CHAPTER 8

4.7K 221 16
                                    

Chapter 8

Leister Pov

"Auntie." Nakahinga ako ng maluwag nang sa wakas ay sumagot na rin si auntie Amabel sa tawag ko.

"Lei,"

"Auntie, kumusta na po si papa d'yan?" may atat kong tanong. Ang sabi ni Auntie, bago niya ako dinala sa bahay ng mga Granville, ay mag-aupdate siya sa akin tungkol sa kalagayan ni Papa roon sa Monti Aligre habang wala ako. Siya na rin daw ang bahalang gumawa ng paraan para hindi ako hanapin doon ni Papa Arcel.

Halos isang buwan na ako rito, halos isang buwan na kaming nagsasama ni Gage at araw-araw—sa bawat araw na lumilipas ay unti-unti na akong kinakain ng konsesya ko. Araw-araw akong nangangamba rito sa 'di ko maipaliwanag na dahilan.

At sa mga linggong nandirito ako, wala ring araw na lumipas na hindi ko iniisip si Papa ro'n sa probinsya. Ginagawa ko ang lahat ng 'to para sa kanya.

"Your dad is okay, Lei. I-aunder go surgery nila ang paa ni Kuya Arcel." sabi naman ni Auntie sa kabilang linya.

"Hinahanap niya po ba ako, auntie?"

Ilang segundong hindi nakapagsalita si Auntie Amabel. Sunod kong narinig ang bumuntonghininga niya.

"Yes, but like what I promised, Lei ako na ang bahala sa'yo rito. Ikaw d'yan ang mag-ingat."

Naibagsak ko ang katawan ko sa sandalan ng kinauupuang malaking silya rito sa sala. Tumingala ako sa nakabitin na malaking chandelier dito.

"Nag-iingat naman po ako rito, auntie. E, d'yan po? Kailan po ba ako aalis dito? Auntie... parang ayaw ko na po nito. Nakokonsensya na po ako sa kanila."

"Lei, ginagawa na namin ang lahat dito para madali kang makaalis siya. Just give us a month. Don't worry everything will be back to normal for you again soon."

Humigpit ang pagkakahawak ko sa telepono ko. Babalik ba talaga ang normal para sa akin? Pagkatapos ko rito talaga bang babalik ako sa normal kong buhay rati?

"Sige po."

"Okay, goodbye."

Nang maibaba ko ang tawag ay napatitig na lang ako sa telepono ko. Habang tumatakbo ang panahon na kasama ko si Gage parang mas naging mahirap sa akin ang bawat araw na kasama siya. Para akong nasusuka para sa  sarili ko sa mga pinapakitang kabaitan sa akin ng mga De Silva. They don't deserve to be deceived like this.

Mariin akong napapikit at kasabay no'n ang pagtulo ng mga luha ko. Kung sana lang pinahiram ako ng pamilya ni Papa ng pera. Hindi sana ako mapupunta sa sitwasyong ito. Kung sana lang hindi itinakwil si Papa Arcel ng kanyang pamilya. Hindi ako aabot sa puntong ito. Hindi sana ako aabot sa punto kung saan kailangan kong lunukin ang katiting na dangal na meron ako. Hindi sana ako aabot sa puntong ito kung may pera lang kami.

How can someone say that money can't buy happiness? Money makes the world go round. Money can make your life easier. Money can save you. Money can do anything. And that's why I am here. I am here for money. It's insane what money can do. Somewhat, I'm afraid of it. I'm afraid of money, yet I still want it.

Likewise, with what I have for Gage. I keep telling myself that I shouldn't... I shouldn't fall for him. I cannot like a man like him. But this foolish organ hiding behind my ribcage keeps beating for him. It's not satisfied with just a glance and admiration. My mind is afraid of it. My mind is afraid of what my feelings can do, however, my heart overrides my mind. It craves danger.

Pinalis ko ang luha ko nang napatingin ako sa center table. Nakikita ko ang repleksyon ko roon. I need get myself together. I need to hold myself for a little longer. I just hope that auntie will do things faster in the Monti Aligre.

El Grande Series 3: Gage De SilvaWhere stories live. Discover now