CHAPTER 14

148 4 1
                                    

CHAPTER 14:

Erika Dianne Rivera

Na alimpungatan ako nang maramdaman ko ang panunuyot ng lalamunan ko. Nauuhaw ako, kaya naman kahit inaantok pa ay pinilit ko ang sariling bumangon.

Nilingon ko ang tabi ko at naalalang hindi na pala dito natutulog si Atlas. Sa kwarto na siya nila papa ngayon natutulog. Si papa ang nag sabi noon dahil baka daw ako makagawa kami ng 'milagro' kapag nagpatuloy pa ang pagtatabi naming matulog. Pumayag naman si Atlas doon at sumangayon sa sinabi ni papa.

Tumayo ako at lumapit sa closet ko na nasa gilid lang ng pintuan, binuksan ko iyun at naghanap ng maisusuot dahil bukod sa wala akong suot na bra at naka- sando lang ako ay malamig din kahit walang aircon. Sinuot ko ang jacket ko na halos abot na sa tuhod ko dahil sa liit ko. Masyadong malamig ang panahon ngayon kaya nakakaganito ako.

Maingat akong naglakad palabas para hindi makagawa ng anong ingay hanggang makababa na ako. Naglakad ako papunta sa kusina para uminom ng tubig, ingat na ingat ako bawat galaw ko.

Luminga linga pa ako sa paligid at nakitang sobrang dilim ma, yung dilim na halos wala ka na talagang makita kundi itim lang. Takot pa naman ako sa mga multo.

Bigla akong natakot nang maalala ang nakita ko kanina sa newsfeed ng Facebook ko na multo kaya naman dinali-an ko ang bawat galaw ko sa kusina. Nangangapa pa ako dahil wala akong makita ngunit tagumpay naman akong nakainom ng tubig kahit sobrang dilim.

Nang matapos uminom ng tubig ay napayakap ako sa sarili dahil sa lamig ng hangin, kahit nakasuot ako ng jacket ay nararamdaman ko parin ang malamig na Gabi. Siguro ay nasa alas dose na ng gabi ngayon.

Napatingin naman ako sa pinto ng kusina palabas sa harden ng bahay nang makita ko itong nakabukas, pumapasok pa ang ilaw ng buwan sa loob ng kusina dahil nakabukas ang pinto. Kumunot ang noo ko doon.

"Lower your voice, Luke." Boses iyun ni Atlas na nanggagaling doon sa may harden. "Now, tell me everything you found out." Dagdag nito.

Umiling ako at pinigilan ang sarili na maging chismosa dahil alam ko naman ang salitang privacy. Tsaka baka tungkol lang sa trabaho iyun at wala ng kung ano pa kaya akmang aalis ay natigilan ako nang marinig. Nanigas ako sa kinatatayuan ko dahil sa sinabi ni Luke kay Atlas na hindi ko man lang inaasahan.

"Dianne is adopted." Boses iyun ni Luke. "She was adopted by your father. Yes, boss, Nico Rivera is your father, Asashi Takahashi. And that woman at the hospital is your Mother, Lauren Costales."

Halos hindi na ako makahinga dahil sa narinig ko. Para ba akong tinanggalan ng kaluluwa at hangin sa buong katawan ko dahil doon. Nanlalambot ang mga tuhod ko at wala ako sa sariling napahawak sa kung saan bilang suporta sakin.

"Lauren Costales is your mother, also Athanasius." Pagpapatuloy ni Luke.

Natahimik si Atlas ng ilang segundo bago ulit nagsalita. "Are you sure about this information you collected?" Narinig ko ang pangiginig ng boses ni Atlas. "How did that happen, Luke?"

Narinig ko ang paggalaw nila. "Base sa nahanap kong impormasyon, boss ay ginawa ang ng ama mo ang lahat ng ito dahil kay Mr. Wong, isa sa mga kaaway ng ama mo at ng organisasyon niya na Black Raven noon na kasalukuyang Black Death na ngayon. Ang organisasyong hawak mo." Kalmadong sagot ni Luke sa kaniya. "Nagpanggap ang iyung ama na patay na para sa kaligtasan niyo ni Athanasius at ang ina mo. Pati na din ang iba mo ding kapatid sa labas. Ayun sa impormasyon ay ilang buwan ang lumipas noong nagpanggap ang iyung ama na patay ay binalak ni Mr. Wong na kitilin ang buhay ng ina mo dahilan para mapilitan ang ama mo na gumawa ng plano para hindi ito matuloy. Tinago niya ang ina mo para sa kaligtasan nila at nanirahan dito sa Mindanao kasama ang bunsong kapatid mo na si Athanasia Mariné Takahashi, kinilala bilang si Danica Rivera."

The Mafia King And His QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon