CHAPTER 21: Then kiss me

12.6K 519 108
                                    

Chapter 21: Then kiss me




" Happy birthday, Sancha." I greeted her nang salubongin niya ako sa pinto.

" Thank you but where's my gift?" Taas kilay na tanong niya. I chuckles. Talagang hindi niya nakalimutang itanong 'yon.

" Here. " I handed her the paper bag. It's a limited edition bag na bagong release. Mabuti nalang nakakuha agad ako. Sancha is obsessed with bags collection so I think giving her one is a good idea.

" Bukas ko na titingnan. I know it's an expensive one" she utter. Umiling nalang ako. Binigay niya sa isang maid nila iyong paper bag bago ako hinili papunta sa kung saan nanggagaling ang malakas na music. Mukhang kanina pa nagsimula ang party. Pagdating namin sa pool side at maraming tao, karamihan ay familiar dahil mukhang sa VU din nag-aaral pero meron namang mga bagong mukha.

" Where's your date nga pala?" Sancha asked me habang nakakapit sa braso ko papunta sa kung saan ang mga kaibigan namin.

" Ayaw sumama eh. " I chuckles. Ilang beses kung kinulit pero ayaw talaga sumama ni Prof Daivynn. Mas naging mainit dugo niya saakin dahil sa nangyari sa office niya. I'm not sorry naman kaya hinayaan ko na siyang sinusungitan ako o di kaya nanghahampas. I let her vent out her frustrations to me.

" Abah. It's a miracle na may taong ayaw makipag date sa isang Jessa Asher Mariano." She tease.

" Gold kasi siya beh." Natawa nalang kami.

" Babbbeee!" Sigaw agad ni Sheena nang makita niya ako papalapit sakanila.

" Jessa baby loves! You're here!" Amy utter.

" Hi Jess!" Paolo greeted kaya tumango ako sakanya.

" Nalate ka ata?" Lyka ask. Karamihin sakanila ay naka two piece bikini na habang ang iba ay naka shorts lang at spaghetti strap. Ang mga boys naman ay topless lang with swim short.

" Jessaaaa!!" Napalingon ako kay Aldwyn na tumatakbo papalapit saamin. Basang-basa dahil kakaahon niya lang mula sa pool. Akmang yayakapin ako pero lumayo ako.

" Subukan mo lang Alwdyn, malilintekan ka saakin." Banta ko kaya napanguso siya. Ew akala niya siguro cute siya sa ginagawa niya.

Hinila ako ni Sheena sa tabi niya and gave the drinks to me pero umiling ako. " Mamaya na. Kakarating ko lang eh." Tanggi ko.

" Just one shot babe." Kinuha ko nalang at ininom para hindi na siya makulit pa. She's only wearing her revealing black two piece bikini. May maipagmamalaki naman itong si Sheena and she's actually beautiful but not my type.

May iilan lang dumating kaya busy si Sancha sa page entertain ng mga bisita niya.

Nakita ko ang pamilyar na mukha kasama ang iilang babae at may lalaki rin. Nagpaalam muna ako sa mga kaibigan ko na may babatiin lang ako.

" Jess!" Sigaw agad nito nang makita ako kaya napalingon din saakin ang mga kasamahan niya. I saw how they look at me in amazement.

" Hello Melanie. Good to see you here." I greeted her. Tumayo siya kaya kitang-kita ang malulusog nitong dibdib since she's only wearing a red one piece bikini pero masyadong revealing. May slit ito sa bandang tiyan kaya kitang-kita ang makinis niyang sexy abdomen. Sinabit niya ang mga kamay niya sa batok ko and kiss the side of my lips. Nagulat pa ako dahil akala ko sa pisngi niya lang ako hahalikan.

" Hi babe. " She's Sancha cousin kaya siya nandito kahit hindi siya from VU. I met her sa bar and became a 'good friend'.

Pinakilala niya pa ako sa ibang kasama niya and just a little conversation. Nagpaalam rin ako dahil masyadong clingy na si Melanie.

Tasting the sweet Forbidden Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon