25 ~ MARRY

39.8K 2.4K 208
                                    

CHAPTER TWENTY FIVE

KUNG hindi pa siya ginising ni Grego, tiyak na mahuhuli siya sa nakatakdang oras nang pagkikita ng mga kandidata sa Playa Azure. Doon ang lugar kung saan gaganapin ang ilang aktibidad na kailangan katulad ng photoshoots, interviews, and so on.

Bago ang araw na 'yon, bumisita muna siya sa Sitio Verde upang kumustahin ang lola Salma niya at ang mga tao roon. Nangako rin naman ang mga ito na kung may pagkakataon ay manonood sa araw ng koronasyon. Having them on that day will mean a lot to her. Kaya kakausapin niya si Grego para matulungan siya sa sasakyan na gagamitin ng mga taga sitio.

"Ang sabi ni Tita Fauna, kahit hindi ko po makuha ang korona sa pagkakataong ito, ayos lang daw sa kanya. Pero nakakahiya. Ang dami niya nang nagastos para sa akin. Kung hindi ako mananalo ngayong taon, iniisip ko na huwag ko nalang po ipagpatuloy ang pagsali sa beauty pageant. Baka hindi talaga ito ang para sa akin, la."

Habang pinapanood niya ang lola niya sa pagluluto ng maruya, ikinukwento niya rito ang mga nangyayari sa buhay niya.

"Gano'n talaga, Terra. Kung hindi pa oras na manalo ka, hindi 'yon ibibigay sayo. Bago ka mag desisyon, isipin mong mabuti kung iyon ba ang gusto mong mangyari sa buhay mo... o baka naman nakakaramdam ka lang ng bigat sa dibdib dahil iniisip mo ang mga responsibilidad na palagay mo ay naka-atang sa balikat mo."

At kung sumuko nga siya sa huli, ano na lang kaya ang sasabihin ng mga taong tumulong sa kanya simula pa sa una? Hindi kaya ay talagang pressured lang siya? She don't want to disappoint Fauna Almendarez and Hermosa team this time, the reason why she's so eager to win the crown.

Pero, hindi ba dapat ang rason niya kung bakit gusto niyang manalo ay dahil mas mabibigyan siya ng oportunidad na matulungan ang mga taga Sitio Verde?

Sa oras na makuha niya ang korona, makilala siya ng mga tao sa buong probinsya at kung saan siya nagmula. Sitio Verde will be known and that's her chance to introduce the place to other people. Gusto niyang ipakita na ka-bilang sila sa mundo ng mga ito.

"Isipin mo ang mga dahilan mo kung bakit pinili mo ang karera na 'yan. Gawin mong inspirasyon ang mga 'yon para makuha ang korona, apo. Sa tingin ko ay nakalimutan mo ang mga rason sa pagkat may ibang bagay gumugulo sa isip mo."

Charlotta can't help being emotional. Lumapit siya sa lola Salma niya at niyakap ito sa gilid. Nahinto naman ito sa ginagawa at hinaplos ang buhok niya.

"Salamat, la. Medyo magulo nga po ang isip ko. Na-pressure po talaga ko."

"Sigurado akong naiintindihan ka ni Fauna. Normal lang naman siguro 'yang nararamdaman mo lalo at malaking kompetisyon ang sinalihan mo. Ang payo ko lang sayo ay isa-puso mo ang lahat nang ginagawa mo at ang mga isasagot mo, Terra."

Kumain sila ng meryenda sa harap ng munting bahay. Hindi niya mapigilan na muling pag masdan ang ganda ng Sitio Verde. Ang luntiang paligid, asul na langit at ang simoy ng hangin, ay sadyang nagpapagaan ng dibdib niya.

"Ate Charlotta! Ate!" tawag sa kanya ni Yen-yen habang tumatakbo palapit sa kanila.

"Bakit, Yen?"

Inilahad nito ang dalawang kamay at nakita niya ang kulay green na tassel earrings at kulay itim na minipis na kwintas at hugis dahon ang nagsilbing pendant.

"Bigay namin sayo, ate."

Napangiti siya at kinuha ang mga 'yon sa palad ng bata.

"Salamat. Ang ganda..."

"Sana makanood ulit kami sa laban mo, ate Charlotta."

"Susubukan kong gumawa ng paraan para makanood kayo."

La Carlota 1: Reaching the SunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon