7

1.6K 33 1
                                    

Sammie's Pov
Buong mag hapon ay pinag uusapan ako ng mga classmates ko. Hindi na din bumalik sa classroom si Kia. Sobrang bigat sa pakiramdam dahil nag iisang kaibigan ko lang sya tapos ganito pa ang nangyare samin.
"Hoy malanding Sammie!" Tawag sakin ni Grace. Napalunok ako ng paikutan nila ko. Anong laban ko sa mga babaeng to, tiyak na mauubusan ako ng buhok kapag sinabunutan nila ako.
"Hindi namin alam kung anong gayuma ang ginawa mo sa mag pipinsan, pero hindi namin to palalampasin!" Sigaw ni Grace sakin kaya napayuko nalang ako. Hindi ko sila kayang tingnan, feeling ko kasi m#matay na ako sa tingin palang nila.
"Sige na, kunin nyo na sya!" Utos ni Grace sa mga alipores nya kaya agad akong nag panic. May humawak agad sa braso ko na dalawang babae. Hindi ko alam kung san nila ako dadalhin pero isa lang ang tiyak ko. May gagawin silang hindi maganda sakin.
Habang hila-hila ako ng mga alipores ni Grace. Marami na ang nakakakita samin, ni isa ay walang tumutulong sakin. Para bang sinasabi ng mga mata nila na deserve ko tong nangyayare sakin. Gusto ko nalang pumikit at mag laho na parang bula.
Kasalanan to ng bwésit na Harduel na yun. Kung hindi nya ina-nouce ang tungkol sa sitwasyon naming apat, hindi ako pag iinitan ng ganito ng grupo ni Grace.
Sa pag kaladkad palang nila sakin ay nanghihina na ako. Dinala nila ako sa lumang bodega sa likod ng lumang clinic. Wala mashadong pumupunta dito dahil liblib na lugar na ito at may posibilidad din na gumuho na ang lugar na to.
Hindi ko na mabilang ang mga taong nanunuod sa sitwasyon ko. Tumutulo na ang luha ko dahil sa kawalan ng pag-asa. Wala ba talagang may balak na mangahas na tulungan ako?
"Itali nyo na sya." Utos ni Grace kaya agad akong tinalian sa lumang upuan ng mga utusan nito.
"Yan ang napapala ng mga babaeng malalandi na hindi alam kung san lulugar!" Nakangising wika ni Grace.
"Akin na ang itlog!" Muling wika nito at agad na lumapit sa kanya yung kanang kamay nya na may hawak na isang tray na egg. Napansin kong hindi lang ito isang tray dahil may hawak na din yung ibang member nya ng itlog.
Napayuko nalang ako ng batuhin ako ni Grace ng itlog. Tumama ito sa ulo ko kaya nag tawanan ang mga nanunuod samin.
"Yan ang nababagay sayo!" Inis na wika ni Grace at muli ako nitong binato. Ilang sandali pa ay sunod sunod ko ng naramdaman ang pag tama sa katawan ko ng itlog. Basang basa na ako at the same time sobrang sakit na ng katawan ko dahil sa malakas na pag bato nila sakin.
Bigla akong nakaramdam ng pag kahilo dahil sa matigas na bagay na tumama sa ulo ko. Nakita kong kulay pula na ang tumutulo sa buhok ko.
"Sh*t, sinong gumamit ng bato? Grace dumudugo na ang ulo ni Sammie!" Takot na wika ng isa sa mga kasama nito. Bigla silang natahimik hindi ko alam kung nabinge lang ba ako or talagang natahimik sila.
"F*ck, who did this!" Sigaw ng isang lalaki at ilang sandali pa ay may lumapit sakin at kinalagan ang pag kakatali sakin.
"S-Sammie, nandito na kami! Dadalhin ka namin sa clinic!" Pag papanic na wika ng pamilyar na boses. Naramdaman ko nalang ang pag buhat nito sakin. Hindi ko na alam kung anong nangyayare, ramdam ko lang ang pagtakbo nito habang umiikot ang paligid ko.
"Sh*t, huwag kang matutulog Sammie!" Sigaw nito. Kahit anong pilit kong pag laban sa antok ay hindi ko magawa.
"Pag babayaran nila ang ginawa nila sayo!" Wika nito kasabay ang pag pikit ng mga mata ko. Hindi ko akalain na dito lang pala mag tatapos ang buhay ko. Nang dahil sa kanilang apat nalagay sa piligro ang buhay ko.
Hindi ba talaga katangap tangap na maligawan ako ng katulad nila? Sabagay, sino ba naman ako? Wala nga akong maipag mamalaki sa sarili ko. Hindi ako maganda, hindi din sexy, wala din akong yaman na maipag mamalaki. Ordinaryong studyante lang ako na gustong makapag tapos sa paaralang ito. Simula palang alam kong hindi na ako nababagay sa paaralang ito. Paaralan na kung saan, sobrang taas ng tingin ng mga studyante sa sarili nila. Kaya nga pilit kong inilalayo ang sarili ko sa kanila. Hanggat maari, umiiwas ako sa kanila dahil alam ko ang lugar ko.
** Third personal's Pov **
"H-Harduel, si Sammie kinuha ng grupo nila Grace." Wika ni Kia kahit natatakot itong lumapit kay Harduel.
"Ano naman ang paki-alam ko sa babaeng yun!" Inis na wika ni Harduel dito.
"Nang dahil sayo kung bakit nasa piligro ang buhay ng bestfriend ko tapos sasabihin mong wala kang paki-alam!?" Nang lilisik ang mga mata nito kay Harduel.
"Kung wala ka ng sasabihin Miss, pwede ka ng umalis." Wika ni Harduel dito kaya nilampasan na sya ni Kia.
Nag madali namang umalis si Kia para hanapin ang kahit na sino sa tatlong mag pipinsan. Hindi naman sya na bigo dahil nakita nya si Lawrence. Hindi na nag paligoy-ligoy si Kia na sabihin dito ang sitwasyon ni Sammie.
Sa pag punta nila sa lokasyon kung san dinala si Sammie ay nakasalubong nila si Wyatt and Norphil.
Galit at awa ang naramdaman nila ng makita ang kalunos-lunos na sinapit ni Sammie. Nanginginig ang katawan ni Kia, ni hindi nito magawang lapitan ang bestfriend nya kaya si Wyatt na ang nag alis ng tali nito at agad na binuhat ni Lawrence si Sammie papuntang clinic.
"Hindi namin palalampasin ang ginawa nyong to kay Sammie, titiyakin namin na mapaparusahan kayo!" Sigaw ni Norphil sa mga taong nandoon specially kay Grace at sa grupo nito. Nanginginig ang buong pagka-tao ni Grace dahil sa sinabi ni Norphil. Hindi nya akalain na magagalit ng ganun sa kanya ang mag pipinsan.
"Ang sino mang manakit kay Sammie, kami ang makakalaban nyo. Maliwanag ba yun!" Pahabol na wika ni Wyatt at sumunod na ang dalawa sa clinic.
"Paano na to Grace, hindi to pwedeng makarating sa parents ko." Pag papanic na wika ni Flor.
"A-ako din, siguradong aalisin ni dad ang allowance ko. Hindi yun pwede Grace, kasalanan mo to eh." Pag sisi ni Ivy sa kanya.
"Huwag nyo sakin isisi ang lahat ng ito dahil ginusto nyo rin naman to diba? Dapat lang kay Sammie yun dahil napaka landi nya. Ngayon pa ba kayo matatakot!?" Inis na sigaw ni Grace sa mga ito.
"Siguradong hindi to papalampasin nila Lawrence. Ayuko na Grace, hindi ko na to kaya." Wika ni Danica at tumakbo na paalis.
Alam ni Danica ang kayang gawin ng mag pipinsan, at tiyak na hindi lang sila ang maaapektuhan, kundi na rin nag negosyo ng bawat pamilya nila.

She's Dating the Four CousinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon