CHAPTER 16

135 3 0
                                    

CHAPTER 16: Date

Erika Dianne Rivera

After naming kumain sa restaurant na yun for our breakfast ay dumiretso kami nila Atlas sa SM. Malapit lang naman ang SM sa restaurant na kinainan namin.

Kanina pa dapat kami nakauwi sa bahay eh, kaso lang sabi ni Atlas ayaw niya pa daw umuwi. Ganuon din naman ako, dahil panigurado ay nandoon pa si papa, baka mamaya pa yun pupunta sa hospital para dalawin si mama eh.

"Baby, where do you want to go?" Tanong niya habang hapit ang baywang ko.

Nagtitinginan ang mga tao sa amin dahil sa mga kasama kong kalalakihan, sila Atlas. May iba pang kumukuha ng pictures, may iba din naman na naglalakas loob na lumapit para humingi ng social media accounts or number nila.

Nagiinit ang buong mukha ko nang mapansin na may ibang mga kababaihang masama ang tingin sakin. Siguro dahil naiinggit sila na isang katulad ko ang hinahapit baywang ni Atlas.

Kanina din kasi habang naglilibut kami dito sa SM ay may lumapit kay Atlas para manghingi ng number pero ayun, hindi siya pinansin ni Atlas at patuloy lang sa paglalambing sakin. Tinawag pa talaga akong "baby" sa harapan ng mga babaeng 'yun!

"Kahit saan." Nakangiti kong sagot sa kaniya.

"Sa arcade, boss!" Masiglang wika ni Daemon sa likuran namin, para iyung batang naglalakad dahil may patalon talon pang nalalaman, ani mo'y ngayon lang nakapunta sa mall.

Kunot noong tinignan ako ni Atlas. "What's arcade?" Inosente tanong ko sa kaniya, nakiliti naman akong napatingin sa mga kaibigan niya.

"Never ka bang nakapunta ng mall?" Tanong ko sa kaniya.

Umiling siya. "Nope, I already been into lots of mall, pumpkin. Pero nandoon lang ako kapag may binibili ako like clothes and others." Tipid itong napangiti. "I don't have time to enjoy my life, baby." Hinalikan niya ang noo ko.

Napanganga ako dahil hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Sobrang busy na ba talaga niya para hindi magawang mag enjoy sa buhay? Anong klaseng buhay ba ang mayroon siya?

Napatango na lang ako sa kaniya. Kahit gustong gusto ko siyang tanungin tungkol doon ay ayaw ko naman maghimasok sa buhay niya ng ganun lang kadali. If gusto niyang magsabi o magkwento, magkukusa siya. Kung saan siya komportable doon ako.

"Punta tayo dun sa arcade, baby?" Malambing nitong yaya sakin habang hinahaplos ang baywang ko. "I want to try arcade with you, baby." Hinalikan niya ako sa pisnge.

"Sino 'tong nasa harapan natin?"

"Masanay na kayo."

"He's always cold and so fucking ruthless, but now… we are seeing his soft side because of this minion."

Sinamaan ko ng tingin si Forrest ng tawagin niya ako ng ganun ulit. Sobrang maliit na lang talaga ang pasensya ko sa pisteng 'to. Kahit kaibigan siya ni Atlas masisikmuraan ko talaga siya!

Si Daemon ang nangunguna samin dahil siya naman ang may alam kung saan ang arcade dito. Iwan ko ba, ang dami dami niyang tinuturo na stores na kesyo pumunta daw kami dun mamaya.

"Boss, pera." Inilahad ni Daemon ang palad sa harapan ni Atlas. "Kailangan palitan ng token para makalaro kayo."

Kasalukuyan na kaming nandito sa may arcade. Kalos lahat ay napatigil noong pumasok kami dito dahil kila Atlas. Ang iba pa nga ay kumukuha ng stolen pictures.

The Mafia King And His QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon