CHAPTER 17: You're annoying

9.1K 401 92
                                    

Chapter 17: You're annoying


" Bakit parang pagod na pagod ka? Pinagod ka ba ng asawa mo?" Tanong ni Lyka nang makaupo ako.

Lintek! Ako na naman napansin sila.

" Sinong hindi mapapagod sa ginawa namin?" Hindi makapaniwalang tanong ko. I was referring to what happened earlier sa penthouse niya. Pagkatapos nang habulan moments namin ay pinalinis niya ako sa mga kalat niya. Ang galing diba?

" Ay wow! Iba talaga kapag may asawa! Araw-araw diligan moments!" Sigaw ni Lyka para asarin ako kaya natawa ang lahat.

" Dirty mind." I commented.

" Sabi na eh. Fresh mani is essential for life talaga. Magandang advocacy diba Jess?" Nakakalokong sabi ni Amy. Napailing nalang ako sa mga kalokohan niya.

Dumating narin si Prof Daivynn kaya natahimik na ang lahat. Sa tuwing nagtatama ang mga tingin namin ay masama ang tingin niya. Hindi siguro napapagod si Prof sa ginagawa niya.

" Prof kelan po tayo mag-aasign ng mga players sa bawat games?" Tanong ni Aldywn nang matapos ang discussion. Next week is our school fair kaya may nilabas ng listahan ng mga laro.

" We should discuss it first within our department." Sagot niya.

Nagpaalam narin siya dahil next subject narin namin. Buong klase ay parang zombie ako. Naubos ang energy ko kanina. Inubos ni Prof Daivynn lahat.

Bakit parang ang laswa pakinggan?

Last subject na naman ngayon ay bored na bored na ako habang nakaupo. Gusto ko nang matulog! I took my phone and open the data.

Daivynn Munoz sent you a friend request.

Iyon agad ang bumungad sa notification ko. Napakagat labi ako bago inaaccept. I decided the kulitin siya dahil online naman siya.

Jess Mariano:

Hi, Prof!👋

Ilang minuto pa bago siya nagreply.

Daivynn Munoz:

Using phone in the middle of your class is disrespectful Miss Mariano.

Kahit hindi ko siya nakikita ay alam kong umiirap na naman siya. Napakagat labi ako para pigilan ang sariling matawa. I look around and saw some of my classmates using their phones. Ang boring naman kasi talaga ng klase namin ngayon. Nakakaantok.

Ang sungit naman.

Seen

Ay wow lakas ng loob na i-seen lang ako.

Prof kelan tayo magdedate?

Daivynn Munoz typing...

Ask me on a date if you already move on about the person you are inlove with.

My mouth slightly open. Naalala niya pa pala 'yon?

I type.

So papayag ka?

I'll think about it.

I suppressed my smile reading her reply.

I'm bored right now, Prof.

Pake ko?

Ay sungit talaga beh.

Bakit ang sungit mo po?

Because you're annoying. Pangit.

Tasting the sweet Forbidden Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon