CHAPTER 27: Exclusivity

11.3K 496 122
                                    


___________________________

Chapter 27: Exclusivity

" Hoy! Pagkain ko 'yan tangina ka!"

Sigaw ni Lily nang kunin ni Mikki ang pagkain nito. Nakapalibot kami sa bonfire habang ang iba ay niluluto iyong marshmallows nila. Lahat kami nasa harap na ng bonfire tanging si Prof Daivynn lang ang hindi lumabas sa tent. Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala sa nangyari. Jusko! Masyado na akong na carried away.

I bit my lower lip. I'm a bit agrressive to her too. Parang tanga akong napatingin sa dalawang kamay ko. Bigla akong namula nang maalala ko kung gaano kalambot ang baby twins niya. Fvck! I'm so pervert!

I shake my head to remove that thought lingering in my mind.

" Hala nasapian ba si Jess?"

" Nababaliw na siya."

Bumalik ako sa katinuan nang may naglagay ng marshmallow sa kamay ko. Takang napatingin ako kay Michelle.

" Akala ko nanghihingi ka. Mukha ka kasing pulubi sa ginagawa mo." She utter that made me look at her in disbelief. Pulubi? Punyeta talaga.

" Jess tawagin mo nga si Prof Ivy. Baka  isipin niya na, ayaw natin siyang kabonding. " Suhestiyon ni Aicy.

" Oo nga Jess. Pagkakataon narin natin 'to to bond with her. " Lyka added.

Saglit na sumulyap ako sa tent namin bago napabuntong hininga at tumayo. Kasalanan ko rin naman kung bakit ayaw niyang lumabas ngayon. Dahil iyon sa nangyari. I'm sure she's cursing me non-stop or worst she's actually murdering me inside her head.

Dahan-dahan kung binuksan ang zipper ng tent at maingat na pumasok. Nakahiga na ito sa bandang gilid at nakatalikod saakin. She cover herself with my blanket.

" Prof Daivynn..." I called her pero as usual wala akong narinig na sagot. Tulog na kaya siya?

" Daivynn..." I called her again and came closer to her. Sinilip ko ang siya at nakita kong nakapikit na siya. Mukhang tulog na nga. Maybe she was really tired.

Napagpasyahan kong lumabas nalang para hindi ko na siya maistorbo pa sa pagtulog. I told them that she's already asleep kaya hindi na sila nagtanong pa ulit. May ilan saamin ang hindi uminom at hindi naman namin pinilit. Puro kwentohan nalang kami kaya hindi namin namalayan ang oras.

" Hindi pa ba tayo matutulog?" Antok na tanong ni Aicy. Nakahilig na ang ulo nito sa balikat ni Lyka habang nakabalot ng comforter.

12:05am na pala.

" Sige matulog na tayo dahil maaga pa tayong gigising bukas. " Sabi ko. May mga tourist spot kasi dito sabi ni Sancha kaya bago kami uuwi ay gagala pa kami.

"Goodnight guys!" They all said and unison at kanya-kanyang pasok na kami sa tent.

Maingat na humiga ako sa tabi ni Prof Daivynn para hindi siya magising. Hinila ko nang dahan-dahan iyong comforter para may kumot ako. Wala akong unan kaya binalot ko iyong ibang gamit ko para gawing unan.

" Goodnight Daivynn.." I mumble kahit alam kong hindi niya na naririnig.

I turn around from her and close my eyes. Nasa may bandang gilid ko lang nilagay ang cellphone ko. Mabilis rin akong nakatulog dahil sa antok at pagod.

Nagising lang ako dahil kay Prof Daivynn na tinatawag ako. Kinapa ko ang cellphone ko at tiningnan ang oras. 2:12am palang. I open my cellphone's flashlight bago nilapag lang sa gilid para kahit paano ay makita ko siya.

" Jessa."

Humarap ako sakanya at kinusot ang dalawang mata ko. God inaantok pa ako. " Hmm? Bakit?" Paos na boses na tanong ko. Gaya ko ay nakatagilid din ito at nakaharap saakin. Hindi ko  masyadong maaninag ang mukha niya dahil bumabagsak ang talukakap ng mga mata ko dahil sa antok.

Tasting the sweet Forbidden Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon