CHAPTER 2

6.2K 281 12
                                    

Chapter 2

Gage Pov

"Yeah, this is Gage De Silva speaking."

Pinatigil ko muna ang make-up artist ko sa pagtatanggal ng make-up na nilagay nila kanina sa mukha ko pagkasagot ko sa tawag na galing sa isang culinary school na pagmamay-ari ng isang kaibigan.

"Mr. De Silva gusto lang po naming i-clarify na si Mr. Debie T. Fabre po ang name ng ni-recommend ninyo? At ang amin pong ii-enroll?"

"Yes, that is right. And if you have any more queries, could you just email them to my personal email? I'll forward it to your office."

"Sure, sir. That would be great. Thank you, Mr. De Silva, and sorry for disturbing you."

"It's fine, ma'am."

Sinipat ko ang mukha ko sa salamin na nasa harap ko na may maraming ilaw sa gilid. Maaga akong pumunta dito ngayon para sa isang photoshoot ng isang brand ng perfume. Pang-limang location ko na ito ngayon ng photoshoot at nakakangalay na rin sa bibig ko ang pagngiti sa harap ng camera.

Tiningnan ko ng wrist watch ko at nakita kong alas 8 na nang gabi. May family dinner pa pala akong dapat na puntahan. At ang call time na sinabi ni Mommy kanina ay 8:00 pm tapos nandidito pa ako.

Tinawagan ko ang manager ko, si Chalyn na pumasok sa dressing room ko. At ilang minuto lang ay pumasok naman ito.

"May kailangan ka? Or iri-request para sa team?" anito.

I politely shook my head.

"No, but can I go home right now? I have a family dinner, Cha. I cannot disobey or ditch our family dinner. My mom would skin me alive."

Matagal bago ako sinagot ni Cha ng isang tango.

"Sige," she finally answered. "Kailangan mo ng driver or ikaw nalang ang magda-drive for yourself?"

I gave her a closed-lip smile. "Ako na." ani ko at tumayo.

Dumeritso ako ng parking lot B kung saan ko pinark ang sasakyan ko kanina. Minsan kapag pagod ako nagpapadrive ako hanggang sa penthouse ko. At ngayon ay kaya ko pa namang magdrive kaya ipagda-drive ko ang sarili ko.

Twice a month ay nagkakaroon talaga kami ng family dinner. With my sister and my brother. Sa aming tatlong magkakapatid ako ang pinakabunso. At ang nakakatanda kong kapatid ay kambal. Kasal na rin sila at may sarili ng pamilya, arrange marriage things. Yes, our family still follows that old, primitive tradition. 
 
Our family is one of a kind followers of that tradition because their marriage was also an arranged marriage thing. They fell in love and have us. Kaya ginagawa rin nila iyan sa kanilang mga anak. At ang mga kapatid ko ay ganoon din. Arrange marriage rin sila pero kalaunan ay minahal din naman nila ang kanilang kapareha.

At ako, at the age of thirty, I'm enjoying my bachelor's years to its limit because I know one day they will also have someone for me. Hindi na ako nagkakaroon ng matinong relasyon dahil alam ko naman na pagdating ng araw ay may tao rin dadating at papakasalan ko. Kaya papalit-palit ako lang ako ng babae. I do it like I'm just changing my briefs. 
 
My family wasn't a fan of showbiz. They're not fan of me showing on the big screen. They aren't fan of me acting in front of the camera. Pero ito kasi ang gusto ko munang gawin ngayon. Ako rin naman ang taga-pagmana ng mga negosyo namin when times comes kaya mas pinili ko itong career na ito. Instead of pursuing my MBA abroad.

At hinayaan ako ng parents ko, in exchange for that, I will agree to an arranged marriage too, like they did to my sister and brother. At nakita ko naman na maayos ang kinalabasan ng mga naging arrange marriage ng mga kapatid ko kaya kampante akong ganoon din siguro sa akin.

El Grande Series 3: Gage De SilvaWhere stories live. Discover now