CHAPTER 5

206 4 0
                                    

CHAPTER 5:

Erika Dianne Rivera

Nagmamadali akong nagiimpake ng mga damit ko sa maleta, mabilis ang bawat kilos ko dahil tinawagan ako ni Danica kaniyang madaling araw na sinugod daw sa hospital si mama.

Akmang magsusuot na ako ng boots ko nang biglang tumunog ang phone ko, nagbihis na din ako matapos akong magimpake.

Dali dali kong sinagot ang tawag at inaakalang si Danica ito. Kanina pa ito tumutunog pero dahil busy ako sa pagiimpake ay hindi ko na ito nasagot, miski pagtingin dito ay hindi ko nagawa.

"Hello—"

"Why aren't you answering my calls?" Isang malamig na familiar na boses ang pumutol ng sasabihin ko.

Tinignan ko kung sino ito pero ang nakalagay lang ay unregistered number. Nagtaka naman ako at tinapat ulit ang phone sa tainga ko.

"S-sino ito?" Nauutal kong tanong sa kabilang linya.

Ilang minutong natahimik ang kanilang linya bago ulit ito magsalita. "A-ako 'to, si Atlas." Agad na nanlaki ang mata ko at napatakip nang bibig.

"Paano mo nakuha ang number ko, Atlas?" Tanong ko dito.

"Ayaw mo ba na tumawag ako?" Tanong nito pabalik sakin, at naririnig ko talaga ang kalungkotan sa boses nito, hula ko nakasimangot ito ngayon. "Sige ibaba ko na—"

"Hindi wag!" Narinig ko ang paghikbi nito sa kabilang linya. "Oi! Bakit umiiyak ka?" Pinindot ko ang kung ano sa phone ko at nilagay ito sa tabi ko.

"Ayaw mong tumawag ako." Rinig kong humihikbi niyang sagot sakin.

"Putcha. Wala akong sinabi! Tinatanong lang kita kung pano mo nakuha number ko!" Sagot ko dito at sinuot na ang isa pang boots.

"Oh! Galit ka sakin!" Sigaw nito mula sa kabilang linya, hula ko umiiyak na ito ngayon.

Mariin akong napapikit. "Atlas, pwede mamaya na tayo mag usap?" Tinignan ko ang wall clock na nasa silid ko, baka ma iwan pa ako ng eroplano.

"Ayaw mo akong makausap." Mahina nitong sabi mula kabilang linya.

"Atlas—"

Bago pa ako makapag salita ay namatay na ang linya. Inis ko itong inilagay sa shoulder bag ko at sinabit sa balikat ko.

Wala pa akong time para dito, kailangan ko muna ng umuwi sa Davao, at kailangan ako ng pamilya ko.

Atlas Takahashi

I buried my handsome face on my soft pillow while crying the hell out of me. My heart are aching and I know it was because of my Erika who don't want to talk to me.

I am that too childish?

I am that too sweet to order someone to look for my baby's number and give it to me?

Biglang bumukas ang pinto pero hindi ko ito pinansin, mabuti na lang at nakatalikod ako mula sa pintuan dahil kung hindi ay kung sino man ang pumasok sa silid ko na walang paalam ay makikita akong umiiyak.

The Mafia King And His QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon