CHAPTER 50: Yes

5.8K 306 163
                                    



" I'm really sorry about last night, Jessa. Sa sobrang pagod nakatulog na agad ako. Nakalimutan kong mag-alarm. " She said while holding my hand. Siya talaga ang pumunta dito sa Condo. Of course, wala akong balak na puntahan siya dahil hindi niya ako sinipot sa dinner date dapat namin kagabi.

" Pagod ka? Sana sinabi mo nalang. Umasa lang pala ako sa wala." I said bitterly.

Sinong hindi magtatampo sa ginawa niya. Siya itong nagsabi na magdinner date kami tapos siya naman pala ang hindi pupunta.

" I'm sorry. I just want to have a dinner date with you kaya kahit pagod ako, gusto ko paring magcelebrate kasama ka. "

" Pero hindi ka pumunta." I reply.

Alas tres palang siguro 'to ng madaling araw pero wala pa akong tulog. Hindi ako makatulog lalo na at hindi siya pumunta sa date namin kagabi.

" That's why I'm sorry. Hindi ko naman sinasadya. Sobrang pagod lang. " She said in low voice.

Daivynn pagod rin naman ako. Feeling ko sasabog na ang utak ko sa dami ng iniisip ko. Of course I didn't say that to her. Ayokong dumagdag pa sa mga dahilan kung bakit siya napapagod.

Instead na magtampo ako ay sinabi ko nalang na okay na kahit sa loob loob ko malaki ang tampo ko sakanya. Ayoko lang na mapagod pa siya lalo na at nakikita kong wala nga itong masyadong pahinga.

Magkatabi kaming nakahiga ngayon sa kama. Magkayakap. Sinilip ko siya at mahimbing ang tulog nito. Mamaya pa naman kami aalis kaya bumalik muna kami sa kama para matulog kaso hindi ako makatulog.

Napabuntong hininga nalang ako. Ganito pala 'yong pakiramdam nang maraming iniisip. Kahit anong gawin mo, kahit anong sabihin mo sa sarili mo na tumigil na muna, maiisip at maiisip mo parin.

Pinagmasdan ko ang kamay naming magkahawak. Ngayon ko lang naramdamang malapit siya. Sobrang busy niya at pansin kong madami rin siyang iniisip. Narealize ko na hindi ko man lang siya natanong kung okay lang ba siya. Baka hindi ko rin naparamdam sakanya na nandito lang ako sa tabi niya. Baka hindi ko siya nadamayan sa mga problema niya. Baka masyado akong naging focus sa sarili ko at nakalimutan kong kailangan niya rin ng masasandalan.

" I'm sorry.." mahinang bulong ko at hinalikan ito sa ulo niya.

Pinilit kong umidlip pero hindi talaga ako makatulog. Hanggang sa nagising siya ay gising parin ako.

" Good morning, love. " bati nito kaya napangiti ako. She move closer to me at mas niyakap pa ako.

Ramdam kong sobra naming namiss ang isa't-isa.

Nagcuddle nalang kami bago sabay na bumangon para magbreakfast. Mamayang tanghali kami aalis papunta sa resort kasama sila Bal.

" Hmm smells good " I whisper while hugging her from behind habang nagluluto siya ng pang almusal namin. Siniksik ko ang mukha ko sa leeg nito. " Namiss kita..." bulong ko.

" I miss you more, love. You're starving na?" She asked.

" Opo. Hindi ako nagdinner kagabi e." Dahil sa sinabi ko ay napatigil siya at handa nang harapin ako para sermonan pero mas hinigpitan ko ang yakap ko.." Sino ba namang gaganahang kumain kapag hindi ka sinipot ng date mo. " nakakawalang gana kaya.

" I'm sorry na." Reply niya.
" I love you."

" I love you. " she face me and give me a sweet kiss kaya napangiti kaming pareho bago siya nagpatuloy sa pagluluto.

Sabay-sabay na kaming umalis kasama ang mga kaibigan ni Daivynn at si Bal at kasama rin pala namin si Cassy. Kasama rin namin ang kapatid ni Prof Thea na si Glai. Pansin ko ang masamang tingin nila Bal sa isa't-isa. Parang mga aso't pusa.

Tasting the sweet Forbidden Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon