9 WORRIED

1.4K 33 1
                                    

Sammie's Pov

-Kinabukasan-

"Sammie, bilisan mo na dyan. Nandito na ang mga sundo mo!" Sigaw ni mama na ipinag taka ko. Kinuha ko na yung bag ko at pag dating ko sa sala ay nakangiting bumungad sakin yung tatlong mag pipinsan.

"Good morning Sammie, how are you feeling?" Nakangiting tanong ni Wyatt.

"Okey na ako, nag abala pa kayong pumunta dito." Sagot ko at palihim na ngumiti. Nak nang, bakit ako kinikilig sa tatlong nilalang na nasa harapan ko.

"Nak, I think kailangan mo ng gumawa ng schedule for them. Hindi naman pwede na sabay sabay sila palagi sa pag susundo sayo?" Mahinang wika ni mama sakin kaya napakagat ako sa lower lips ko. Tama si mama, hindi pwedeng palagi nalang silang sabay. Wala naman na akong magagawa kasi ito ang tadhana ko. I need to face the reality alang-alang kay Lolo Jones.

"Kay Wyatt nalang muna ako sasabay." Nakangiting wika ko sa kanilang tatlo.

"Yes! Oh pano ba yan nga dude, pwede na kayong umalis." May pag yayabang na wika nito sa dalawang pinsan nya. Napailing nalang si Norphil, at napa tango nalang si Lawrence.

"Wag ka mashadong mag celebrate dyan, nag sisimula palang ang laban." Wika ni Norphil kaya tumayo na ito.

"Ma, alis na po kami." Paalam ko kaya nag paalam na din yung tatlo. Pag labas namin ng bahay, naka helera yung mga sasakyan nila sa tapat ng bakuran namin. Napakamot nalang ako ng ulo dahil pinag titinginan kami ng mga kapit bahay namin.

"Let's go Sammie" Nakangiting wika ni Wyatt at pinag buksan pa ako nito ng pinto ng kotse nya. Nauna ng umalis si Norphil at Lawrence, parang ini-scortan nila yung kotse ni Wyatt.

"Gusto ko lang malaman Sammie, paano ba kayo nag kakilala ni Lolo at gustong-gusto nyang isa samin ang makatuluyan mo?" Seryosong tanong ni Wyatt habang nag mamaneho.

"Sa Mindoro, nag babakasyon ako sa lola ko tuwing summer. Naging matalik na mag kaibigan si Lola Susan ko at ang Lolo nyo. Kaya sa tuwing nag babakasyon ako, kasama si lolo Jones sa mga binibisita ko. Sabik din kasi ako sa Lolo kaya naging malapit talaga kami sa isat-isa ng Lolo nyo." Nakangiting kwento ko dito.

"Ganun pala, mukang mas close at kilala mo si Lolo kesa samin na tunay nyang mga apo." Wika nito kaya napatingin ako sa kanya.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Ang totoo kasi nyan, hindi si Lolo yung tipo na malapit samin. Pinapatawag nya lang kami kapag may kailangan sya or kapag may event. Wala syang favoritism samin. Mas kinakatakutan pa nga namin sya kesa sa mga parents namin. Kaya ayaw naming ma disappoint sya samin." Nakangiting wika nito habang nasa daan ang tingin.

Ganun pala, kahit siguro ako. Kung may huling kahilingan ang mahal ko sa Buhay. Gagawin ko ang lahat mapasaya lang ito.
-

Pag dating namin ng parking lot ng school, naka abang lang si Lawrence and Norphil sa labas ng sasakyan nila.

"Sabay-sabay na tayo, iisang klase lang naman ang pupuntahan natin." Nakangiting wika ni Norphil. Paalis na sana kami ng parking lot ng biglang may dumating na sports car na red. Napakunot ang noo ko ng makitang si Harduel ang driver nito. Pag labas nito ng sasakyan, nag katinginan kaming dalawa.

"How's your head?" Nakakunot noo na tanong nito ng makalapit na sya samin. Mukang hindi naman sya nag aalala, isa pa ni hindi nya nga ako binisita sa hospital kahapon.

"Okey naman na, mabuti nalang at dumating agad sila Lawrence kahapon. Siguro kung hindi sila dumating, baka pinag lalamayan na ako ngayon." Sarcastic na sagot ko dito.

"San ka ba kahapon dude? Ni hindi ka manlang bumisita sa hospital. Ilang beses kitang tinawagan pero hindi kita ma contact." Inis na wika ni Norphil dito.

"Lobat ang phone ko, may inasikaso din kasi ako." Wika nito at agad na umiwas ng tingin sakin.

Alam ko naman na hindi ako ang priority nitong si Harduel. Sino ba naman ako para sa kanya diba? Pero kung hindi dahil sa announcement nya, hindi mangyayare yun sakin.

"Tara na, baka ma late pa tayo." Wika ni Wyatt kaya umalis na kaming lima.
Pag dating namin sa classroom pinag titinginan na naman kami. Kailangan ko na sigurong masanay dahil araw-araw ko ng makakasama ang apat na to.

"Best!" Tawag ni Kia sakin at agad itong yumakap sakin ng makalapit na sya.

"I'm so worried about you, sorry kung iniwanan kita kahapon. Hindi sana to mangyayare sayo." Mangiyak ngiyak na wika nito.

"It's not your fault, okey naman na ako ngayon. Sorry din dahil nilihim ko sayo ang tungkol sa kanila. Promise hindi na yun mauulit." Nakangiting wika ko kaya tumango ito sakin.
-
Nag simula na ang klase namin at mukang hindi na papasok si Grace at ang grupo nya. Nangako naman si Lolo sakin kahapon na hindi nya na paparusahan yung mga gumawa nito sakin.

Alam ko naman kasi na nadala lang sila ng damdamin nila dahil sa nalaman nila tungkol sakin. Kahit ako din siguro, kung nasa sitwayon ako ni Grace, magagalit din ako. Ang pag kakaiba lang namin, kaya nilang manakit ng tao para sa minamahal nila.

-
"Class dismissed, see you tomorrow." Wika ni Sir Andrew.

Palabas na sana ito ng classroom ng biglang may pumasok sa silid namin kaya bumalik ito sa table nya. Napatayo yung apat na mag pipinsan ng makilala kung sino ito.

"Si Lolo" Wika ni Wyatt. Lahat kami ay nakatingin dito. Kasama nya yung assistant nyang si Mr Mancia.

"Mr Jones!" Masiglang bati ni Sir Andrew dito.

"Can I talk to my grandchildren, especially Sammie." Nakangiting wika ni Lolo. Agad naman na tumango si sir Andrew sabay tingin samin. Hindi na kami nag hintay pang tawagin nito kaya nag lakad na kami papunta kay Lolo.

Lumabas na kami ng room, nakasunod lang kami kay Lolo hangang sa makarating kami sa principal's office. Nandoon si Mr Almundo at mukang inaasahan nya na ang pag dating namin.

"I'm sorry for what happened to you Ms Lucero. As the owner of Almodians University I will not tolerate what they did to you." Madiin na wika ni Mr Almundo. Hindi nalang ako umimik dahil baka lalo lang humaba ang discussion. Alam ko naman na may sinusunod din na rules and regulations ang bawat paaralan. Kaya siguro wala sila Grace ngayon dahil inaksyonan na ito ng paaralan.

"By the way Lolo, bakit nyo kami pinatawag sa ganitong oras?" Nakakunot noo na tanong ni Harduel.

"I'm going for vacation, and I want to inform the five of you na simula mamaya ay sa mansion na kayo uuwi."

"What!?" Yung apat na naka high speech na.

"A-ano po?" Ako na sobrang bilis ng kabog ng dibdib.

"Nakausap ko na ang mga parents nyo at wala naman naging problema." Muling dagdag ni Lolo.

"P-pero Lolo-"

"No buts, kayong apat ayusin nyo ang pakikitungo kay Sammie. May mata ako sa mansion at ayukong makakarinig ng hindi maganda. Maging dito sa Almodians ay may susubaybay sa inyo." Wika ni Lolo kaya napahawak nalang ako sa braso ni Lawrence. Nararamdam ko kasi ang pag kirot ng ulo ko. Mukang napansin agad nung mag pipinsan ang sitwasyon ko.

"S-Sammie." Sabay na tawag nila sakin. Yung kamay nilang apat ay automatic na nakaalalay sakin.

Ang OA nilang apat pero feel na feel ko naman. Ang sarap lang sa pakiramdam na may nag aalala. Tapos apat pang nag gagwapuhang nilalang. Kung nasa mahabang pag kakatulog ako ngayon at panaginip lang ang lahat ng ito, please lang huwag nyo na akong gisingin.

She's Dating the Four CousinsTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang