CHAPTER 31: Exclusive Crush meet the First love

12.1K 574 395
                                    

Chapter 31: Exclusive Crush meet the First love





Exclusive crush

Napatitig ako sa pangalan nito na nasa messages ko. Damn gusto ko siyang itext at kulitin pero nagdalawang isip ako. Ilang araw na na ang lumipas? Tatlo? Apat?

Nablocked kasi ako sa messenger and kahit IG. Sabi ko na eh. Ang hirap talaga suyuin ni Prof Daivynn.

I took a deep sighed para kumuha ng lakas ng loob bago nagtipa ng message sakanya.

To: Exclusive Crush

Hi. Btw, kung ang yelo ay ice
miss na kita
Baby, hindi ko na kaya.

Sent.

Napakagat labi ako habang nakatitig sa message ko. Napapikit ako at minura ang sarili ko sa katangahan. Baka instead na maging okay kami, mas lalong magalit saakin.

Ilang minuto pa ang lumipas pero wala paring reply mula sakanya. Wala ata siyang balak na replyan ako. Baka busy?

" Putangina! Nagreply!" Hindi makapaniwalang sigaw ko nang magnotif na may reply siya. Fvck! Akala ko namamalikmata lang ako.

From: Exclusive Crush

BABALA:HUWAG PONG MANIWALA SA TEXT NA NAGLALAMAN NG INYONG PANGALAN NA NAG-AALOK NG TRABAHO, PABUYA O PERA. ITO PO AY ISANG SCAM. I-REPORT SA HTTPS://NTC.GOV.PH

Napaawang ang bibig ko nang mabasa ang reply niya. Lintek! Umasa ako eh! Ang saya-saya ko pa! Akala mo nanalo ako sa lotto. Kinuha ko ang unan at tinapon sa lapag sa pagkapikon.

To: Exclusive Crush

Nagiging blurry na paningin ko, gusto na ata kitang makita.

Sent.

I stroke my hair using my fingers at napakagat labi.

From: Exclusive Crush

You're trying to access sites not included in your promo OR haven't subscribed to one yet.

Marahas na napasabunot ako sa buhok ko. Grabe na talaga this. Marunong din pala itong si Prof Daivynn sa bardagulan. Ang galing lang.

I decided na tawagan nalang siya pero ilang dial pa bago niya sinagot kahit alam kong hawak niya naman cellphone niya.

" Pwede ba huwag ka na sa'kin magtampo. Dala-dala ko na ang kailangan mo
Miss na kita, ano ba kasalanan ko?
Gusto na kita makita. 'Wag ka na sa'kin magalit. Kasi baka lalo kang pumangit. Pero kahit magalit nang magalit. Sa'yo pa rin ako uuwi, hindi nila ako maaakit.
Bakit ba palagi kang masungit sa'kin?
Baka pwede pang ayusin natin?" Walang prenong sabi ko nang sagutin niya ang tawag.

Napakagat labi ako. Sana hindi niya mahalatang awit 'yon. Jusko nagiging blangko na kasi isip ko at wala na akong ibang maisip kundi siya lang. Binabaliw ako ng crush ko sa panunuyo sakanya.

" Pauwi na'ko." She mumbles.

I gulp." Pauwi kana sa'kin?"

" 'yong song Miss Mariano. "

I bit my lower lip bago kinuha ang isang unan at tinakpan ang mukha ko. Shet! I cleared my throat. Masyado nang abuso si Prof Daivynn sa pagiging magandang pogi ko.

" Edi ako nalang uuwi sayo." I utter and stifle my smile.

" Uwi ka sa mga babae mo then nuod kayo Pokemon."

Natawa naman ako. Jusko naman.

" Ayoko nga. Ikaw lang gusto kong manuod ng Pokemon." Banat ko.

Natahimik siya pero narinig ko ang mga kaluskos nito. Hindi ko alam kung anong ginagawa niya.

Tasting the sweet Forbidden Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon