CHAPTER 15

5.7K 201 19
                                    

Chapter 15

Leister Pov

Nakabusungot ang mukha ko habang mahigpit na nakayakap sa leeg ni Gage at mahigpit ding nakagapos ang binti ko sa kanyang baywang madulas pa ang katawan niya dahil sa tubig!

Naghagikhikan sina Braze at Raelyn na masayang nagtatampisaw! Si Gage naman ay natatawa pa rin dahil kanina lang sinubukan niya akong pakawalan at talagang nilubog ako ng tubig. Kaya nga ngayon ay para na akong Tarsier kung makakapit sa kanya.

Nanliit ako dahil sa aming apat ako lang ang hindi marunong lumangoy. Okay lang naman sana iyon kung sing tangkad lang ako ni Gage kaso maliit ako. At ayos lang din sana kung ganito ako kaliit kung marunong lang ako lumangoy, kaso wala. Sa lahat ng nabanggit ko ay wala ako no'n. Babawi na lang siguro ako sa ilang mga activities dito.

Hindi friendly ang pool nila rito sa katulad kong maliit na 'di marunong lumangoy!

"Iahon mo na lang ako, hun," bulong ko kay Gage. Nakapatong ang baba ko sa kanyang malaking balikat.

"Later. Mag-enjoy muna tayo sa pool nila rito, hun."

My lips twitched. Papaano ako mag-ienjoy nito ngayon kung nakakulampit lang ako sa kanya?

"Hold your breath," sunod na wika ni Gage.

I looked into his eyes.

"Huh?"

"Hold your breath."

Pinanliitan ko siya sa akin mga mata. Nagdududa sa kanyang utos sa akin.

"Come on," sulsol niya pa.

Huminga ako nang malalim.

"Ready?"

Tumango ako at nagpipigil sa aking hininga. Sabay naman no'n ang paglublob ni Gage sa aming katawan sa ilalim ng tubig.

The water's clarity revealed him effortlessly beneath the surface. Ngumiti sa akin si Gage.

Nanlalaki ang mga mata ko dahil nauubusan na ako ng hangin sa ilalim ng tubig pero hindi pa rin inaahon ni Gage ang aming katawan.

Pinagtatampal ko na ang kanyang dibdib pero ngumisi lang siya sa akin saka inangkin ang aking labi kahit na nasa ilalim kami ng tubig. Beneath the water's surface, our lips met in a lingering embrace, speaking a language only our hearts could understand.

Dahil sa bigay niyang hangin sa akin ay nagtagal kami sa ilalim ng tubig ng ilang minuto. At nang inahon niya ang aming katawan ay pareho kaming naghahabol sa aming hininga at hingal na hingal.

Kahit na sa lamig ng tubig ay agad kong naramdaman ang pagkalat ng init sa aking mga pisngi. Gage was also blushing, with a wide grin looming on his lips. He bit his lip while gazing at my parted lips. Alam ko kung ano ang tumatakbo sa isip niya ngayon. Hindi pa sapat sa kanya ang nangyaring halikan sa ilalim ng tubig.

"Wow, uncle! You hold your breath for so long underwater and so you are, Kuya Leister!" Eksaherada ni Raelyn na ngayon ay nakatayo sa poolside at nakaplastar pa ang kamay sa magkabilang baywang niya.

"I wanna try that too." Sumegunda naman ni Braze. Kapwa manghang-mangha ang mga bata.

Pumikit ako. Dios ko! Kung alam n'yo lang mga bata kayo! Hindi ko na kinakaya ang kahayukan ng uncle ninyo!

Ang mga bata ay sumali na sa amin ni Gage sa pool. Parang ako ang bata sa kanila kasi ako tila tukong naka dikit lang sa katawan ni Gage. Kapag lumulusob sa tubig si Gage ay pinapasakay niya lang sa kanyang likuran. Kaya nag-enjoy na ako sa tubig! Nagmistulang life vest ko sa Gage. Naghabol-habulan din kami sa pool kahit na nakakulampit lang ako kay Gage.

El Grande Series 3: Gage De SilvaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon