CHAPTER 11: Breaking the rule number 4

10K 434 70
                                    

Chapter 11: Breaking the rule number 4




Maaga akong nagising para makapagluto pa ako. 2 am akong nagising dahil naisipan kong magjogging muna. Pabalik na sana ako sa penthouse ni Prof Daivynn kaya lang may naalala ako kaya bumalik ako sa parking lot at mabuti nalang dala ko ang susi ng kotse ko kaya nagdrive ako papunta sa coffee shop ko at wala pang mga tao dahil nga sobrang aga ko. Pumasok ako dahil may susi naman ako. Lumapit ako sa may counter at gumawa ng kape. Pagkatapos ay nilinis ko muna bago umalis dahil hindi pa pala ako nakakapagluto.

Pagdating ko sa penthouse ay dumeretcho ako sa kusina to prepare a breakfast. A simple pancake, egg tost, bacon and coffee, her caramel Macchiato. Pagkatapos ko maprepare lahat ay pumanhik muna ako sa kwarto ko para maligo. Pagbalik ko sa baba ay hindi ko parin nakita si Prof Daivynn kaya baka mamaya pa siya gigising since maaga pa naman.

Nanuod nalang ako sa tv pampalipas ng oras. Isang oras na ang lumipas pero hindi parin siya gising. I look at my watch. Kakausapin pa naman ako ni Daddy Lo ngayon bago ako pumasok sa school. I decided na umalis nalang at hindi na siya hinintay. I just left a note na umalis na ako. I break my own rules.

Pagdating ko sa office ni Daddy Lo ay naabutan ko silang nag-uusap ni Mr. Gu. The head of the ARK security. His a long time assistant of the Luis Family. Alam ko ang kakayahan niya. Sayang lang, he's not trustworthy. I know how he plays a game. Mautak siya at walang pakealam sa nararamdaman ng isang tao.

He bowed his head as he saw me approaching. He left us without saying anything. Mukhang tapos na silang mag-usap ni Daddy Lo.

" Good morning Daddy Lo." I greeted him and kiss his cheek. He greeted me back. Daddy Lo looks like he's in trouble. Kaya niya siguro ako pinatawag. After nang pag-uusap namin ay umalis narin ako at dumeretcho sa school.

Pagdating ko sa school ay pumunta muna akong Canteen para kumain dahil nagugutom ako at wala pa akong breakfast. Pagkatapos kong kumain ay dumeretcho na ako sa classroom at bumungad saakin ang mga magulo kong kaklase. They greeted me kaya ngumiti lang ako.

Napakunot noo pa ako dahil 10 minutes ng late si Prof Daivynn. Hindi naman 'yon nalate kahit minsan. Siguro may importante pa siyang inasikaso. Nag-uusap lang kami nila Amy nang bumukas ang pinto at narinig ko ang ingay ng heels kaya kilala ko na kung sinong dumating. Bumalik ang iba sa kanya-kanya nilang upuan at biglang tumahimik. Iba kasi ang aura ni Prof Daivynn. Parang bad mood siya. Nang magtampa ang mga mata namin ay walang expression lang siya hindi katulad noong mga nakaraang araw na iniirapan niya ako. What's wrong with her? I just shrugged nalang.

Buong klase niya ay ako lagi niyang tinatawag sa recitation. May sama ng loob ata saakin si Prof Daivynn.

" Dismissed. Miss Mariano, carry these. " Utos niya. Napasimangot naman agad ako at walang nagawa kundi ang kunin ang bag na may lamang projector at isa pang ba for her laptop tapos may dalawa pang makakapal na libro. Pinapahirapan talaga ako ni Prof. Pwede namang iyong mga kaklase kong lalaki eh.

Nauna na siyang naglakad ng walang lingon-lingon. Ang taray talaga.

Pagdating sa office niya ay mabilis na nilagay ko sa table na nasa gilid ang mga gamit niya at walang buhay na napaupo sa couch niya. Pawis na pawis ako. Medyo malayo pa naman mula rito ang classroom namin. Kinapa ko ang bulsa ko at wala pala akong dalang panyo.

Tiningnan ko si Prof Daivynn na nasa table niya, nakatayo at hinuhubad ang brown suit niya kaya naka white spaghetti strap nalang siya at hapit na hapit ang kurba ng katawan niya. I bit my lower lip as I see her bare shoulders. Ang kinis at puti.

Mas lalo ata akong pinagpawisan.

" Prof Daivynn" I called her. Umupo siya sa swivel chair niya before turning her gaze at me.

Tasting the sweet Forbidden Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon