4 ~ RESPECT

34.6K 2.4K 453
                                    

CHAPTER FOUR

THE bright white color of the sky from the top of the hill feels like she's really in heaven. The golden sunlight is magnificent. The morning breeze, the sounds of the singing birds, and the tall trees around, made the Sitio Verde a hidden paradise.

Kaya rin siguro hindi umaalis ang mga tao sa sitio kahit na mahirap ang buhay doon ay dahil sa ganda ng paligid. Na hindi makikita kung sa patag o sentro naninirahan. She couldn't blame the people when they chose to live simply and poorly there because it was hard for them to leave that kind of place.

Marahil ay kakaibang pakiramdam din ang ibinibigay ng paligid sa mga tao. Na kahit pa mabagal at madalas ay salat ang buhay do'n, nananatili parin ang kapayapaan.

Aside from that, most of the people in Sitio Verde are afraid to socialize and to even step their foot at rural area. Sinong hindi matatakot? Kung ang mga tao roon ay masama ang tingin sa kanila? Na para bang hindi sila parte ng mundo.

May mga taga sitio na umalis at hindi na bumalik. Tuluyang tinalikuran ang nakagisnan. Ngunit marami pa rin ang takot at walang balak na iwan ang lugar. Para sa kanya, kailangan mamulat ang mga ito na hindi lang doon ang mundo nila.

Ang isa sa dahilan kung bakit nagtuturo rin siya sa mga bata doon ay dahil para maging handa ang mga ito kung sakaling biglang mag iba ang ihip ng hangin at mapilitan silang lisanin ang sitio.

She wants the kids to be ready with their new environment. Ipinapakilala niya sa mga ito ang mga tao, bagay o lugar na makikita kapag bumaba sila sa patag. Para na rin hindi maging mangmang sa paligid pagdating ng araw.

"Saan ka pupunta ate Charlotta?" tanong ng paslit na si Yen-yen.

Nakalabas na siya sa bahay nila at bababa na sa patag. Handa na siya para mag trabaho sa unang araw niya sa azucarera.

"Magtatrabaho ako, Yen-yen."

Inayos nito ang malagkit na buhok. Nakayapak at hindi maayos ang damit na suot. Katulad ng mga bata na nakatira roon. Pati damit ay kay hirap ipundar.

"Saan?"

"Sa azucarera."

"Puwede ba ako roon, ate Charlotta? Gusto ko na rin mag trabaho."

Umagang-umaga ay nakaramdam siya ng lungkot. Nakikita niya ang batang siya sa walang muwang na si Yen-yen. Gusto niya na rin mag trabaho sa murang edad noon. Sabik na sabik na magkapera para may pang kain silang mag lola.

"Hindi pa puwede ang gaya mo roon, Yen-yen."

"Bakit? Marunong akong magtanim! Marunong din ako sa gawaing bahay, ate Charlotta."

"Unahin muna natin ang pag aaral. Mahalaga kasi 'yon. Kapag nag aral tayo ng mabuti, mas makakahanap tayo ng magandang trabaho."

Gusto niyang paliwanagan pa ng husto si Yen-yen kaya lang ay hindi pa siya nito lubusang maiintindihan.

Charlotta walked fast. Medyo nahuli siya dahil sa pakikipag usap sa bata. Noong dumating sa gate ng sitio, naroon na si Grego. Nakaupo ito sa motor at nag aabang sa kanya. Malayo pa lang ay tanaw niya na kanina.

The beating of her heart went fast. Maaaring dahil sa paglalakad. Posible rin na dahil nariyan si Grego. Dalawang bagay lang ang puwede niyang pagpilian kung bakit. Marahil ay pareho ang rason.

Grego stood up when he saw her coming. He's wearing a jacket and black inner shirt. Dark pants and boots this time.

"Good morning," she greeted with a small smile. "Kanina ka pa ba?"

"Morning," he greeted back as he stares at her. "Medyo."

Nagmadali na agad siya. Hindi na nasabi ang dahilan kung bakit siya na late.

La Carlota 1: Reaching the SunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon