CHAPTER 45: Movie Night ft. Pokemon

15K 506 276
                                    

Chapter 45: Movie Night ft. Pokemon


Jessa

Pagising ko kinabukasan ay sobrang sakit ng ulo ko. Paano ba naman kasi halos maubos ko na ang ilang bote ng wine sa mini bar. I massage my theme and groaned. Damn hangover!

Hindi pa ako bumangon at napatulala nalang sa kisame ng kwarto ko. Bumalik na naman sa alaala ko ang nangyari kagabi.

Grabe talaga si Daivynn. Mapanakit.

Hindi naniniwalang hindi ko nga siya lolokohin, parang 'di nag grade 1.

Padabog na bumangon ako. Umagang-umaga nababanas na ako. Bahala siya, wala siyang lambing galing sakin kasi inaway ako kagabi.

I took a bath para kahit papaano mabawasan ang sakit ng ulo ko. After that ay nagbihis na ako bago bumaba. Napatigil pa ako nang nasa hagdan na ako nang makarinig ako nang ingay sa kusina.

May nakapasok ba sa condo ko?

Gago! Akyat bahay gang?

Kinuha ko 'yong nakatagong baril sa bandang hagdan bago naglakad nang dahan-dahan papunta kusina. May mga baril talaga akong nakatago lalo na't isa akong Luis. Kailangan ko 'yon for emergency purposes.

Nakarinig ulit ako nang mas malakas na ingay kaya mas lumapit pa ako.

Nakita ko ang bulto ng isang babae. Nakatalikod ito saakin pero–

" Sino ka?"

" What the fuck?!"

Pareho kaming nagulat nang bigla din siyang humarap sa gawi ko. Parehong lumaki ang mata naming dalawa. Gulat na gulat ito sa hawak kong baril kaya mabilis na tinago ko ito sa likod ko.

Gago totoo ba 'to? O baka epekto lang 'to nang hangover?

" Why are you holding a fvcking gun, Jessa Asher Mariano Luis?"

Sunod-sunod na napalunok ako dahil complete name ko na 'yong tinawag. Pero hindi. Dapat hindi ko ipapakitang natatakot ako ngayon sakanya kasi may kasalanan siya saakin.

I cleared my throat. " Laruan lang 'to. " Sagot ko at hindi na siya hinintay na sumagot at mabilis na tumakbo ako paalis doon at binalik ang baril kung saan ko kinuha.

Bumalik ulit ako sa kusina at naabutan ko siyang nakasandal sa may sink at deretso ang tingin saakin. Halatang hindi ito kumbinsido sa sinabi kong laruan lang 'yon.

" Bakit ka nandito?" Tanong ko at umiwas ng tingin. Lumapit ako sa ref para kumuha ng tubig. Paano ba naman kasi ang aga-aga masyadong hot ng kasama ko. Bigla akong nauhaw.

" I..I'm here to apologize for what happened last night. " damn pati boses ang ganda.

" Okay." Tanging sagot ko lang.

Dapat lambingin niya pa ako kasi nasaktan ako kagabi ha. 'Yong sama ng loob ko, hindi na madadaan sa simpleng 'I'm sorry' niya.

" I said I'm here to say sorry." Ulit niya.

" Okay nga." Malamig ang mga tingin na nilingon ko siya. Nakita kong napakagat labi siya at umiwas ng tingin.

Natahimik kaming dalawa. Pero nagawi ang mata ko sa mesa at nagulat ako nang makita ang mga pagkain doon.

" You cooked them?" Tanong ko.

" Y-es. My way of saying sorry. " Sagot niya.

" Ge." Walang ganang sabi ko at umupo na. Ramdam ko ang titig nito saakin kaya hindi ko pwedeng ipakita na kinikilig ako. Ewan ko lang kung kikiligin din ba ako sa lasa ng luto niya.

Tasting the sweet Forbidden Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon