BL13

207 7 0
                                    


LUCKY POV.

Pagkatapos ng kompruntasyon na iyon ay hindi na ako iniistorbo o nakakarinig man lang ng kahit ano tungkol sa akin.

Mabuti naman kung ganon dahil kung hindi pagsasalitaan ko rin sila ng masama. Wala na akong pake kung mas matanda sila kesa sa akin. Hindi porket mas matanda sila eh sila na talaga yun tama.


Kapag nasa katuwiran! Ipaglaban mo!




Lumipas ang ilang buwan at patuloy parin sa panliligaw si Barnabas. Sa katunayan ay balak ko na siyang sagutin ngayon eh.


Mashado ng matagal ang panliligaw niya sa akin. Tsaka mas masaya Pag tinatawag ko siyang boyfriend kesa manliligaw diba?



Iniisip ko palang, nasa Lazada Yan! Este kinikilig na ako. Ikaw ba naman magkaboyfriend ng makisig na lalaki. Bukod doon ay gwapo din siya.



Mabait pa, maalaga, maasikaso at syempre Mahal ako.



Yieeeeeeeeee lord kung pwede lang kitang makurot sa tagiliran kinurot na kita sa kilig. Sobrang thank you po. Kahit na ang malas malas ko ay binigyan niyo parin ako ng isang Barnabas na Mahal na mahal ako at syempre Mahal na mahal ko rin.




Isa pa rin pala sa napansin ko, tuwing kasama ko si Barnabas ay hindi gumagana ang kamalasan ko. Pag siya yung andyan ang swerte swerte ko.



Siya na ata ang lucky charm ko. Lucky charm na gwapo.



"BB!" Tawag ko dito, pinapunta ko kasi siya sa bahay namin para dito ko siya sagutin.



"Hi luv" Sabi niya. Luv Yan ang endearment niya sa akin. Pangit daw kasi pag 'luc' kaya pinalitan niya ng 'v' yung 'c'.


Okay na okay naman sa akin. Aarte pa ba ako eh parang mag jowa na kami dahil sa tawagan namin sa isa't-isa.



"Bakit mo pala ako pinapunta dito?" Tanong niya, hinawakan ko naman ang kamay niya at sabay kaming naupo sa sofa.


"Barnabas" seryosong sabi ko.


"A-Ano?" Kinakabahang tanong niya. Muntik pa akong matawa pero hindi ko nalang ginawa dahil seryoso ang sasabihin ko sa kanya.



"Dito sa bahay na to. Dito ako pinanganak dahil hindi na umabot si mama sa hospital. Dito rin nagsimula ang kamalasan sa buhay ko, namin nila mama. Kaya naman dito ko rin gustong simulan ang swerte ko. Barnabas sinasagot na kita, ang natatanging swerte sa buhay ko" nakangiting sabi ko.


Pero hindi siya kumibo man lang. "Barnabas? Barnabas? Hoiiiiii! BB?!" Pagsusundot ko dito.


Imbis na sumagot ay umiyak Ito kaya nagulat ako. "Hoi anong nangyayari sayo?! Okay ka lang ba?! May masama ka bang nararamdaman?!" Nagpapanic na tanong ko.



"T-Talaga? B-Boyfriend mo na ako? At G-Girlfriend na kita?" Umiiyak na tanong nito kaya tumango naman ako.



"Bakit ayaw mo ba?" Nag-aalalang tanong ko.


"Gusto! Gustong-gusto ko!" Sumisinghot na sabi nito at hinila ako para yakapin. "Thank you" Saad nito at hinalikan ako sa noo.




"I love you" usal nito.



"I love you too" Sabi ko at niyakap siya. Sumiksik naman siya sa may leeg ko at narinig ko nalang na sumisinghot na ulit ito.



"Hoi umiiyak ka na naman ba?" Natatawang sabi ko pero hindi siya umimik kaya hinayaan ko nalang siya.





Lord worth it lahat ng kamalasan ko dahil swenerte naman ako sa love life dahil kay Barnabas.

B: LUCKY MEWhere stories live. Discover now