

Ano kayang binabalak nito?

"Wala akong jowa, pero may gusto ako."natigilan naman ako dahil doon.

May gusto siya? Kanino?

Bigla naman akong nakaramdam ng lungkot. Nawalan na ako ng gana kaya hindi na ako kumain ng dragon seed at nakinig nalang sa kanila.

"Talaga? Sino naman?" Tanong ulit ni Dakota.

Magsasalita sana siya ng dumating na sila Asher.

"Pre may problema ba? Nakarinig kami ng sigawan dito eh" tanong ni Noah.

"Wala naman pre" sagot ni Barnabas.

"Oh may mga kasama pala kayo" Saad ni Luke ng mapansin sila Dakota.

"Ahh, mga kaibigan ko pala. Sila Dakota, Everlee,Vrai, at Irma." Walang ganang pakilala ko.

Nagkamayan naman silang lahat, bago sila kumuha ng bagong mga upuan at lamesa dahil sa rami namin.

"So mabalik tayo sa tanong ko Benjamin. Sino ang napupusuan mo?"  Tanong ulit ni Dakota kaya natahimik silang lahat at nagabang sa isasagot niya. Kahit ako ay napaayos ng upo at nakinig sa isasagot niya.

"Ang gusto ko ay yung kung gaano kaswerte ang pangalan niya ay sya namang kinamalas niya" Saad niya kaya natigilan ulit ako.

Napuno naman ng sigawan ang lamesa namin.

"WAHHHHHHHHHHHHHH SANAOL LUCKY!"

"SANAOL MATAPANG"

"SANAOL NAGCONFESS"

"SANAOL CRUSH"

"LUCKY, PRAYER REVEAL NAMAN!"

"WOOHOO HINDI NA SIYA TORPE"

"CONGRATS BARNABAS! BINATA KANA"

Sigawan nila kaya pinagtitinginan ulit kami. May pahampas pa sila sa mesa kaya ang ingay talaga. Parang may party tuloy imbis na lamay.

Ang ingay na nga nila Asher dinagdagan pa nila Dakota. Ang galing!

Ito naman ako at namumula na nakayuko. Nakakahiya kasi sila pero mas lamang ang kilig na nararamdaman ko ngayon.

Lord legit ba to? Kung totoo man to. Thank you! Utang ko sayo ang love life ko!








B: LUCKY MEWhere stories live. Discover now