19 ~ APARTMENT

35.3K 2.2K 308
                                    

CHAPTER NINETEEN

MAGDAMAG na umulan. Kahit no'ng nagising sila kinaumagahan ay umaambon-ambon pa. Their english breakfast was served on their room.

Ang plano nila ni Grego ay aakyat sa Sitio Verde sa araw na 'yon para ipaalam sa lola Salma niya ang full scholarship na offer ng Metanoia. Kaya lang ay siguradong maputik pa ang daan dahil sa pagdaan ng ulan. Maghihintay pa sila ng hanggang mag tanghali at dapat ay kahit paano ay magpakita ang araw.

Grego was inside the shower when Charlotta heard a knock on the door. At dahil glass ang wall, nakita niya si Yusef. He's still on his white robe. Hugging himself. Mukhang pati sa labas ay malamig parin.

"Good morning, Yusef. Pasok ka," aniya nang pagbuksan ito ng pinto.

"Papasok talaga ako, Charlotta. Ang lamig dito. Grabe!"

Sa sofa sila naupo kung saan sila nag almusal ni Grego.

"Hindi ko ma-contact si Chantria. Hindi rin siya natulog sa room ko. Nasaan kaya ang babaeng 'yon?"

"Di ba, magkasama sila ni Trevor kagabi?"

Nanlalaki ang mga mata ni Yusef na tila ba may napagtanto.

"Ibig sabihin, magdamang silang magkasama? In one room? They slept together?"

"Hindi ako sigurado, Yusef. O kaya ay baka hinatid ni Trevor sa mansyon nila?"

"That's impossible. Ang lakas ng ulan kagabi, Charlotta. Naku! Sumama talaga siya ro'n kay Trevor? 'Yon ang tunay na babaero! Hindi siya papalagpasin ng lalaking 'yon!"

"Ano ang ibig mong sabihin?"

Bumuntonghininga ang kaibigan. Nanatili na yakap yakap ang sarili.

"Let's assume that Grego is a truly gentleman. Hindi ka gagalawin niyan ng basta-basta. But Trevor? Chantria would be in trouble." Yusef hissed in dismay.

"Bakit? Ano ba ang tingin mo kay Trevor?"

"I have a lot of mutual friends who talked about him and what he did to his ex-girlfriends. And now, he's trying to get inside Chantria's pants too?"

Medyo naiintindihan niya na ang nais tukuyin ni Yusef. Sa palagay niya ay matino naman si Trevor pagdating kay Chantria. Hindi naman siguro gagawin ang iniisip nila.

"Ilang beses na kaming natulog ni Grego na magkasama. Ilang beses na rin kaming napag-isa. Pero wala naman nangyari sa amin, Yusef."

"Dahil magaling mag control 'yang boyfriend mo, Charlotta. But knowing Chantria and her naughtiness, they could really end up to something that she would regret in the end!"

"Isipin na lang natin na walang nangyari sa kanila."

Yusef heaved a sigh. Ang mga mata ay lumaki nang mapadpad sa shower room na kabubukas lang ng pinto.

Nang sundan niya ng tingin ay nakita si Grego na naka topless lang at boxer shorts habang nagpupunas ng basang buhok gamit ang tuwalya.

"Huy, Yusef, wag mong tignan si Grego."

Ibinalik nito ang atensyon sa kanya. "Ang damot mo naman, Charlotta. Tsk."

Tumawa siya. "Gusto mo samahan ka namin hanapin si Chantria?"

"Magkasama sila ni Trevor," Grego said after he wore his navy blue shirt.

"Paano mo nalaman?"

"Trevor texted me last night."

"Nasaan daw sila?"

"Sa kabilang cabana lang."

Mabilis na tumayo si Yusef na para bang handa nang manugod.

La Carlota 1: Reaching the SunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon