CHAPTER 13: I love you

9.9K 432 187
                                    

Chapter 13: I love you




" Sana all peborit ni Lord." Napairap nalang ako kay Amy.

" Kaya nga. Sana all talaga sa hindi pinagalitan kahit natulog sa klase." Dagdag ni Aldwyn.

Napangisi naman ako. Habang nagtuturo kasi si Prof Daivynn kanina ay nakatulog ako sa klase niya. Mabuti nalang hindi niya ako pinagalitan at sinabing huwag ko na daw uulitin. Mukhang good mood siya today.

" Hindi ko na kasalanang ang pangit niyo." Napaawang naman sila at nainarteng nasaktan. Psh!

" Grabe ang sama ng bibig. Sarap halikan." Natawa kami sa sinabi ni Sheena. Siraulo.

" Ayieeh si Sheena bumabanat kahit hindi siya type." Pang-aasar nila kay Sheena pero instead na mapikon ay natawa lang siya.

" Hindi siya ang tuluyang magpapabaliko saakin." Mayabang na sagot niya na ikinatawa namin.

" At least aminadong mababaliko in the future. Ehem girls! Galaw-galaw!" Sigaw ni Amy kaya umingay na naman buong classroom.

" Paano naman ako!" Sigaw na awit ng mga boys namin na ikinatawa namin.

" Baka lalaki rin ang para sainyo. Magkakapamilya tayo dito sa loob ng classroom kaya bawal ang magkarelasyon. Sa mga magkarelasyon dyan! Maghiwalay na kayo! Incest!" Sigaw ni Lily. Mga wala na namang magawa kundi maging bitter.

Nang matapos ang huling klase namin sa tanghali ay sabay-sabay kaming pumunta ng canteen kaya ang ingay-ingay na naman nila at nakakahiya.

" Beh.." biglang sulpot ni Lily sa tabi ko at kumapit pa sa braso ko.

" Bakit?" Tanong ko habang naglalakad kami sa lobby.

" Hingi ka autograph kay Gia. Sige na please.." pagpapacute niya. Natawa ako. Crush niya kasi si Gianna.

" Ayoko. Baka mamatay nalang ako bigla dito kapag nagalit ang dragon." Tukoy ko sa girlfriend niya. Nakakatakot kaya si Prof Elise no.

" Sige na kasi. Bayaran nalang kita." Suhol niya. I shake my head.

" Punta ka nalang kapag may meet and greet siya. Inform lang kita. " Sabi ko kaya wala na siyang nagawa.

" Hi Jess!" Bati ng iilan saakin na kakilala ko rin from other departments nang makapasok na kami sa canteen.

Nang makahanap kami ng pwesto ay sobrang ingay ng mga kasama ko. Nakakahiya talaga. Iginala ko ang mata ko at hindi ko mahanap si Bal. Mukhang nasa office ata ni Prof Elise. Lagi naman 'yon nandoon at ayaw mahiwalay sa girlfriend niya. Mabuti nalang maingat talaga siya kaya walang nakakahalata na may relasyon sila.

Saktong pagkatapos kong kumain ay tumunog ang cellphone ko.

Solene Calling...

" Hello.." Sabi ko pagkasagot ko ng tawag.

Ilang segundo pa bago siya nagsalita. " Can you pick me up?"

Bigla akong nag-aalala dahil halatang namimilipit ito sa sakit." Where are you?" I ask at napatayo.

" N-asa school ako. Please Ash."

Shit!

" Okay. Wait for me. Pupuntahan kita dyan, ha? " I said and ended the call at nagpaalam sa mga kasama ko at mabilis na tumakbo palabas papunta sa parking lot and drove off sa school kung saan nagtuturo si Sol.

" Patingin ng I.D Ma'am." Tanong ng guard nang maibaba ko ang bintana. Binigay ko ang school I.D ko at nagtaka ito dahil iba ang I.D ko.

" Susunduin ko lang po si Professor Solene Luis. " I said kaya tumango siya at pinapasok na ako. Nagtanong p ako kung nasaan ang office niya at mabuti nalang ay tinuro nila.

Tasting the sweet Forbidden Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon