CHAPTER 6

5.5K 241 30
                                    

Chapter 6

Leister Pov

I was fighting back my tears. I was holding my phone with both hands over my ears and was anxiously waiting for Gage to come. Every minute that passed felt like a lifetime for me. Panay ang lingon ko sa paligid ko. Ewan ko napapraning ako sa mga senaryong naglalaro sa utak ko.

What if may biglang sumulpot dito? What if may biglang mapadpad ditong mga lasing? Mga adik? Mga holder? Or worse kidnappers?! Patuloy lang ako sa pag-o-overthink habang nakabaon ang telepono sa tainga ko.

Kahit na sa probinsya ay may takot na talaga ako sa dilim. I like the nighttime somewhat because, when you are in the province, it is peaceful and quiet at night. I like to stare at the stars, which are light years away from us but in all honesty, I'm afraid of being in the dark. Kaya nga nakakatulog lang ako kahit na may ilaw o maliwanag ang paligid kasi roon ako nasanay. 'Di ako nakakatulog kapag naka-off ang lights.

"Lei? Are you there?" Gage's voice woke me up from my deep thoughts.

Aligaga akong lumingon sa likuran ko nang may marinig kong kaluskos doon. Halos atakihin na ako sa puso kaso dahon ng coconut tree lang pala iyong hinangin. God!

"O-oo, nandidito pa, Gage." My voice sounds so weak, even if I don't want to. As much as I want to act strong and brave, the tone of my voice failed me. It came out like the purr of a lost cat.  

"I'm almost there." Gage's voice was like a whisper that tranquilized my vibrating nerves.

Napanguso ako at kusang tumulo ang luha sa 'di ko malaman na kadahilanan.

Concern na concern ang tono ng boses ni Gage sa phone. Hindi man kami laging nagkikita ni Gage kahit na nasa iisang bahay lang kami ngunit nararamdaman ko ang bait niya. Kahit pa noong una naming encounter. My first personal impression of Gage didn't change. At nakaka-guilty ng sobra.

For the record, hearing his breath on the other line calms me.

"Nakikita na kita."

Nang marinig ko iyonng sinabi ni Gage ay napatayo ako mula sa pagkakaupo ko sa tabi ng mga pinamili ko. Umikot ako upang makita kung saan siya at nang may matanaw akong isang kotse na paparating ay kumaway ako. Binaba ko ang tawag nang dalawang beses na kumidlap ang ilaw noong kotse.

May nakita akong isa pang kotse na nakasunod doon pero hindi ko na iyon pinansan. All I care was Gage, iniisip ko kasi na makakauwi na ako through him.

Tumabi ang naunang pamilyar na kotse sa harapan ko. Bumukas ang pintuan noong driver's seat at bumaba doon si Gage!

Hindi ko pinansin ang gulong buhok ni Gage at ang ayos niya dahil tinapon ko ang katawan ko sa kanya! Ang lalaki ay pansamantalang naestatwa sa kanyang kinatatayuan.

"Thank you, Gage." usal ko at kinulampit ang braso ko sa kanyang leeg ng mahigpit. Doon lang nakagalaw si Gage at gumanti sa yakap ko, hinagod niya ang likod ko.

"You made me worried." Aniya.

Ngumuso ako at dumistansya sa kanya nang mapagtanto kong tumagal na ang pagkakayakap ko sa kanya.

Ngayon naman na magkaharap na kaming dalawa ay saka pa bumuhos ang kahihiyan ko. Hindi ako makatingin sa kanya ng mabuti dahil sa biglaan kong pagyakap dito. Though I can see naman na parang wala lang iyon kay Gage or maybe sanay na siya? Kaya ganito siya ngayon. Well, artista siya.

"Everything's alright, Gage?" Naibaling ko ang atensyon ko doon sa boses ng lalaki. Nakadungaw siya sa window noong kotse niya.

Ito ang nagmamay-ari sa kotseng nakasunod kay Gage.

El Grande Series 3: Gage De SilvaWhere stories live. Discover now