22 ~ CROWN

46.8K 2.8K 585
                                    

CHAPTER TWENTY TWO

TIME passes surprisingly quickly. April came and everyone in La Carlota got busy because of the preparation for the Pasalamat Festival. Since her trainings occupied her time a lot, she was not able to join in other festive activities. Pero kahit pa gano'n, naroon siya at nanood naman.

The costumes and floats are colorful. Buhay na buhay ang paligid at nakakamangha ang lahat nang nakikita niya. There are also local and foreign tourists who came to La Carlota to witness the thanksgiving festival.

Solaris' group was one of the best performer. Her beauty and confidence stood out. The fact that her parents were there to support her made the people admired her more. Pero kahit na alam niyang masaya ang kaibigan sa ginagawa, may pagkakataon sa escuelahan na nagkukwento ito sa kanya tungkol sa problema.

"I always caught them fight at night. Hindi lang ako nagpapakita, Charlotta."

Habang naghihintay ng susunod na klase pagkatapos ng lunch break, nagpalipas sila ni Solaris ng oras sa likod ng Gymnasium; kung saan ay naging tambayan na rin nila.

"Ano ba ang pinagtatalunan ng magulang mo?"

Solaris heaved a sigh. To see her worries on something was new. She always had a smile on her face. Siguro ay gano'n talaga kapag may problema sa pamilya at lalo sa magulang. Talagang naapektuhan ang mga anak.

"I just know that my mom was so mad on this certain woman. She's jealous."

"Woman?" Charlotta's forehead knotted. The story seemed familiar. "Nagseselos si Madame Vera sa isang babae? Bakit? May ibang babae ba ang daddy mo?"

Sumimangot si Solaris.

Sa malawak na field sila nakatingin. May ilang football player na nagpa practice kahit pa tirik ang araw. Mabuti na lang at nasa lilim ang inuupuan nila, dahil kung hindi tiyak na pareho sila ng kaibigan na babalik sa classroom ng namumula.

"I don't think my dad can do that to my mom. He loves her a lot. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit gano'n na lang ang galit ni mommy."

"Sino kaya ang babae?"

"Hindi ko pa alam, Charlota..." she trailed off. "But, it seemed like the woman was my father's childhood friend."

Hinaplos niya ang balikat ng kaibigan. "Sana ay magkaayos na ang magulang mo, Solaris. Kapag kailangan mo ng kausap, palagi lang akong nandito."

Ngumiti ito sa kanya at hinawakan ang kamay na ginamit niyang panghaplos.

"Salamat, Charlotta. Marami ang gustong makipagkaibigan sa akin pero hindi ko kayang sabihin sa kanila ang ganitong klaseng problema. Masaya ako na naging malapit tayong dalawa at naging magkaibigan."

"Masaya rin ako na ganito tayo, Solaris. Salamat dahil pinagkatiwalaan mo ako at naging open ka sa problema mo sa magulang mo."

"Wala na kasi 'yong nag iisang kaibigan ko," malungkot nitong sambit.

Alam niya kung sino ang tinutukoy ni Solaris.

"Kailan daw ba siya babalik dito?"

Solaris smile sadly. "Hindi ko alam. Hindi na kami nag usap simula noong umalis siya."

Charlotta felt Solaris sadness. Niyakap niya ito mula sa tagiliran at umasa na kahit papano ay maibisan ang lungkot ng kaibigan.

"Tita Safira left too," Solaris continued and embraced her back. It was Silvano's mother.

Umihip ang pang tanghaling hangin at tinangay hindi lang ang mga tuyong dahon, kundi ang parehong haba ng kanilang buhok.

Humigpit ang yakap sa kanya ni Solaris at naramdaman niya ang pagkabasa ng kanyang balikat.

La Carlota 1: Reaching the SunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon