CHAPTER 14

4.7K 185 21
                                    

Chapter 14

Leister Pov

Simula noong hinangaan ko si Gage, tinaga ko sa mga bituin sa kalangitan na gusto ko siyang makita. Makita lang siya sa personal, sapat na iyon sa akin. Makukuntento na ako. Pero dahil sa nangyari kay Papa Arsel napadpad ako kay Auntie Amabel. At ang misyon ko ang nagdala sa akin tungo sa buhay ni Gage.

I've never thought of being this close to Gage while... carrying out my plan. Ngayon naging mahirap na sa akin ang lahat. Sobra... sobrang hirap. Dahil hindi ko na ito ginagawa dahil sa misyon ko. Ginagawa ko na ito kasi... ito ang gusto ko. Ito anag gusto ng puso ko. Kahit na ilang beses kong paalalahanan ang sarili ko— ang puso ko, nahulog pa rin ako. At kahit na ilang beses kong sinusuway ang puso ko na 'wag mahulog at 'wag mahalin si Gage. Kusang akong nalusaw. Kusang nilusaw ni Gage ang pader na aking sinusubukang buuin.

No'ng tinanggap ko ang misyong ito, akala ko magiging madali lang. Akala madaling ngumiti sa kanila sa kabila ng pagpapanggap ko. Akala ko madali silang pakisamahan. Pero isa akong malaking mangmang, dahil mas mahirap pala pakisamahan at ngumiti sa mga taong walang ginawa kung hindi ang maging mabuti, alagaan ka, at mahalin ka.

And all I can do for now is wait and pray. Wait and pray, na sana bilisan nila Auntie Amabel ang kilos nila. At ipinagdarasal ko rin na magiging madali ang paglisan ko sa buhay nila Gage. Sana walang maging balakid.

"Are you done, hun?" Gage's voice pulled me out of my deep reverie.

Kinapkap ko ang aking pisngi upang palisin ang bakas ng luha. Huminga ako nang malalim at yumuko upang isara ang zipper ng aking maleta.

"Ready, hun?"

Hindi na ako nagulat nang may gumapang na kamay sa aking baywang at saka iyon gumapos sa akin. Humigpit ang mga braso ni Gage sa aking baywang at saka humalik siya sa aking pisngi.

Sumandal ako kay Gage at hinayaan ang sariling malunod sa bango nito. I inhaled his masculine scent and leaned back on his chest. Humawak ang kamay ko sa kanyang mga kamay na yumakap sa akin.

"Hmm," tugon ko sa kanya.

"Your essentials? Perhaps you have skincare?"

I smiled at her.

"I don't have those. I don't do skincare."

"Hmm, no wonder you have such natural and untouched skin."

"Pangit?"

"Pangit ang alin?"

"Ako. Iyong balat ko."

Kanya akong inipit ng husto sa kanyang yakap. "No, actually, you're beautiful," he said. The back of his hand grazed my arm. "And I love your skin, hun."

Bumuntonghininga ako dahil nagiging emosyonal na naman ako at baka kung saan pa kami dalhin nitong pagdaramdam ko sa aking pinasukang buhay.

"Tara na, hun. Excited na ako!" Maligayang wika ko.

Gage guided my body to turn around. I raised my eyes and found Gage's blue-green gaze staring at me intensely. Gage was gaping at me as if he were conversing with my soul. I attempted to divert my gaze from his daring look, but it seemed like my eyes were no longer under my control. He held my gaze captive with his beautiful eyes, making me feel self-conscious. It was as if he was searching for blackheads on my face with his gaze.

The wide smile that had stretched across my mouth earlier slowly disappeared because of him.

I fiddled with my fingers before biting my lip.

El Grande Series 3: Gage De SilvaWhere stories live. Discover now