CHAPTER 17

3.6K 162 22
                                    

Chapter 17

Gage Pov

Ngiting-ngiti ako habang nagmamaneho tungo sa opisina ni Chalyn. Naiwan ang isang kamay ko sa steering wheel ng aking kotse nang kusang kinapa ng isang kamay ko ang aking labi. I can still feel my fiancé's lips against mine. I can still remember how soft they are. I can still remember how sweet they are.

Hindi ko na alam kung ilang labi na ba ang natikman ko. Mapa trabaho ko man iyan o sa mga past flings ko. Sa mga labing natikman ko walang ni isa sa kanila ang makakapantay sa labi ni Lei. Dammit! It's just... it's so delicious! I mean, I can kiss and lap my fiancé's lips all day. I cannot get over it! Shit!

Para na siguro akong timang dito ngayon at siguro para na akong teenager kung makaasta ngayon but can you blame me? Can you blame me kung kay Lei ko lang ito nararamdaman? Well, maybe because it's more meaningful and sweet because I love him.

Nonetheless, I will never regret meeting Leister Garcinia. I'm thankful to my parents for finding someone as sweet and honest as Lei. He is just too precious, a gem to me. I cannot wait until he can finally say he loves me too. I'm really, really working for it.

Nawala ako sa aking pagpapantasya sa mga nangyari sa amin ni Lei nang biglang umilaw ang aking telepono na nakalagay sa isang cellphone stand na naka-attach sa dashboard ng aking kotse.

It was a message from Chalyn, my dear manager!

Chalyn: Pumunta ka kaagad dito sa opisina ko, Gage! ASAP!

Hindi na ako nagreply pa kay Chalyn at nang makita ko ang greenlight sa Stoplight ay pinaharurot ko na ang kotse.

Nang mai-park ko na ang aking kotse sa ground floor ng building kung saan ang opisina ni Chalyn, kaagad naman akong sumakay ang elevator tungo sa kanyang office.

At nang makarating ako sa floor 7th floor ng building nagtaka ako nang makita ko ang ilang workers ng building na parang iba ang kanilang tingin sa akin. May ilan pang nagbubulong-bulongan, nagtutulakan pa at ang iba naman ay nagpipigil sa tili.

I'm an artist at lagi na naman ako rito sa office ni Chalyn at hindi na nakapagtataka kung kilala nila ako. Ang akin lang, ngayon... iba ang kinikilos nila. I don't know if I'm just paranoid or what, but I feel like something was off. My gut really senses that something was going on that I didn't know.

"Sir Gage galing po kayong vacation, right?" Ang ani ng isang babae na nagkaroon ng lakas na tanungin ako sa gitna ng pagkakagulo nila.

Without even thinking, I answered her truthfully.

"Yes."

At dahil doon ay mas lumakas na ang mga tili nila. Gulong-gulo ako ngunit hindi na ako nagkaroon pa ng pagkakataon na mag-usisa sa kanila nang mag-ring na ang aking telepono. It was Chalyn again.

"Yes?" I answered the call.

"Nasaan ka na De Silva?" si Chalyn, minsan lang ako tawagin ng aking manager sa aking apilyedo at kapag tinatawag niya akong De Silva. Alam kong inip na inip na ito ngayon.

"Nasa hallway na ako," sagot ko at nagpatuloy sa aking paglalakad.

Binaba ko ang tawag ni Chalyn at humigpit ang pagkakakuyom ko roon sa aking telepono.

Walang katok akong pumasok sa office ni Chalyn at naabutan ko siyang kausap ang isang lalaki. She immediately dismissed the guy upon seeing me.

"Anong emergency, Cha?" tanong ko sabay upo sa sofa na nasa harapan ng kanyang office table.

Madarag na tumayo si Chalyn.

"Ginamit mo ang pagiging injured mo just to go on a vacation."

"Getaway." Tamad kong pagtatama sa aking manager na minsan ay bugnutin din talaga.

El Grande Series 3: Gage De SilvaOnde histórias criam vida. Descubra agora