CHAPTER 17

157 5 0
                                    

This chapter contains mature scenes. The corresponding chapters of this story contains sexual contents not suitable for young and sensitive readers. (Ngiti yarn?)

CHAPTER 17: Their First

Erika Dianne Rivera

J"We're here, baby."

Itimigil kami ng taxi sa harapan ng isang malaking bahay— hindi talaga 'to bahay eh, mansion na ito!

Nasa loob ito ng village na napapalibutan ng gubat, nagtaka pa nga yung driver ng taxi kanina kung saan 'tong lugar na 'to. Mabuti na lang talaga may kung anong pinagsasabi si Atlas na direksyon kaya ngayon ay nandito na kami.

"Baby pumpkin, gutom kana?" Nagawa pa niyang hapitin ang baywang ko habang ang kabilang kamay niya ang may dala ng lahat ng malalaking paper bags.

Akmang iiling ako sa kaniya nang makaramdam ako ng gutom. Hindi din kasi kami dumiretso ng uwi kanina nang makalabas sa department na yun.

Bumili pa kasi si Atlas ng pagkain namin for our lunch ngayon tapos may kung ano pa siyang binili sa ibang store na hindi ko alam kung ano dahil iniwan niya muna ako doon sa loob ng restaurant. Surprise daw eh.

Tumango ako sa kaniya. "Sige, iinitin muna natin yung pagkain para makakain na tayo." Saglit niyang binitawan ang baywang ko at saka may kung anong pinagpipindot sa gate.

Gag… ay bawal bad words…

Basta ang high tech ng gate ng mansion niya! May pa- password pa ang gate. Samin kandado lang eh.

Nang mabuksan iyun ay binalik niya ang pagkakahawak sa baywang ko at nang makapasok ay sinara niya iyun gamit ang marahan na pagsipa niya doon pasara.

"Pumpkin, naalala mo yung iniwan kita kanina sa restaurant kasi may bibilhin ako?" Tanong niya sakin.

"Oo, bakit?"

"May binili ako para sayo." Tinaasan ko siya ng isang kilay dahil doon, napanguso naman siya. "Dapat pala mamaya ko na sinabi eh."

"Magkano?" Tanong ko sa kaniya nang makapasok na kami sa loob ng mansion.

Napanganga ako nang makita ang loob nito. Napaka ganda. Wooden theme ang style ng bahay niya at halos ang mga pader ay gawa sa salamin kaya kahit na nasa loob kami ay makikita mo ang labas. May mahaba at napaka eleganteng hagdan din papunta sa second floor. Tapos may chandelier pa!

"Ang ganda." Mahina kong puri.

Inilapit niya ang bibig sa tainga ko at bumulong ng. "Mas maganda ka." Agad naman naginit ang pisnge ko dahil sa sinabi nito.

"Ano pala yung binili mo sakin? Tsaka magkano?" Tanong ko sa kaniya habang nakapamaywang.

Umiling siya at inilagay sa gilid ng sofa ang mga pinamili maliban sa paper bag na naglalaman ng pagkain.

"Anong iling yan, Atlas?" Masungit kong tanong sa kaniya.

"Bawal nga sabihin eh, mamaya na." Ngumuso siya at hinila ako papunta sa kung saan.

"Atlas—"

"Huwag makulit. Hahalikan talaga kita." Pagbabanta niya sakin.

The Mafia King And His QueenWhere stories live. Discover now