CHAPTER 13

182 6 1
                                    

CHAPTER 13: Meet her father…

Erika Dianne Rivera

Tahimik lang kaming naglalakad papunta sa bahay, nasa gilid ko lang si Atlas at ang mga kaibigan naman nito ay nasa likuran namin panay ang pagrereklamo dahil sa mabibigat na groceries.

"Damn, my back is so fucking damn aching now!" Angil ni Yael na may buhat buhat na dalawang box na naglalaman ng groceries.

"Matanda ka na nga." Pangaasar ni Daemon sa kaniya na may hawak lang na dalawang malaking plastic bag.

Hindi na ako nakinig sa kanila, nilingon ko si Atlas na tahimik lang naglalakad sa gilid ko. "Ayos ka lang?" Hinawakan ko siya sa braso dahilan para matigilan ito.

"H-Huh?" Biglang namula ang buong mukha nito nang matama ang paningin namin. "Yes." Agad siyang nagiwas ng tingin sakin.

"Uy! Namumula na naman si boss!" Tukso ni Daemon. "Grabe! Ang lakas ng tama mo sa boss namin, Pandak!" Humalaklak ito.

Sinasamaan ko ito ng tingin dahil sa tinawag nito sakin, nilingon ko si Atlas na mas namula ngayon, umabot na ang pamumula sa tainga niya.

"Grabe 'no? Dati may binabayaran pa kami para lang may umakit sa kaniya!" Mas lumakas ang tawa nito.

Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi nito. "Bakit niyo naman iyun ginagawa?" Tanong ko sa kaniya at tinignan si Atlas na madilim na ang mukha matapos iyun sabihin ni Daemon.

Ngumuso ang binata. "Para malaman namin kung bakla ba siya or hindi." Nagiwas ito ng tingin kay Atlas. "Malapit nga kaming ma convince na bakla siya kasi nga wala pa siyang naging girlfriend or fling. Ni hindi nga namin alam kung may naligawan iyan, pero base sa sinabi ni Yael ay wala pa daw." Pagkekwento nito. "Muntik nga kaming may bayaran na lalaki para lang malaman kung bakla ba talaga siya o hindi pero dumating ka eh." Nagkamot batok ito nang makitang sobrang sama na ang tingin ni Atlas sa kaniya. "Tapos ayun, nasabi namin na hindi siya bakla. Halata na ngayon dahil sa inaakto niya habang nasa presensya ka niya."

Nilingon ko si Atlas na sobrang sobra na ang sama ng tingin kay Daemon, nang tignan ako nito ay agad na lumambot ang ekspresyon niya sa mukha.

"I'm not gay if you're thinking —" Pinutol ko na ang sasabihin nito bago pa man niya ito matapos.

"Hindi naman ako nagiisip na bakla ka." Kinakabahan akong tumawa.

Ngumuso ito at walang hiyang hiya na hinapit ang baywang ko. "I already prove myself earlier inside the van that I'm not gay—"

Agad kong tinakpan ang bibig niya at nilingon ang mga kaibigan nito sa likud namin na may nakakapagtakang ekspresyon sa mukha nila.

"Ano ang ginawa niyo kanina sa loob ng van?" Nakakunot noong tanong ni Yael.

Tinanggal ni Atlas ang kamay ko sa bibig niya. "I mas—" Agad kong tinakpan ang bibig niya ulit at sinamaan siya ng tingin.

"Wala!" Sagot ko sa kila Yael. "Diba wala?" Pinandilatan ko ng mata si Atlas.

Inosente lang akong tinignan at tila iniisip pa kung ano ang isasagot sakin. Nagulat pa ako nang umiling ito at tinignan ang mga kaibigan niya.

"Ano ba talaga ang totoo?" Curious na tanong nila Logan. "Nagsex—"

"Ano?! Hindi 'no!" Depensa ko at hindi tinanggal ang maliit na kamay sa bibig ko Atlas. Masyado itong inosente sa bagay na hindi dapat iyun sinasabi sa kanila.

"Hmm…? So defensive." Nag smirk si Lucas.

"Wala nga kaming ginawa!" Pumiyok ang boses ko at naluluhang tinignan si Atlas, agad naman niyang nakuha ang ibig kung sinasabi.

The Mafia King And His QueenWhere stories live. Discover now