CHAPTER 47 Misunderstanding?

5.6K 238 39
                                    

Chapter 47: Misunderstanding?

" Ba't parang ang lungkot mo dyan?"  Tanong ko kay Sheena. Nasa bar kami ngayon at pinayagan naman ako ni Daivynn since mga kaibigan ko naman kasama ko.

" Wala lang." Napabuntong hininga ito at binaba ang hawak na cellphone sa table at uminom. Nakita kong nakatingin ito sa Facebook story ng boyfriend niya.

" Naks magaling ka rin palang pumili." Pang-aasar ko. She chuckles and shake her head at uminom ulit. Mukhang may problema siya kaya umupo ako sa tabi nito at hindi na nagtanong pa. Kumuha ako ng isang bote ng beer at tinungga.

" It's a different kind of pain when you saw your partner posting on their stories looking so good without sending it to you first. " She started. Napatingin ako sa cellphone nito at mukhang iyong fb story ng boyfriend niya ang dahilan kaya siya malungkot.

" Maliit na bagay pero masakit. Walang update pero kayang magpost ng story. " She chuckles bitterly.  " Or maybe...uhaw lang talaga ako sa atensyon. " I saw her wiping her tears bago tumayo. " Tama na ang drama. Gusto kong magsaya ngayon. Tara sa dance floor."

Natawa ako." Hindi ako sasayaw. Dito lang ako."

Pinilit niya pa ako pero tumanggi ako. Baka mamaya may biglang humarot na naman saakin doon lagot ako sa girlfriend ko.

Nilubot ko ang tingin ko sa loob ng bar at sakto namang nakita ko si Prof Sin. Ngayon ko lang ulit siya nakita. Sabagay ay malayo naman department nila e. Naglakad ako papunta sakanya at saktong mag-isa lang din ito. Parang ang lalim pa ng iniisip kaya pumunta ako sa likod nito at tinakpan ang mga mata nito gamit ang mga palad ko. Mabilis na napahawak naman siya doon. 

" Sino ka?" Tanong nito pero kalmado parin.

" Take a guess." I said and chuckles. Binitawan niya ang kamay ko nang marinig niya ang boses ko.

" Miss Mariano." I chuckles and remove my hands covering her eyes.

" Nakilala mo agad ako. Walang thrill." Sabi ko at umupo sa tabi niya. " Bakit mag-isa ka lang?" Tanong ko na para bang hindi ko siya professor.

" Pangit kasi ng boses mo kaya nakilala kita." Instead na maasar ay natawa nalang ako.

" Kwento mo 'yan e. So bakit ka nga mag-isang umiinom dito?"

" Mukha bang may kasama ako?" Naks ang sungit. May dalaw siguro 'to.

" Ang sungit. Epekto ba 'yan ng walang jowa?"pang-aasar ko.

" Tigilan mo ako. Nakakairita 'yang pagmumukha mo." Singhal niya kaya nagulat ako. Mukhang badtrip nga. Hala wala naman akong mabigat na kasalanan sakanya.

" Ba't ka galit? Kulang ka siguro sa lambing. "

Inirapan niya lang ako. Hindi na ako nagsalita at tumahimik nalang sa tabi niya.

" How long have you known Djazel?" Tanong nito kalaunan.

" Djazel? Si Nurse Lim ba?" Tumango siya.

Ay taray first name basis.

" Matagal na rin. Bakit?"

" I saw your picture together. She was kissing your cheek." Sagot niya kaya napamaang ako.

" Ah matagal na 'yon. Hindi pa ba niya inalis sa kwarto niya?" Tanong ko. Sa pagkakatanda ko nakaframe 'yon at nakalagay sa kwarto niya. First picture naming dalawa 'yon kaya gusto niyang ilagay doon.

Tumango siya kaya napangisi ako.
" So bakit mo alam? Anong meron sainyong dalawa?" Taas babang kilay na tanong ko na ikinagulat niya. Natawa ako. Huli pero di kulong.

Tasting the sweet Forbidden Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon