CHAPTER 11

176 9 1
                                    

CHAPTER 11:

Erika Dianne Rivera

Matapos kong bigyan ng patak ng halik si Danica sa noo ay agad na akong lumabas ng kwarto niya. Dumiretso na ako sa kwarto at nakita ko na ang mga maleta ko doon at maleta ni…

Mga maleta ni Atlas?

Nakita ko ito noong nasa airport kami eh, dala niya 'to.

Seryuso ba siyang tatabi siya sakin?

Pinalibot ko ang paningin sa buong kwarto, nasaan ba ang lalaking 'yun? Hindi ko naman siya mahagilap eh.

Naglakad ako palapit sa kama ko at nahiga doon. Matapos mag kumot ay napapikit na lang ako at hindi na namalayan na nakatulog na pala ako.

Nagising na lang ako nang maramdaman na may tumabi sakin at yumakap, naramdaman ko ang mainit nitong kamay na pumasok sa loob ng pangitaas kong damit.

"Atlas?" Ungot ko at bahagya itong tinulak.

"Mommy, you smells good." Naramdaman ko ang naman ngayon ang mainit nitong hininga sa likod ng leeg ko.

Humarap ako sa kaniya at ngayona ng posisyon namin ay medyo awkward na. Siya ngayon ay mas may bandang leeg ko. Napansin ko din na wala itong pang itaas na damit!!

"Atlas, bakit wala lang pang itaas na damit?" Tanong ko sa kaniya.

Ginawa pa nitong unan ang braso ko, medyo nabasa pa ang braso ko dahil sa buhok niyang basa mukhang kagagaling lang nitong maligo.

"Wala po ako laging pangitaas na damit po kapag natutulog na pag gabi po, kasi po hindi po ako komportable po." Para itong bata habang nagsasalita.

Hinaplos ko ang malambot nitong buhok. "Ayos lang ba talaga sayo na magkatabi tayo? I mean, nanliligaw ka pa lang sakin tapos nagtatabi na agad tayo." Marahan kong tanong sa kaniya.

Agad itong tumango. "Magiging mag kasintanan din naman po ang uwi natin, mommy." Sumubsob ito sa leeg ko at inamoy ang leeg ko na parang shabu, char.

Mahina akong natawa dahil doon. "Paano mo naman nasisigurado na magiging mag kasintahan tayo, hmm?" Sabi ko at hinayaan na lang siyang sumubsob sa leeg ko.

"Kasi po alam ko po na mahal mo po ako. Kaya hindi po magtatagal at sasagutin mo na po ako." Inosenteng sagot nito sakin at tumingala sakin. "Mahal mo po ako diba?"

"Hindi—" Hindi ko na natuloy ang biro ko nang makita ang pangingilid ng luha niya sa mga mata niya. "Joke lang! Syempre o-oo, pero parang ang dali kasi eh!" Tumigil naman ito sa akmang pagiyak.

"Love at first sight 'yun eh, sabi ni Forrest." Parang bata nitong sabi. "Diba sa palengke tayo unang nagkita?" Tanong niya.

Tumango ako. "Oo. Tapos after two months ata nagkita ulit tayo sa café ko— paano mo pala nahanap café ko?" Tanong ko sa kaniya.

"Tinanong ko yung matandang binigyan mo ng food at money po." Inosenteng sagot nito sakin.

"Si manong?" Gulat kong tanong sa kaniya.

Inosenteng tumango ito. "Opo, tinanong ko nga kung ilang taon kana at anong pangalan mo sa kaniya eh." Sumubsob ito sa leeg ko, ulit. "I'm sleepy na po. Let's sleep na po?"

"A-Ah, s-sige." Gusto ko pa sana itong tanungin pero ito na siya mahimbing na natutulog habang nakasubsob sa leeg ko.

Hindi ko maiwasan na makita ang mukha ni Danica sa kaniya, sobrang magkahawig kasi ang dalawa!

The Mafia King And His QueenWhere stories live. Discover now