CHAPTER 15: Professor Sinclair Leondale

10.4K 477 111
                                    

Chapter 15: Professor Sinclair Leondale


" Jessa Asher Mariano!"

Napangiwi ako nang marinig ko ang sigaw nito mula sa kusina. Nalintikan na. Galit na naman ang dragon. Kagigising ko lang at hindi pa ako nakakapagluto kaya tiyak kong umuusok na ang ilong niya sa galit. Hindi tumunog ang alarm clock ko! Nanuod kasi ako kagabi.

Mabilis na tumakbo ako sa Cr at naligo at wala pang ilang minuto ay tapos na ako. Nagbihis na ako at nagmadaling bumaba. Napatigil ako sa paglalakad dahil nakita ko siyang nakatayo sa pinto papunta sa kusina habang nakacrossed arms at walang expression na nakatingin saakin kaya napalunok ako.

" Really?" Sarcastic na sabi niya saakin kaya ngumiti ako sakanya ng peke. " Do you know what time is it Miss Mariano?" Taas kilay na tanong niya.

Lord gabayan niyo po ako sa dragon na 'to.

" S-orry...hindi pala tumunog alarm clock ko." Napakamot pa ako sa likod ng tenga ko at napangiwi.

Masama ang tingin niya kaya napakagat labi ako. " W-ait. Magluluto lang ako." Sabi ko.

She unwrapped her arms around her chest. " Don't bother. We're late. Let's go!" Napaigtad pa ako.

Nakangiwing nakasunod nalang ako sakanya palabas ng penthouse niya.

Pagdating namin sa school ay mabilis na bumaba siya sa sasakyan ko at malakas na sinara ang pinto kaya napaigtad ako sa gulat. Lintek! Parang masisira pa iyong sasakyan ko dahil kay Daivynn.

Mabilis na pumunta ako sa classroom at mabuti nalang ay nauna ako kay Prof Daivynn dumating. Dumaan pa siguro siya sa office niya. Maya't-maya pa ay dumating na siya at saakin agad dumapo ang tingin niya at masamang tiningnan ako kaya napaiwas ako.

" I'm not in the mood right now to discuss so make a reflection paper about our discussion yesterday. Write it on a one whole sheet of paper. " She icily utter at umupo. Sumunod naman kami sa sinabi niya.

Nasa kapagitnaan kami ng pagsusulat nang tumunog ang tiyan ko kaya lahat ay napatingin saakin at nagpipigil ng tawa. Napakamot ako sa likod ng tenga ko dahil sa kahihiyan. Lintek! Pinapahiya talaga ako ng tiyan ko!

" So who's at fault that you didn't have your breakfast?" Taas kilay na tanong ni Prof Daivynn. Napakagat labi ako dahil pinapamukha niya namang nalate ako ng gising.

I pouted and caress my tummy. Nagugutom na talaga. Nanginginig na buong katawan ko.

" Miss Mariano!" Tawag nito kaya napatingin ako sa harapan pero wala na siya doon kaya hinanap ko siya at nasa tapat na siya ng pinto.

" Bakit po?" Tanong ko.

Umirap pa siya bago ako sinagot.." Come with me. " Utos niya at lumabas na kaya kahit hindi ko pa tapos ang ginagawa ko ay sumunod na ako dahil baka tuluyan na talaga akong mamatay.

" San tayo Prof?" Tanong ko nang maabutan ko siya.

" Canteen. Let's have a brunch " sagot niya kaya napakagat labi ako habang nakasunod sakanya. Pagdating sa Canteen ay kumuha na agad kami ng pagkain. Mukhang pareho kaming gutom. Tahimik na kumain kami at mabuti nalang hindi siya nagsusungit hanggang sa matapos kaming kumain.

" Go back to your classroom and collect your classmate's papers and bring them to my office after your last subject this morning. " Utos niya.

" Sige. Magbabayad pa ako" tukoy ko sa kinain ko.

" I'll take care of it. " Sabi niya.

" Libre mo ako?" Tanong ko. Inirapan niya ako at hindi ako sinagot kaya umalis na ako dahil baka magbago pa ang isip at hindi na ako ilibre pa.

Tasting the sweet Forbidden Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon