23 ~ LOVE

40.8K 2.4K 298
                                    

CHAPTER TWENTY THREE

THE celebration party for her winning as Miss La Carlota was held in Playa Azure. Kahit na inimbitahan nila ang mga taga Sitio Verde na magpunta roon ay pinili ng mga ito na huwag nang dumalo. Maging ang kanyang lola Salma ay hindi niya rin napilit.

"Pasensya na, Terra. Pagod rin kasi ako at malalim na rin ang gabi. Hindi ko na kayang dumalo sa party para sayo."

Sila nalang halos ang naiwan sa back stage. Umuwi na ang mga kandidata at iba pang kasamahan ng mga ito. Ang mga organizer naman ay nag umpisa na ring mag ligpit.

Matagal na pinagmasdan ni Charlotta ang kanyang lola. Katulad noon, halata na sa itsura nito ang katandaan kahit pa matibay parin sa mahabang lakaran o kaya'y sa mga gawain sa sitio.

"Sa apartment ka nalang matulog, la. Uuwi po ako doon pagkatapos ng party-"

"Naku, hindi na, apo. Uuwi ako sa sitio kasabay ng mga tao. Huwag mo akong alalahanin."

Napatingin siya sa kabilang banda kung nasaan naghihintay sa kanya si Grego. Ang mga kaibigan nila ay nauna na sa Playa Azure. Doon nalang sila hihintayin kasama ang mga tao sa likod ng kanyang tagumpay sa gabing iyon.

"May sasakyan naman na ipinahiram si Madame Fauna para ibalik kami sa sitio. Kaya hindi na kami mahihirapan pa. Mabuti pa at magpunta ka na sa party at siguradong marami ang naghihintay sa 'yo doon."

Alam niya naman na hindi na mababali ang desisyon ng lola niya. Bukod sa pagod nga ito dahil mag hapon na naroon, gabi na rin at oras na nang pagpapahinga nito.

"Ganito nalang po. Magpupunta ako sa sitio para mag celebrate din tayo."

Ngumiti ang lola niya kasabay nang pagkulubot ng balat sa gilid ng mga mata.

"Maghihintay kami sayo kung gano'n."

Tumango-tango siya at napangiti na rin. Niyakap niya ang lola Salma nang matagal at ipinaramdam dito kung gaano siya kasaya sa mga nangyayari sa buhay niya.

Talaga ngang hindi kayang diktahan ng tao ang mangyayari sa hinaharap at ang kung ano ang inilaan ng kapalaran.

Ni hindi niya inakala na makakamit niya ang mga korona na ipinatong sa ulo niya. Ni hindi rin sumagi sa isip na magkakaroon nang tapat na kaibigan. At higit sa lahat, bagamat pinangarap na mapansin ni Grego, ngunit ang ibinigay ng kapalaran sa kanya ay higit pa sa pinangarap niya.

Holding Grego's hand while walking towards the long table where people who truly supports her were waiting for them, made Charlotta's smile and her eyes watered.

Binati siya ng mga staff ng Hermosa. Naroon din sila Nova, Eagan and Netta. On the other side of the long table is Fauna and all of the judges. Then her friends who looked like very eager to talk with her.

Nakipag beso siya sa mommy ni Grego na nakagawian na rin gawin sa tuwing magkikita sila. Nakipagkamay at niyakap naman siya ng ibang naroon bilang pagbati.

"Madame Fauna has really an eye for a beauty queen!" Nova exclaimed amazingly.

"Right? Charlotta's beauty is something that it was hard to ignore. She always stood out." Eagan praised her.

"I couldn't take my eyes off," one of the female judge laugh a bit. "You're really stunning, hija."

"Thank you so much. I couldn't explain the happiness I am feeling right now. I can't still believe that I won."

Isang ngiti ang iginawad sa kanya ni Fauna. "I am glad you made it, dear."

"Without you and Hermosa, I don't think I'd be able to do all these, Tita. Kaya, maraming salamat po sa inyong lahat."

La Carlota 1: Reaching the SunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon