CHAPTER 26: Camping ft. swimming

12.1K 500 65
                                    


Chapter 26: Camping ft. Swimming

Nang makarating kami camp area ay nagpahinga pa muna kami saglit bago pinatayo ang kanya-kanya naming tent. Madilim narin kaya sinabit na nila ang LED string lights sa may puno at iyong iba sa gilid ng tent. Ang refreshing dito. Nasa may tabi kami ng lake kaya medyo malamig ang ihip ng hangin. Naghanap rin kami ng kahoy para sa bonfire.

" Si Prof Ivy saan matutulog? Wala kang dalang tent, Prof?" Tanong ni Lily.

" I'll share with Miss Mariano. " Simpleng sagot niya kaya napalingon sila saakin na malapad ang ngiti. Sancha wiggle her eyebrow, teasing me.

" Pag-ibig na kaya ito hindi kaya isang biro~" pag-awit ni Sancha kaya binato ko siya ng maliit na kahoy na hawak ko. " Bakit?" She ask in disbelief.

" Huwag kang kumanta, baka umulan." Saway ko pero tumawa lang siya.

" Chill lang babe. " Napairap naman ako.

Iyong mga boys ay gumawa na ng apoy. Kami naman ay inayos ang tutulugan namin. Si Prof Daivynn ang kasama ko sa tent ko. Malaki naman at kasya ang limang tao.

" Here, gamitin mo nalang dala kong unan. " Sabay bigay ko ng maliit na unan na dala ko sa professor ko habang nasa loob kami ng tent. Walang salitang kinuha niya ito saakin at humiga sa nilatag kong bed sheet. Dapat talaga iyong air foam nalang dinala ko. Ito kasing si Prof Daivynn pabigla-bigla.

" Magpahinga kana muna, Prof. Sa labas lang ako. Tawagin mo ako kapag may kailangan ka." Sabi ko. Pumikit lang siya at hindi ako sinagot.

Nice talking.

Nagulat ako nang bigla siyang umupo. Nakakagulat naman itong si Prof Daivynn. She open the zipper of her sweater at hinubad. Sunod-sunod na napalunok ako nang makitang naka sports bra lang siya sa loob. Fvck. Mabilis na umiwas ako at walang paalam na lumabas. Nakahinga ako ng maluwag nang makalabas ako. Lintek na buhay 'to. Lagi nalang akong natotorture.

" Oy!" Alwdyn doldge me.

" Bakit?" Nakasimangot na tanong ko sakanya.

" Gusto mo si Prof Ivy no?" Pang-aasar niya.

" Pinagsasabi mo?"

" Sus. Sige lang. In denial pa. " He utter.

Napansin kong busy naman ang iba. "I'm attracted to her. That's all I can say." I shrugged.

He nodded his head. " Trust the process lang, Jess. "

I chuckles. " So you're okay with me and Prof Daivynn if ever?"

He smile and nod his head. "  I'm okay whoever you want. As long as masaya ka. "

That made me smile. Alam kong wala kaming matinong usapan ni Alwdyn but I know, we already build a friendship.

Nagpahinga lang kami dahil sure akong late na kaming matutulog mamaya. May dala pa namang alak sila Paolo. Walang ice kaya nilagay nila doon sa tubig para lumamig. Mabuti nalang madami akong biniling   junk foods kanina para gawing pulutan.

" Tawagin mo si Prof Ivy, Jess! Kakain na tayo!" Utos ni Amy kaya sumunod ako. Naglakad ako papunta sa tent namin at tinawag siya mula sa labas dahil ayoko ng pumasok pa.

" Daivynn...kakain na." Tawag ko pero wala akong nakuhang sagot. Tawagin ko sana ulit kaya lang nakita kong bumukas ang zipper ng tent at lumabas siya mula doon. Napaawang pa ang bibig ko dahil hanggang ngayon naka sports bra lang siya. Napasimangot ako. Malamig kaya. Walang salitang hinubad ko ang hoodie jacket ko at binigay sakanya. Tumaas naman ang kilay niya.

" Suotin mo. Baka sumakit ang tiyan mo sa lamig. " Sabi ko kaya kinuha niya naman pero may natanggap pa akong irap. Napangiti ako ng palihim nang makitang suot niya ang hoodie ko. Shet kinikilig na naman ako!

Tasting the sweet Forbidden Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon