CHAPTER 7

201 5 0
                                    

CHAPTER 7: His mother…?

Erika Dianne Rivera

"Danica? Bakit nandito kapa?" Tanong ko sa kaniya nang makarating sa hospital room ni mama, kasama ko si Atlas at ang mga kaibigan nito.

Hindi pa nga ako makapaniwala na may pagmamayari itong private plane, ganoon ba siya kayaman? Nahalata ko naman talaga na mayaman siya, halata naman dahil sa balat niya. Pero ang hindi ko lang maisip na ganoon siya kayaman.

Noong dumating kami sa airport dito sa Davao ay kami lang ang inasikaso ng mga trabahante doon.

At biruin mo pa, nakasakay kami ng limousine na white habang papunta kami dito sa hospital kung nasaan si mama.

Agad napatayo si Danica, mas lalo ata siyang tumangkad. Mas matangkad pa 'to kisa sakin, mahaba ang straight nitong buhok, may hubog din ang katawan niya, at kung mapapansin mo ay nakuha nito ang mga mata kay papa na kulay asul, katulad ng kay Atlas.

Nang tutokan ko ito ay parang tumatagal ay nagiging kamukha nito si Atlas.

"Ate—"

"Who is she?" Biglang tanong ni Atlas na nasa likod ko lang.

Nilingon ko ito bago tignan ulit si Danica na nakatingin sa mga kasama ko. "Kapatid ko siya, nakakabatang kapatid." Sagot ko sa kaniya.

"Fuck, Atlas. She looks like your mother." Biglang malutong na mura ng lalaking si Yael.

"Ate, sino po sila?" Inosenteng tanong sakin ng kapatid ko.

Nilapitan ko ito at niyakap. "Nic, si ano pala…" Hindi ko alam kung paano ko ipapakilala sila Atlas sa kaniya, ano sasabihin ko na manliligaw ko si Atlas?

Tumikhim ako. "Diba may pasok ka ngayon sa school? Bakit nandito ka?" Tanong ko sa kaniya at hinaplos ang mahaba nitong buhok. Hanggang balikat niya nga lang pala ako.

"A-ano…" Umiwas ito ng tingin sakin. "Wala akong… kaming pasok." Lumayo ito sakin, "tsaka wala din namang magbabantay kay mama, eh."

"Sabihin mo yung totoo." Binigyan ko siya ng tingin na may babala.

Awkward itong ngumiti sakin. "Bye na!" Dali dali nitong kinuha ang bag niya at mabilis na nilisan ang hospital room ni mama.

"Fuck! She really looks like your mother, Atlas! She even have your father's blue eyes." Medyo malakas na sabi ng lalaking si Forrest.

Ano daw?

Sino?

Sabog ata 'tong lalaking 'to, eh. Kung ano ano na lang ang mga pinagsasabi, kanina pa 'tong lalaking 'to eh, masyadong madaldal. Ay teka… mas madaldal pala si Daemon kaysa sa kaniya.

"Anong pinaguusapan niyo?" Takang tanong ko sa kanila.

Agad na napalingon sakin si Atlas na ngayon ay parang sobrang pagkabalisa na ng mukha. "W-wala." Yumuko ito.

"Dianne, anak?"

Napalingon ako kay mama na ngayon ay gising na at nakaupo na sa hospital bed nito. Lumapit ako sa kaniya at niyakap ito, medyo magka- height lang kami ni mama dahil nga namana ko sa kaniya ang cute kong height.

The Mafia King And His QueenWhere stories live. Discover now