CHAPTER 1

10.4K 266 12
                                    

Chapter 1

Leister Pov

Lakad-takbo ang ginagawa ko nang makarating akong Melchora Hospital dito sa Monti Alegri. Humahangos ako at di ko alam kung ano ang hitsura ko ngayon dahil umuulan sa labas at naka-tsinelas lang ako. Medyo basa pa ang tshirt ko.

Lumapit ako sa front disk at nagtanong sa nurse doon kung saan dinala ang pasyente na kakarating lang dito na naaksidente sa highway.

Pagkatapos sabihin ng nurse sa akin ang kinaroroonan ng Papa ko ay di na ako nag-aksaya pa nang oras at mabilis na tumakbo sa room kung saan ang Papa ko.

Kakarating ko lang kanina sa bahay nang may tumawag sa akin na sinugod daw dito ang Papa ko. Katatapos lang ng duty ko sa isang fastfood chain at kaya nga nakapambahay lang ako dahil kakabihis ko lang tapos nabalitaan kong nandidito pala ang Papa ko dahil nabangga ito sa highway.

Pagkarating ko naman sa room kung saan si Papa ay di ko naman siya nakita agad dahil nakatabing iyong kurtina at nagpi-perform daw ang doktor doon.

Iyak lang ako nang iyak sa labas habang nagdadasal na sana'y walang nangyaring masama kay Papa at ligtas ito. At di pa nga tapos ang doktor doon sa Papa ko nang may pulis na dumating sa ospital at hinanap ang kamag-anak o pamilya ni Papa. At dahil wala namang pamilya si Papa maliban sa akin. Ako na ang humarap doon sa pulis.

Sinabi nila sa akin ang nangyari. Nakatulog daw ang Papa ko habang nagmamaneho sa dinadala nitong truck at nabangga sa barricade ng tinatrabahong private property. Malaki ang damages doon at kailangan namin iyong bayaran.

Tamataganting sa halos kalahating milyon ang damage of property na babayaran namin at kung di raw namin iyon mababayaran ay makukulong ang Papa ko na hindi ko pa nga alam kung gising na ba o ayos lang ba. Mabuti nga raw at inako ng employer ni Papa ang kalahating bayarin nito kaya kalahati nalang ang babayaran namin.

Nang makaalis ang dalawang pulis, kusang bumigay ang tuhod ko sa panghihina at napaluhod ako sa malamig na tiles ng hospital. Tinakpan ko ang mukha ko at napahagulhol.

Saan ako kukuha ng pera? Kalahating milyon? Saan ako kukuha ng ganoon kalaking pera sa loob lang ng isang linggo na binigay sa akin? Siguro maliit lang para sa iba ang kalahating milyon pero para sa akin na naghihikahus sa buhay ay sobrang laki na noon.

Hindi pa nga tuyo ang luha ko ay lumabas na sa doktor doon sa kinaroon ng Papa ko. Hinanap niya ang pamilya nito kaya naman kahit na sinusinok ako at nagpupunas ng luha ay tumayo ako at hinarap ang doctor.

"Ikaw ang pamilya ng pasyente? Wala ka bang ibang kamag-anak?"

Napatango ako sa doktor.

"Alam kong mahirap ang pinagdadaanan mo ngayon, hijo. Pero ayaw ko naman na magsinungaling sayo. Gustong sabihin sayo na wala na naman sa peligro ang buhay ng ama mo. Nalinis na ng mga nurse ang sugat niya kaso..."

"K-kaso? Ano po?"

"Kailangan natin ipa-whole body ST-scan ang ama mo kasi malakas ang impak ng pagkakabunggo niya. His other leg nga ay na-deform at ang buto sa mukha at ilong ng ama mo ay mukhang may nabasag din. Kailangan ng st-scan para mapag-aralan kung ano ba talaga ang nangyari sa loob ng mukha ng ama mo at para alam din natin ang gagawing operation dito. At kailangan ito agad-agad hijo."

"M-malaki po ba ang gagastusin?"

Malungkot siyang tumango sa akin.

"Pero sa ngayon uunahin natin ang st-scan ng ama mo para alam natin kung ano ang kailangan niya o baka kailangan niyang operahan. Which is I believed na kailangan talaga base sa nakita ko sa kalagayan ng ama mo."

El Grande Series 3: Gage De SilvaWhere stories live. Discover now