20 ~ BABY

41.4K 2.6K 523
                                    

CHAPTER TWENTY

IT wasn't really easy. It was exciting at first but as time goes by, she started to miss her grandmother, the ambiance in Sitio Verde, the kids, and even the sounds of the birds. It was hard to deal with the longing and sadness if she was alone, especially at night.

Ilang beses pang nangyari na maiiyak nalang siya. Mabuti nalang at kahit hindi niya kasama si Grego, mabilis nalang niya itong tawagan kapag nalulungkot siya. Minsan pa ay pupuntahan siya para patahanin. Uuwi rin kalaunan.

Naipasa niya na ang requirements sa munisipyo at sa Metanoia. Naghihintay nalang siya ng patawag para sa mga orientation at iba pang kailangang gawin. Araw-araw din ang pasok niya sa azucarera. Gaya nang napagplanuhan, hatid sundo siya ni Grego.

Isang buwan bago ang pasukan, ipakilala siya sa mga babae na kasali sa training para sa beauty pageant. May ilan na kasing edad niya lang. Mas marami ang ahead sa kanya.

"Ikaw 'yong nanalo last year sa Miss Intrams, di ba?" tanong sa kanya ni Yasmin.

They were already wearing a five inches high heels sandals. They are in front of the wide mirror wall where they can see themselves while walking.

"Oo."

"First time mo sumali sa beauty contest?"

"Oo, Yasmin."

"Sino ang nagpasok sayo rito?"

Graduate na si Yasmin at hindi sila pareho ng escuelahan. Taga Bacolod ito. Napunta sa La Carlota para mag training.

"Si Madame Fauna Almendarez."

Mga staff lang ang nakakaalam ng relasyon niya kay Grego. Ang mga babaeng parte ng agency ay walang ideya. Hindi siya rin binabanggit na malapit siya kay Fauna Almendarez. Ayaw niyang sabihin ng mga ito na naroon siya dahil kilala niya ang may ari.

She wants to prove to them and to herself that she deserve to be part of Hermosa.

Hermosa is the name of the modeling agency where the girls are trained to join beauty contest.

"Really? The owner of Hermosa? Close kayo?"

"Hindi masyado."

"Well, Alena said that she's close with Madame Fauna. Ex boyfriend niya ang anak."

Alena is also there. She is part of agency. Nagkita sila noong unang pasok niya pero madalas na hindi siya binabati.

"Gano'n ba..." Charlotta was nothing to say anymore.

Ex-boyfriend? Hindi naman daw naging girlfriend ni Grego si Alena. Assuming ba si Alena para ipagkalat ang hindi naman totoo?

"Nandito raw no'ng nakaraan. Si Alena yata ang sadya."

Kumunot lang ang noo niya. Siya ang sinundo ni Grego at hindi Alena.

"Hindi naman si Alena."

Nilingon siya ni Yasmin galing sa screen ng cellphone nito.

"Sino kung gano'n?"

Nagkibit siya ng balikat. Wala parin balak na ipagkalat ang relasyon niya sa anak ng may ari ng Hermosa.

"Girls, get ready in five," Netta informed them.

Lima silang babae na naroon. Dalawa ay ka-edad niya. Ang dalawa naman ay hindi. Sina Yasmin at isa pang babae.

"Anim kayong naka schedule ngayong araw. Nasaan si Alena?"

Nagtinginan naman sila.

"Parating na raw Miss Netta," si Yasmin.

La Carlota 1: Reaching the SunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon