CHAPTER 3

265 10 1
                                    

CHAPTER 3:

Erika Dianne Rivera

Kasalukuyan akong nandito sa loob ng office ko at kasama ko si Atlas na nakayuko at patuloy sa pagiyak kasi nga daw galit ako sa kaniya.

Nakaupo ito sa tabi ko ngayon at ako naman ay pilit siyang pinapatahan. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa kaniya, matatawa ba ako or ano. Para siyang batang inaway, ang cute niya…

"Oh, inomin mo 'to." Inabot ko sa kaniya ang Isang basong tubig habang hinahagod ang likod niya. "Tumahan kana…"

"N-never." Humihikbi niyang sagot sakin at inabot ang baso ng tubig saka ininom iyun at nagpatuloy sa pagiyak.

Napa-face palm na lang ako dahil hindi ko siya maintindihan kung bakit siya umiiyak. Dahil ba hindi ko siya pinayagan… wala naman akong sinabi na hindi ko siya pinayagan ah? Ang akin lang ay masyadong mabilis.

Nilibot ko ang paningin ko sa kabuohan ng opisina ko, mabuti na lang at wala sila Yara dito dahil hindi ko talaga alam kung ano ang gagawin ko.

Baka magtaka sila kung sino ang lalaking nasa tabi ko at umiiyak.

"Ano ba gusto mo—"

Hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko sa kaniya ng magsalita ito. "Ikaw." Nakasimangot na niyang sagot sakin.

Kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang pagngiti, hindi ko alam kung bakit ako nakakaramdam ng kilig ngayon dahil sa sinabi niya, masyadong mabilis ang mga nangyayari. Shit.

Bumuntong-hininga ako. "Ano ba ang gusto mo para tumigil kana sa kakaiyak?"

Sinalubong nito ang paningin ko. Agad kong nakita ang mga luhang namumuo sa asul niyang mata. Isa isa iyong pumatak sa pisnge niyang namumula na.

"Payagan mo akong ligawan ka." Diretsong sagot niya sakin at pinunasan ang sipon na malapit ng tumulo sa matangos niyang ilong gamit ang bisig niyang natatakpan ng sleeve ng hoddie niya.

Napaiwas ako ng tingin sakin bago bumuga ng hangin, mag sasalita na sana ako nang may marinig na naman akong hikbi mula sa kaniya. Tinignan ko siya at naguumpisa na naman siyang umiyak na parang bata.

"B-bakit ka na naman u-umiiyak?" Natataranta kong tanong sa kaniya at hindi alam ang gagawin. "D-diba na sabi ko na sayo kanina na pinapayagan na kitang ligawan ako?" Nakalimutan niya ba?

Agad siyang natigilan at nagliwanag ang mukhang nakatingin sakin. Agad niyang pinunasan ang mata at pisnge niyang basang basa na ng luha niya, para siyang bata habang ginagawa niya iyun.

"Walang bawian Yun ha?!" Naninigurado niya sakin at sumisingot pa.

Mahina akong natawa sa kaniya. "Oo na…"

"Tayo na?!"

Nagulat ako sa sinabi niya at agad na umiling, nang makita ko na naman ang namumuong luha sa mata niya ay agad kong hinawakan ang magkabila niyang pisnge.

"Manligaw ka muna sakin 'no?" Natatawang sabi ko sa kaniya. "Manligaw ka muna sakin bago maging tayo." Pagpapaintindi ko sa kaniya.

Nagiwas ito ng tingin sakin. "I don't know how to court." Kinagat niya ang ibabang natural na mapula niyang labi.

Umawang ang labi ko dahil sa sinabi niya sakin.

The Mafia King And His QueenWhere stories live. Discover now