BL2

424 15 6
                                    


LUCKY POV.




Kinabukasan ay agad akong naghanda para sa papasukan kong karenderya sa tapat ng construction site.


Nagsusuot ako ng komportableng sapatos ng bigla itong bumuka kaya nagtsinelas nalang ako. Paglabas ko ng bahay ay binuksan ko ang payong para sana may panangga ako sa init ng araw ng biglang humangin ng malakas kaya bigla itong bumaliktad.


Inis na tinapon ko sa gilid ang payong bago sumigaw. "Punyeta! May imamalas ba pa ang buhay ko ha!"



Napahiyaw naman ako sa gulat ng biglang umulan kaya nabasa ako. "Hala pasensya kana lucky hija! Nandyan ka pala hindi ko napansin"



Sigaw ng kapitbahay ko, hindi pala ulan yun. Galing pala yun sa hose ng kapitbahay naming si aling Delia. Nagdidilig ng halaman at nasali pa ako!


Mukha ba akong halaman?


Ngumiwi naman ako at sumagot. "Ayos lang ho aling Delia, salamat sa libreng paligo"


"Walang anuman lucky, kailangan mo na rin siguro ng dilig kaya tama lang yan" sarkastikong ngumiti naman ako sa kanya bago naglakad papasok ng bahay para magbihis.


Anong dilig ang pinagsasasabi mo aling Delia. Tsk matanda nga naman kung ano-ano ang mga sinasabi.


Pagkatapos kong magbihis ay naglakad nalang ulit ako papunta sa karenderya dahil kabisado ko naman ang daan, at baka mas mahuli pa ako kung magaantay ako ng masasakyan.

Hindi rin naman kasi mashadong malayo ang karenderya kung tutuusin. Nasa may construction site na ako ng makita kong may mga lalaki sa gilid at humihithit ng hindi ko alam kung ano.


Dahan-dahan akong naglakad para hindi nila ako mapansin.

Jusko ang aga pa humihithit na sila.


Napadasal ako ng wala sa oras para lamang hindi nila ako mapansin. Ang malas-malas ko na nga makakakita pa ako ng nagshashabu sa gilid ng kalsada. Hindi ba sila natatakot na mahuli?


Dahil sa kamalasan kong taglay syempre hindi nadinig ang dasal ko. May napatid akong lata kaya lumikha ito ng malakas na ingay kaya napalingon silang Lima sa akin.

Nakakunot noo namang lumapit ang isa sa akin. "Please po kuya parang awa mo na wag mo akong papatayin! Hindi ko kayo isusumbong!" Sigaw ko sa takot.

Nakayuko rin akong nakapikit. Lord wag muna lord!.

"What are you talking about?" Ani ng baritong tinig kaya napaangat ako ng tingin.


Sikreto akong napasinghap dahil sa gulat. Sinong hindi magugulat kung may gwapong nakabungad sa harap mo.


Ito ba yung sundo ko lord? Sasama na po ako sa liwanag kung ganon.


"Excuse me miss?" Pagkukuha nito sa atensyon ko. Hindi ko man lang namalayan na nakatunganga na pala ako sa harap nya.

Nakakahiya ka Lucky! "Ano po yun?" Tanong ko na bahagya pang nilagay ang takas na buhok ko sa likod ng tenga ko.


"Anong Sabi mo kanina?" Tanong nito.

"A-Ah wala po yun, sige po una na ako" agad kong sabi at akmang tatakbo ng mahawakan niya ako.

"Wait miss. Do you smoke?" Pagpipigil nito sa akin. At inabutan ako ng isang pakete.......ng mikmik?


"Ano to Kuya?" Tanong ko kahit obvious naman.

Ang ganda mo talaga Lucky! Sige gumawa ka pa ng kahihiyan! Malas ka na nga sa buhay, magiging kahihiyan ka pa!

B: LUCKY MEWhere stories live. Discover now