PROLOGUE

15.9K 489 136
                                    

Prologue


"Mama!"

Naipunas ko ang basa at mabula kong kamay sa aking suot na shorts nang tinawag ako ng aking anak. Naghuhugas ako ng pinagkainan namin kagabi. Di kasi ako nakapaghugas kagabi dahil umiiyak itong anak ko.

Pagkalingon ko sa anak ko ay napangiwi ako nang makita ko ang hitsura nito. Dali-dali akong bumunot ng tissue at lumapit sa anak na ang dungis na. Para naman nitong hinilamos ang cake na kinain.

"Napaka lagkit at dungis mo na anak." ani ko dito pero tinawanan lang ako at hinagkan ang pisngi ko.

Ito ang trip niya, e. Gustong-gusto na laging inaasikaso. Ayaw pa ngang magpaiwan. Inaalala ko nga ang pag-aaral nito ngayon pasukan dahil baka umiyak ito sa classroom nila kapag iniwan ko. Nasanay pa naman ito na sinasama ko lamg sa room ko.

"Mama babath,"

"No, kaka-babath mo lang kanina Gleysie."

Natawa ako nang ipatid nito ang paa sa ere at inartehan ako. Ewan ko ba dito sa anak ko. Gusto na laging nakababad sa tubig! Kapag dito lang kami sa bahay ay minsan nagigising nalang ako na may lumalagaslas nana tubig mula sa banyo at kapag pinuntahan ko doon, doon ko na makikita ang anak ko na nakababad na sa palanggana na punong-puno ng tubig. Naglalaro na sa tubig.

Ewan ko. May lahi yatang sirena itong anak ko. Hahaha!

"Okay, magba-babath ka tapos mamayang hapon dapat di ka na magba-babath, okay? Ayaw ko na sinusuway ako, Gleysie."

Lumiwanag kaagad ang mukha nito at ito na ang kusang naghubad sa marumi niyang damit. Tinutulungan ko na itong bumaba sa silya.

"Maliligo rin ako, kaya hintayin mo si mama, Gleysie."

"Yes, mama! Mama gusto mo tumulong ako magwash ng plates?" Kiniskis pa nito ang kamay sa isa't isa na parang atat na atat tumulong. Namimihasa na.

"No!" Mabilis kong sabad dito dahil matatagalan na kami kapag tutulungan ako nito.

Ngumuso ito. At pinagkrus ang maliit na braso sa harap niya. Sus! Ang liit na bata pero ma-attitude na.

"Mamaya ikaw ang magwa-wash ng mga plato natin. Tuturuan ka ni Mama."

"Really, mama? Hehehe."

"Oo."

Kaya ayon, walang nagawa kundi ang yumakap lang sa hita ko at kinantahan ako. Napangiti lang ako kahit na di ko alam ang kinakanta nito.

Binilisan ko na ang paghuhugas ko dahil naghihintay na sa akin ang anak ko na binabantayan ako sa ginagawa. Para itong security guard sa tabi ko. Sus, naghubad pa nang damit.

Kinarga ko na ang magta-tatlong taon kong anak tungo sa aming banyo. Sa awa naman ng dios ay nabigyan ko naman ng maayos na buhay ang anak ko kahit mag-isa lang ako. Hindi naging madali ang buhay ko dahil sa nangyari sa ama ko. Sunod-sunod na delubyo ang nangyari sa buhay ko noon at dala-dala ko na pala noon ang anak ko sa sinapupunan ko.

Ngayon ay isa na akong ganap na guro at iyong naiwan na pera ng ama ko ay nakatulong din iyon sa akin.

"Mama, eat tayo sa Angel's, please." wika naman ng anak ko habang sinasabnan ko ito sa katawan.

"Anong kakainin mo doon anak?"

"Gusto ko ang chicken nila doon, mama. Masarap na masarap!"

"Talaga? Saan ka nakakain n'yan?"

"Kay ate Rosie, mama! Doon siya nagwo-work ngayon at nagdala siya. Super sarap ng chicken nila mama!"

"Sige, doon tayo."

El Grande Series 3: Gage De SilvaWhere stories live. Discover now