CHAPTER 10

203 10 0
                                    

CHAPTER 10:

Erika Dianne Rivera

Nang makalabas ako sa banyo ay sobrang pula na ng pisnge ko dahil sa pagiisip kung paano pinili ni Atlas ang underwear ko.

Pesteng lalaki 'to!

"Mommy." Masiglang tawag sakin ni Atlas pero hindi ko ito nilingon, ayaw kong salubongin ang tingin nito.

"Huwag nga akong tawaging mommy!" Naiinis long singhal dito, yumuko ito at ngumuso. "Ano?! Iiyak ka na naman?" Nataranta na naman ako ng humihikbi ito.

Pesteng buhay 'to oh!

Nilapitan ko ito at wala sa sariling niyakap siya. "Bakit ka na naman umiiyak ha?" Tanong ko dito habang tinatapik ang likurang nito kahit hindi ko ito abot dahil sa laki ng katawan niya compare sakin.

"You're mad at me." Humihikbi nitong sagot at yumakap ng mahigpit sakin.

"Hindi naman ako galit eh. Tahan na, pumunta tayo sa baba." Sinubsob nito ang mukha sa leeg nito at naramdaman ko naman mahina nitong pagkagat dito kaya lalo ko itong nasubsob sa leeg ko. "Oy ano ba?!"

"Your neck taste sweet." Dinilaan nito ang leeg ko bago ito hinalikan.

Puta—

"Tama na yan!" Sigaw ko sa kaniya, baka hindi na ito tumigil kapag hindi ko siya pinigilan eh.

Ngumuso siya. "Can't I lick your neck?" Parang bata nitong tanong sakin.

Nagiwas ako ng tingin sa kaniya. "Tara sa baba?" Aya ko sa kaniya.

Bigla akong natauhan, baka kasi nandoon pa si Danica at kung ano ang gawin ni Kazimir, baka masikmuraan ko siya.

Hindi ko na siya hinayaang magsalita at nagmamadali nang bumaba. Nagulantang nalang ako nang makita kung ano ang nangyayari sa sala ngayon.

Mahigpit na nakahawak si Kazimir sa baywang ni Danica habang mariing nakalapat ang labi nito sa labi ng kapatid ko! Gulat lang naman ang reaksyon ni Danica sa nangyayari.

"Atlas, sugurin mo kaibigan mo!" Sigaw ko sa binatang nakanguso sa likuran ko.

"Damn it, Yael! Be careful! It hurts!" Nilalayo pa ni Kazimir ang mukha mula kay Yael na may hawak na bulak na may alcohol.

Agad na pinigilan ni Daemon ang mukha ni gago— este ni Kazimir at mas nilapitan pa ito kay Yael. Isang malakas na tili ang pinakawalan ni Kazimir nang lumapat ang bulak sa may sugat nitong pisnge.

Kagagawan iyun ni Atlas.

Dapat kasi ang sinabi ko na lang ay patigilin si Kazimir at hindi ang sugurin si Kazimir. Itong lalaking 'to naman kahit kaibigan niya ay sinapak talaga.

Pinapunta ko na sa taas si Danica para matulog at para hindi na rin nito marinig ang pagtatalo namin nito.

"Goddamnit!" Sigaw nito.

Kalalaking tao takot sa alcohol, ang liit liit ba naman ng galos niya sa pisnge compare sa putok ng labi nito. Laki laki ng katawan tapos pag sa alcohol tiklop.

"That's for kissing my baby love's sister." Sabi ni Atlas na nakayakap sa likuran ko ngayon.

"Baby love?" Si Luke iyun. "Ew! Cringe, boss!" Tili nito.

"Shut up! It's not cringe! You're just being bitter!" Pagtatanggol nito sa sarili, pinigilan ko na ito dahil may namumuong luha na sa mata niya.

"Bakit mo ba kasi hinalikan si Danica?" Tanong ko kay Kazimir, natigilan ito at nilingon ako.

The Mafia King And His QueenWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu