CHAPTER 13

4.4K 184 14
                                    

⚠️SLIGHT MATURE CONTENT BELOW. READ AT YOUR OWN RISK.
_________________________

Chapter 13

Leister Pov

"No, ayaw ko. Itatabi natin ang mga bata sa atin, Gage. O, may itatabi ka sa kanila." I argued.

Matapos ang three hours na movie marathon ay sa wakas bagsak ang mga bata. Pero ngayon na tulog ang mga bata sa mahabang sofa. Kami na naman ni Gage ang nagtatalo tungkol sa set-up kung saan at kung sino ang matutulog sa mga kwarto sa taas.

Gage insisted na ipagtabi na lang ang mga bata sa room ko tapos tabi kaming dalawa sa kanyang room. I've been there and it's so spacious kasya nga kaming apat doon kung tutuusin.

Ako naman ay hindi pumayag sa kanyang gusto. I want Raelyn to sleep in my room tapos itatabi namin si Braze sa amin. Pero ang lalaki ayaw naman pumayag sa nais kom

"Okay," pagsuko ko. I placed both of my hands on my hips. I took a deep breath. "Raelyn will be sleeping in my room, and you and Braze will be in your room."

Sabi niya kasi maliit ang bed niya. He can't fool me. I've been there. I just woke up from his bed an hour ago, to be exact, this morning. This guy! What does he take me for?

Nagtaas-baba ang kanyang dibdib at namumula na. Maputi rin talaga kasi siya. Ganito ka simpleng bagay pero hindi kami nagkakasundo ni Gage. Ang isip bata rin kasi niya.

"And how about you?"

Tumingin ako sa paligid, then I spotted the sofa bed. Nakatulog na nga ako rito no'ng unang araw ko rito.

"Here," I pointed to the multifunctional folding sofa bed.

His eyes widened.

"Here? In the living area? Are you kidding me, hun?"

I rolled my eyes.

"No. Come on, go ahead and take the kids upstairs so we can all sleep." I said, pushing him towards the sofa where the kids are sleeping peacefully.

Umiling-iling siya at binuhat si Raelyn. Tahimik niyang binuhat ang bata at saka umakyat sa taas. Sumunod naman ako sa kanya dahil kukuha ako ng extra na kumot para sa akin.

Hanggang sa nakarating kami sa kwarto ko ay tahimik lang si Gage. Wala imik niyang inayos ang posisyon ng pamangkin at saka ito kinumutan. Kumuha na rin ako ng kumot at isang unan na aking gagamitin sa baba.

Hindi pa rin ako iniimik ni Gage hanggang sa makababa kami. Napapikit na lang ako ng mariin sa aking mata.

Nang buhatin ni Gage si Braze at dinala sa taas. In-adjust ko naman ang sofa para maging kama iyon. Inilapag ko ang unan at kumot doon at saka kinuha ang remote control pala sa floor to ceiling na kurtina rito sa sala. Sunod kong pinatay ang ilaw at tahimik na humiga.

Just a while ago, Gage was so clingy, he was all so sweet, and naughty to me pero ngayon malamig pa siya sa yelo. Dios ko! Ang isip bata rin at ang bilis magtampo.

Tumagilid ako at kumuyutkot.

Bumuntonghininga ako. Maybe I should apologize to Gage tomorrow. I became shameless and talked back to him. It's not that I don't have the right to voice my opinions and so forth. Ang sa akin lang... nagpapanggap lang ako dito. Nagpapanggap lang ako bilang Garcinia. I was so brazen to the point where I forgot that I am acting as a Garcinia.

Tears were forming in the corner of my eyes as I remembered everything that happened. All of these, all of these things will eventually turn into memories that I will cherish.

El Grande Series 3: Gage De SilvaDonde viven las historias. Descúbrelo ahora