CHAPTER 11

4.3K 210 20
                                    

Chapter 11

Leister Pov

Marahan kong tinago sa likuran ko si Raelyn nang makita kong namumula na si Kenneth. Ewan ko lang kung sa galit ba iyon o naiiyak na siya. Maldita at ma-attitude pala itong si Raelyn.

"Uncle! That kid dared to call me a shortie!" sumbong ni Kenneth kay Lincoln. Tinuro nito si Raelyn na ngayon ay sinusubukan kong itago sa aking likuran.

Hilaw akong ngumiti kay Lincoln na sinusubukang aluin ang pamangking nag-aalburuto.

Nang balingan ko si Raelyn sa aking likuran ay nagm-make face ito kay Kenneth. Dios ko!

"Stop it already, Raelyn. You're making it hard for Kuya L-Leister," suway ni Braze sa kanyang pinsan.

Maarteng umirap si Raelyn sa pinsan saka pinagkrus ang mga braso at tumalikod. Napabuntonghininga ako. Hindi pala talaga madali ang magbantay ng bata. Lalo na't ganitong klase.

Akala ko mababait ang dugong De Silva kaso mukhang 'di iyon nakuha ng genes ni Raelyn. Buti na lang at itong si Braze ay tahimik lang at parang pinapakiramdam lang ang mga kasama namin sa loob ng elevator.

"Don't make a fuss, Kenneth. Remember, you're still a kid too. You'll grow bigger soon." wika ni Lincoln sa kanyang pamangkin na hindi na maipinta ang mukha.

Ginulo ni Lincoln ang buhok ni Kenneth, ngumuso naman si Kenneth at masama ang tingin nitong bumaling sa aming direksyon kaso si Braze ang nakatingin sa kanya. Nawala ang sama sa mukha ni Kenneth at lumabi na lang bago tumingin sa aming harapan.

Bumuntonghininga ako. Naghihimutok si Kenneth sa asar ni Raelyn sa kanya samantalang itong si Raelyn ay tila wala lang sa kanya ang lahat. 'Di man lang ito natakot na lalaki ang kanyang kinalaban.

Totoo na mas maliit nga si Kenneth kumpara kay Raelyn kaso bilugin din kasi itong si Kenneth. At itong si Raelyn naman ay matangkad at payat pareho sila ni Braze, matatangkad at payat.

Nang makalabas kami ng elevator ay nauna kaming maglakad nina Braze at Raelyn. Alam na alam nila ang lugar. Malaya kong sinundan ang mga bata at hindi ko nililingat ang aking mata sa kanila. Nakasunod lang ako sa naunang mga pamangkin ni Gage. Malikot na bata si Raelyn pero si Braze naman ay hindi lumalayo rito kaya hindi mahirap na bantayan sa labas.

Napadpad kami sa isang food stall. Napangiti ako sa pagtaas ni Raelyn sa kanyang leeg upang makita ang niluluto doon.

"Wah! The smell is so yummy!" Raelyn exclaimed, jumping in bliss and inhaling heartily. She nudged her cousin, and Braze only nodded his head.

Sumulpot bigla mula sa aking likuran si Kenneth na sinundan naman ni Lincoln.

"Buy me one, uncle!" untag ni Kenneth sabay turo sa umuusok na pagkain.

Nasa unahan nila Raelyn at Braze si Kenneth at nang lumingon si Kenneth ay dinawalan nito sa dila ang aking binabantayan. At dahil madaling uminit ang ulo ni Raelyn susugurin na sana nito si Kenneth. Mabuti't agad ko namang nahawakan ang kwelyuhan ni Raelyn.

"G-gusto n'yo rin?" tanong ko sa kanilang dalawa.

Nagningning ang mata ni Braze at tumango. Tiningnan ko si Raelyn at tumango rin ito kaso gusot ang mukha.

"Okay, behave kayo rito. O-order ako." Bilin ko sa kanilang dalawa. Hinanapan ko sila ng bakanteng mauupuan sa harap mismo ng food stall. Nang may makita ako ay hinatid ko ang mga bata. Binigay ko rin sa kanila ang telepono ko para malibang sila habang naghihintay sa akin.

Agad akong sumunod sa linya ni Lincoln na hawak-hawak ang palapulsuhan ni Kenneth. Kumuha ako ng ilang bills sa aking bulsa at sa pagkagulat ko ay nasapo ko ang aking dibdib. Nang pag-angat ko sa aking ulo ay sumalubong sa akin ang mukha ni Lincoln.

El Grande Series 3: Gage De SilvaWhere stories live. Discover now