CHAPTER 7

5.3K 237 20
                                    

Chapter 7

Leister Pov


Nangangapa ako habang nagkalapat ang mga labi ni Gage. Nangangapa ako kung saan ako kakapit—kukuha ng lakas dahil sa tingin ko ay hinihigop na ni Gage ang natitirang lakas sa aking katawan. Nangangapa ako kung ano ang gagawin ko. Ilalayo ko ba ang mukha ko, itutulak ko ba si Gage? O hahayaan ko siyang halikan pa ko. At isa pa hindi ko alam kung papaano humalik. Ito ang unang pagkakataon sa tanang buhay ko na may humalik sa akin sa labi. Oo, sa edad kong dalawampu't isa ay wala pa akong nahahalikan. Kahit sa pisngi nga ay wala rin.

Ngayon ay hindi ko na halos maramdaman ang sarili ko. Para na akong nakalutang at ang tanging naririnig ko lang ay ang puso ko na nagwawala sa loob ng dibdib ko bunga ng kaba.

Nang sa wakas ay makabawi ang katawan ko ng lakas ay nagawa kong igalaw ang kamay ko. Humawak ako sa magkabilang balikat ni Gage. Maliit na lang ang kulang para maitulak ko siya nang yumakap ang isang braso niya sa baywang ko at nilapit ang katawan ko sa kanya. Ang isang libre niyang kamay ay humawak sa mukha ko at sunod niyang inanggulo ang mukha niya upang makakuha siya ng mabuting anggulo.

Nang gumalaw ang labi niya sa akin ay mahigpit akong napapikit sa mga mata ko at ang kamay ko naman sa mga balikat niya ay kumuyom.

Ginalaw ko ang nangangawit ko ng paa. Sumubok na naman akong itulak ang lalaki nang magsalita ito habang nakadikit ang mga labi namin.

"Please, Lei, open your mouth. I might puke right now if you won't open your mouth.". Kinakapos sa hangin nitong wika.

Dahil nakahawak ako kay Gage, ramdam ko ang hindi na normal niyang paghinga. His breath became labored. Pero dahil naguguluhan ako sa nais niyang iparating sa akin ay magtatanong na sana ako.

"Ano-ahm!" Ang tanong ko sana ay naging daing nang biglaan nitong  ipasok ang dila sa loob ng bibig ko.

Naibuka ko ang mata ko sa bigla no'ng galaw ni Gage. Umakyat na sa buong mukha ko ang pamumula.

Nakita ko si Gage na pikit matang humahalik sa bibig ko. Sumisipsip siya, kinakagat at parang minamasahe ng bibig niya ang akin.

"I'm sorry, Lei." usal naman nito habang humahalik pa rin sa labi ko. Bakit parang ayaw na niyang lumabayan ang labi ko?

Naghahanap ako ng tanong kay Gage dahil sa sorry niya pero napaungol nalang ako nang sunod kong naramdaman ang paghigop ni Gage sa dila ko. Parang siyang bata na umiinom ng gatas doon sa dila ko.

Napapikit na lamang ako at tinanggap lang ang mga halik ni Gage.

Ilang minuto ay siya na ang tumigil sa paghalik. Unti-unting lumayo ang mukha niya sa akin at ako naman ay walang imik na bumalik sa aking kinauupuan.

Hindi na ako makatingin sa lalaki ng daretso. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko ngayon. May pagkalito, pagsisi, pandidiri, at panghihinayang. Nalilito ako kung bakit bigla na lamang akong hinalikan ni Gage. May pagsisi sa akin kung bakit hindi ko siya magawang itulak kanina habang may konti pa akong lakas. Nanghihinayang din ako kasi... first kiss ko iyon. It should be memorable and nice. At nandidiri rin ako, baka kasi inaakala ni Gage na tulad ako ro'n sa mga babae niya, easy to get.

"Lei?" mataman nitong tawag sa akin pero hindi na ako umimik. Nakatutok nalang ako sa labas ng bintana at pinipisil ang mga daliri.

"Lei, sorry."

"U-uwi na tayo."

Rinig ko ang marahas na paghinga ni Gage at sunod ay ang pagbuhay niya sa makina ng kotse. Sa byahe namin tungo sa kanyang penthouse ay wala na kaming naging imikan ni Gage. Binuksan ko na lang ang binatana ng kotse niya para naman makahinga ako ng maluwag. Nagwawala pa rin kasi talaga ang puso ko kahit na tapos na naman niya akong halikan.

El Grande Series 3: Gage De SilvaWhere stories live. Discover now