CHAPTER 20

2.1K 135 35
                                    

Chapter 20

Leister Pov

"Pa!" Tawag ko kay Papa nang makita ko ito sa screen.

"Nasaan ka ngayon, Lei." seryosong tanong ni Papa Arsel.

"N-nagtatrabaho, Pa."

Nanatili ang pagkaseryoso sa mukha ni Papa.

"Tumigil ka na naman sa pag-aaral mo."

"May next year pa naman, Pa." Anang ko at pilit na pinapasigla ang boses.

"Hindi dapat ganito, Lei. Hindi ka dapat nagsasakripisyo ng ganito para sa akin."

Umiling ako. "Pa, hindi. Huwag n'yo pong isipin iyan. Ikaw na lang meron ako, pa. Ikaw na lang kaya gagawin ko lahat, pa... gagawin ko ang lahat para sa'yo."

"Anak,"

"Mahal na mahal kita, pa. Kaya magpagaling ka po. Uuwi din ako d'yan, Pa. Pasensya na po kung 'di ako nakapag-paalam sa inyo ng mabuti bago umalis."

"Lei,"

"Sige na, kuya tama na 'yan. I still need to talk to Lei." Awat ni auntie Amabel kay Papa.

"Sige na, anak. Mahal ka rin ni Papa at pasensya na sa lahat ng dinulot kong pahirap sa'yo, anak."

"Wala iyon, pa. Mag-focus lang po kayo sa pagpapagaling ninyo."

"Mahal na mahal kita, anak."

"Mahal din po kita, pa."

Ilang minuto kong nakita ang screen na naglilikot bago ko makita sa screen si Auntie Amabel.

"Lei, kumusta d'yan?" Usisa ni auntie.

"A-ayos lang naman, auntie."

"Nabalitaan ko na hindi na raw pumirma ng contract niya si Gage. Titigil na sa showbiz."

Napatango ako. Saglit na tumingin sa likuran, takot na mahuli ni Gage o baka sumulpot iyon. Nandito kasi ako sa may veranda ng aming inaakupang room. Sinamantala ko ang pagkakataon na tulog si Gage sa aming room at tumawag ako kay Auntie at para na rin makita ko si Papa Arsel. Miss na miss ko na rin kasi si Papa.

"Hindi na nga po pumirma at t-titigil na." Kompirma ko rito.

"Anyways, so much for that, Lei. Gusto ko lang sabihin sa'yo, Lei na anytime soon. Babalik na ang pinsan mo..."

"H-ho?"

"Babalik na ang pinsan mo, which means anytime soon too, aalis ka na sa mga De Silva. You will be free anytime soon, Lei. Matatapos na ang pagpapanggap mo d'yan."

Bumalik na ang pinsan ko... bumalik na siya. Bumalik na ang dapat na nandito sa posisyon ko. Tapos na ang trabaho ko. Tapos na ang pagpapanggap ko. Makakauwi na ako. Makakapiling ko na si Papa. Uuwi na akong Monti Alegri. I should be happy. I should have... but why I feel sad, hurt, and anxious?

Pinatay ko ang video call namin ni Auntie. 

Hindi ko man lang namalayan na tumutulo na pala ang luha ko na parang ulan. Ang alam ko lang nababasa na ang mga pisngi ko.

Humihikbi ako sa veranda at pilit na tinatakpan ang aking bibig upang huwag gumawa ng kahit anong ingay. But I'm disappointed when a sob escapes from my mouth uncontrollably.

I know why I am in this pain. I know why I am scared. I know very well why I have this feeling of anxiousness. I love Gage so much more than I should. Jesus! I really love him.

I need to tell him the truth. I will tell him my reasons. He will listen. He will believe me. Okay lang na hindi maniwala ang pamilya ni Gage sa akin, basta siya... basta si Gage lang maintindihan ako. Sapat na iyon.

Du hast das Ende der veröffentlichten Teile erreicht.

⏰ Letzte Aktualisierung: May 09 ⏰

Füge diese Geschichte zu deiner Bibliothek hinzu, um über neue Kapitel informiert zu werden!

El Grande Series 3: Gage De SilvaWo Geschichten leben. Entdecke jetzt