13 ~ PROUD

31.8K 2.4K 589
                                    

CHAPTER THIRTEEN

"I have something for you," Grego said the moment she got closer.

He's leaning against the body of a black car. He watched her from there while she was walking towards him from the forest.

"Ano 'yon?"

Umihip ang pang umagang hangin. Maaga siyang bumaba sa patag dahil alas sais ang call time na ibinigay sa kanya nila Chantria. Ngayong araw ang umpisa ng Intrams. Ang araw na pinakahihintay niya.

Grego get something at the pocket of his double-knit bomber army green jacket. The side of it has the logo of a polo player on a horse. Probably it's the brand because she used to see that kind of logo on some of his shirts.

Her eyes darted on his hand. He's holding a green jewelry box.

Wala pa ay nagsimula na naman ang walang awat na pintig ng kanyang puso. Kaagad naisip na bibigyan siya nito ng regalo.

He handed her the box. "Open it."

Charlotta tried to stop her fingers from shaking when she accepted the box. She slowly open it...

Her eyes twinkled when she saw a gold bracelet with five malachite clover leaf around. It is exactly the color of her gown!

"Ang ganda nito, Grego! Maraming salamat!"

Manghang-mangha siya. Sa sobrang galak ay niyakap niya ito. His perfume and natural scent invaded her senses.

"You're welcome."

Maingat na kinuha niya ang bracelet mula sa box nang matapos ang mabilis na yakap.

"Let me..."

She handed him the bracelet and extended her right wrist in front of him. She's smiling while watching him putting that on her.

Inikot niya ang kamay pagkatapos para makita ng maigi ang maagang regalo para sa kanya. It fits on her and the color emphasized her skin.

With the fast beating of her heart, she gave him a genuine smile.

"Did you like it?"

Mabilis siyang tumango. "Sobra! Susuotin ko rin 'to mamaya sa gown competition. Siguradong babagay ito doon."

"It perfectly fits on you."

"Thank you!"

Hindi maawat ang ngiti sa labi ni Charlotta. Panay ang tingin niya sa bracelet at hahaplusin pa 'yon nang marahan. She started her day with happiness and positivities.

Sa football field ginanap ang pagbubukas ng intrams sa taon na 'yon. Malawak ang lugar kaya na accomodate ang lahat ng estudyante. Kasama na rin do'n ang kolehiyo.

Maingay ang paligid dahil sa nagsasalitang guro sa stage na naka mic at sa mga excited na naroon na kagaya niya.

Halos hindi nakatulog ng maayos si Charlotta no'ng gabi. Nag practice pa sila ng isang pasada para lang masigurado na tama ang lahat nang gagawin niya sa araw na 'yon.

Kahit sina Chantria at Yusef ay natataranta dahil gusto ng mga ito na manalo siya. Kaya dapat ay maging perpekto ang performance niya.

Maaga palang sa classroom nila ay nilapitan na siya ng grupo ni Luella.

"I'm sorry, Charlotta, sa lahat-lahat nang panlalait at pang-aaway ko sayo."

Kaagad namuo sa gilid ng mga mata ni Luella ang luha. Nakayuko naman si Jayda sa tabi nito.

Charlotta wasn't aware that the guidance counselor already talked to the girls. Kaya pala noong isang araw ay nakita niya ang dalawa na naglilinis sa labas ng principal's office. Maaaring iyon ang naging kaparusahan.

La Carlota 1: Reaching the SunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon