BL11

219 11 3
                                    


LUCKY POV.




Simula nong umamin siya na may gusto siya sa akin ay araw-araw niya akong nililigawan.

Naging mas sweet, maalaga at maasikaso siya sa akin kaya araw-araw akong kinikilig.

Yun nga lang ay napakaseloso niya. Tulad nalang ngayon, nagtatampo siya sa akin kung bakit daw nginitian ko yung lalaki kanina.

Sabi ko naman na malamang dahil costumer namin siya. Kailangan ko palaging ngumiti. Pero heto siya at nakanguso sa isang sulok habang nakacross arm. Segu-segundo niya rin akong iniirap habang nagseserve ako ng mga pagkain. Sinasamaan pa ako ng tingin habang sinusundan ako ng tingin.

Ng matapos ako ay nilapitan ko Siya. "Hoiii Barnabas" tawag ko dito at sinusundot ang tagiliran niya.

"Lumayo ka saakin, don kana sa mga costumer mo" sambit nito habang nakatalikod sa akin. Pinagdiinan niya pa talaga ang salitang 'costumer'.

Anong pinaglalaban nito?


Kunot noon ko siyang tinignan. "Nagseselos kaba?"

"Oo!Ay! Hindi! Bat naman ako magseselos? Doon kana!" Angil pa nito sa akin.

Namewang ako at tinignan siya. "Lumingon ka muna sa akin"

"Ayoko nga, don kana. Alis!" Pagpapaalis niya sa akin.

Parang bata amp.


"Okay sige." Saad ko at tinalikuran ko siya. Pero hindi pa naman ako nakakatatlong hakbang at may humigit sa akin kaya napaupo ako sa hita niya.

"Joke lang eh. Dito kalang" paglalambing niya sa akin sa akin.

Pinipigilan ko namang ngumiti, galit-galitan muna ako. Hindi ko nagustohan ang pagseselos niya. Lahat nalang kasi ng bagay pinagseselosan niya.

Pati Plato nong nakaraan pinagselosan niya, kasi lagi ko daw hawak! Makatarungan ba yun?.

"Hoii sorry na nga. Lablab naman Kita eh" pagdadrama pa nito at hinalikan ako sa balikat kaya napaiwas ako.

May kiliti ako diyan ano ba!

"Hindi ko nagugustohan ang pagkaseloso mo Barnabas. Lahat nalang." Seryosong sabi ko.

"Sorry na, eh kasi naman eh. Wala ka ng binibigay sa akin na atensyon, puro ka nalang trabaho" malungkot na sabi nito, nakonsensya naman ako.

"Gusto mo gala tayo?" Tanong ko at hinimas ang buhok niya.


"Date?" Tanong niya. Tumango nalang ako, nagliwanag naman ang mukha. "Talaga?! Saan?!" Excited na sagot nito.

"Ikaw? Saan mo ba gusto?" Paglalambing ko dito.


"Sige may isa akong naisip puntahan!" Nakangiting saad niya, sobrang lawak ng ngiti niya kaya napangiti narin ako sa kanya.

"Teka, bakit ka nandito? Wala ka bang pasok ss construction site?" Tanong ko sa kanya.


"Meron, pero tumakas ako para makita ka" nakangusong sabi niya.

Kaya nanlaki ang mga mata ko at hinampas sila. "Bumalik kana doon! Pano Pag natanggal ka sa trabaho ha?!" Galit na sabi ko.



"Kahit matanggal pa ako sa trabaho, pinapangako kong hindi maghihirap ang reyna ko" turan niya kaya yung galit-galitan ko kanina ay natunaw nalang bigla.

Malawak ang ngiti ko pero hinampas ko parin siya. "Bumalik kana don!" Kunwaring galit kong sabi pero hindi ata effective kasi nakangiti ako habang sinasabi yon.


Ito kasing lalaking to, pinapakilig ako bigla! Hindi pa naman ko ready!


"Sanaol" Sabi ni nanay Berna.

Nakinanay narin ako sa pagtawag sa kanya dahil na rin sa request niya.



Natawa nalang ako kay nay Berna. "Halika na nay, balik na tayo sa trabaho." Usal ko dito.


"Sus, kabataan nga naman. Minor moments" Sabi nito.


"Nay anong pinagsasasabi mo? Hindi naman kami minors!" Natatawang sabi ko.



"Ay hindi ba?"


"Hindi nay" natatawang sabi ko.


Kahit matanggal pa ako sa trabaho, pinapangako kong hindi maghihirap ang reyna ko. Hoiiiii ano ba! Nakakakilig ka talaga Barnabas.

B: LUCKY MEWhere stories live. Discover now