CHAPTER 14: Sit on me

12.1K 422 101
                                    

Chapter 14: Sit on me



" Saan ka galing? And why the hell you didn't come home last night!?"

Iyan agad ang bungad saakin ni Prof Daivynn pagpasok ko sa Penthouse niya. Hindi na ako nakauwi kagabi dahil nasa bar ako. After the brief talk with Sol ay dumeretcho agad ako sa bar at umuwi ako sa Condo ko.

I smile at her. " Sorry...magluluto lang ako. " Sabi ko at naglakad papunta sa kitchen at pinagluto siya at nilinisan din ang kusina after. Wala akong ganang makipagtalo ngayon. Puyat ako at masakit pa ulo ko sa hangover. Hindi na muna siguro ako papasok.

" What is wrong with you!" Napaigtad ako nang marinig ko ang sigaw niya. Nasa harapan ko na pala siya.

" Ha?" Takang tanong ko.

Inis na tiningnan niya ako. " Kanina pa kita tinatawag!" Napayuko naman ako saglit and heaved a sighed. Naapektuhan parin ako sa pag-uusap ni Sol kagabi.

" Sorry, Prof. May kailangan ka?" I ask.

She stared at me for a seconds. " Nevermind" she only say and left me here at the kitchen dahil tapos na siyang kumain.

Naglinis nalang ako sa sala at naabutan niya ako doon at bihis na bihis na siya.

" Why are you still cleaning? " Tanong niya.

" Eh gusto kong malinis Prof eh. Tsaka sayang bayad mo saakin kung hindi ko naman magagampanan trabaho ko diba?" I utter. She look at me without any expression on her face.

" Whatever. " She said at naglakad na palabas pero huminto siya nang nasa tapat na siya ng pinto. " Your eyes are swollen. You look tired. Take a rest. I'll take care of your excuse letter. " Then she left.

Hindi makapaniwalang nakatingin ako sa saradong pinto. Napansin niya 'yon? Kaya pala panay titig ito saakin kanina simula pagdating ko. Tinapos ko na ang paglilinis ko bago nahiga sa sofa at nagpamusic at hindi ko na namalayang doon pala ako nakatulog.

Nagising lang ako dahil sa tunog ng cellphone ko.

Prof Daivynn calling...

" Hello?" I ask in my bed room voice dahil kagigising ko lang. Ilang segundo pa bago siya nagsalita.

" Bring me foods inside my office. " Sabi niya kaya napasimangot ako.

" Prof kagigising ko lang.."

" Are you complaining? I even gave you time to rest." Masungit na sabi niya.

" Oo na po. Hintayin niyo nalang ako dyan." I said and she already ended the call after that. Grabe ang maldita talaga. Napangiti naman ako dahil considerate din siya minsan. Minsan lang dahil kadalasan, nanakit tapos nagsusungit.

Bumangon na ako at nagluto then pagkatapos ay naligo muna ako bago pumunta ng school pero may dinaanan pa ako bago dumeretcho dito. Dala ko ang paper bag kung saan ang pagkain ni Prof Daivynn papunta sa office niya. Kumatok muna ako at narinig ko ang sinabi niyang 'come in' ay pumasok na ako. Nakita ko agad siyang nasa couch na at nakacross legs habang nagcecellphone. Mukhang nabored siya at kanina pa siya naghihintay.

" Sorry kung pinaghintay po kita-"

But she cut me off. " I'm not waiting for you Miss Mariano." Umirap pa siya.

Instead na mahiya ay natawa ako. Ang defensive niya kasi. She glare at me nang makita niyang tumatawa ako kaya napatigil ako at nilapag ang paper bag sa mesa at nilabas lahat.

" I bought you mixberry." I said. Dumaan pa ako kaninang coffee ko para ibili 'to.

I prepare her utensil. " Kumain kana po, Master. " I said kaya sumama na naman ang tingin niya saakin. I giggle.

Tasting the sweet Forbidden Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon